CHAPTER 40 Nawawala ang tension ko habang pinapanood ko iyong video na binigay sa akin ni Wynd. Pinadala niya iyon kay Summer para daw hindi ko siya masyadong mamiss. Nakakatawa iyong mga nasa video dahil nagsasayaw siya ng lullaby ng mga agents. Teach Me How To Dougie. Hinihila niya pa sa video si Reese na napapailing na lang. Video ito ni Wynd ng nakaraang araw. Stag party pero walang girls. Of course hindi nila gustong sumugod ang mga asawa nila kapag nagkataon. Napangiti na lang ako habang pinapanood ko si Wynd. Ang cute niya. "KJ niyo! Halika na para sa Sweetie ko ito. Dali!" "Alam mo pare kung hindi ka lang ikakasal na, hindi ko ito gagawin." sabi ni Reese. Sumunod na ang iba at tumayo. Napahalakhak ako nang halos lahat sila ay sumasayaw na. Iyong iba nakatayo lang

