CHAPTER 39 Hapon na nang magpasya kami na lumabas ng room ni Wynd. Buti na lang may pagkain pa kami sa refrigerator. Para kaming nasa honeymoon stage pareho. Hindi namin mapakawalan ang isat isa. Tumingin ako doon sa orasan. Ala sais na ng gabi. Siguradong bored narin katulad ko ang mga ibang agents. Mukhang halos lahat kami ngayon walang mission. Kung sabagay okay na rin. Ilang weeks na rin ang nagdaan na sunod-sunod ang mga mission. Kaya mabuti ng makapag pahinga ang iba ngayon. Ang kaso kakaiba na talaga ang nararamdaman ko parang hindi ko na mapigilan iyong adrenaline ko. Kahit na napagod ako at well rested naman ako. Hindi parin ako mapakali. "Autumn?" Nilingon ko si Wynd at nginitian. Hinawakan ko ang kamay niya at iginaya palabas ng room namin. Tahimik sa corridor.

