Chapter 11

1244 Words
CHAPTER 11 Ilang araw na ang lumipas. Naging abala kaming lahat sa pag a-asikaso ng mission namin sa Furious. Sa ngayon ay ligtas na naisaga ang pag me-merge ng Furious at Kips sa pagkat tuluyan ng naikulong sila Teresa at ang tatlong gun man na kinuha niya.   Lumabas ako ng room para magpahaingin, nagsasawa na ako sa lab dahil ang tagal na namin doon. Umakyat ako sa rooftop. Nakakarelax naman dito eh. Maraming mga bulaklak. Kahit na hindi ako masyadong mahilig sa bulaklak dahil hindi naman nakakain yon at nalalanta din naman. At least nakakakalma siya.    Tumuntong ako sa isang bangko at umakyat ako sa may kalakihan na tool house. Sinigurado ko munang hindi pa siya marupok. Ilang buwan na di naman akong hindi nakakaakyat dito. Nang makaakyat ako ay napangiti ako. Kitang kita ang mga bituin dito. At saka dahil malapit ito sa railing ng rooftop para na akong lumilipad sa kinauupuan ko. Kapag nandito ako pakiramdam ko magkasama pa kami. Siya kasi ang laging tumatambay rito.   Napangiti ako sa ala-ala na iyon. ******************   Nakakasar talaga ang hampas lupa na Wynd na yon. Kung hindi ko lang kaibigan ang kapatid niya baka hinulog ko na siya sa rooftop. Hindi porke mas matanda siya sakin ng isang taon eh pwede na niya akong lamangan. Kahit 9 years old pa lang ako kaya ko na siyang patumbahin.   "Kaasar!"   Nagdadabog na umupo ako sa isang bangko sa rooftop ng BHO. Hinahanap ko kasi ang kolokoy na iyon dahil may utang siya saking bente. May interes na yon kaya dapat twenty five na ang ibabayad niya sakin.   "Psst."   Napalingon ako. Nagtatago ba ang lalaking yon dito somewhere?   "Mukang badtrip ka ah."   Napatingin ako sa taas. Nanglaki yung mga mata ko ng makita ko si Reese. Hindi ko siya kinukuya. Hindi ko kasi feel. At saka isa pa hindi din naman kami palaging nagkikita.   "Ano naman kung badtrip ako aber?" sabi ko   "Show some respect little missy." Uminit ang ulo ko.    "Bago mo pag-isipan na kalmutin ako, gusto mo bang umakyat dito?"sabi ni Reese   Napaisip ako. Parang maganda nga sa pwesto niya. Baka sakaling kumalma ako. Inangat ko yung suot ko na dress at sumampa sa bangko. Nakakunot ang noo ko sa concentration dahil baka bumagsak ako. Pahamak naman kasi tong damit na to. Napaangat ako ng tingin. May sumaklit sa bewang ko at inangat ako. Napatingin ako kay Reese, umangat ng konting konti ang labi niya bago siya tumingin sa malayo.   "Sa susunod kung gusto mong umakyat dito, wag yan ang isuot mo."sabi ni Reese   "Maganda naman ah."   "I don't like frilly dresses. At saka isa pa, parang nakakailang ang mga babaeng ang daming borloloy sa katawan."   Tumingin ako sa sarili ko. Ang dami ko ngang borloloy. Maganda naman kasi at saka ito ang binibili sakin ni Mama. Pero tama si Reese. Kahit ako naiilang sa mga pinapasuot sa akin.   "Oo nga eh. Hindi ko din gusto tong damit ko. Si Mama lang ang may gusto. Gusto ko nga yung maluluwag na damit." Sabi ko.   Hindi na siya sumagot pero nakita kong ngumiti na naman siya. Yung konting konting ngiti niya. Tama. Gusto kong magbago para mas maging malapit siya sakin. Sa lahat ng lalake dito siya lang ang mukhang seryoso at matino. At saka hindi siya katulad ng Wynd na yon na gusto ang mga ayos na ayos na girls. Iba si Reese. I'll change for him. *******************   Mula non nasanay na ako na hindi magsuot ng pangbabaeng damit. Nasanay na ako na hindi umarte. Dahil don hindi naiilang si Reese sakin. Pero ang masakit lang. Sa kabila ng lahat ng yon, tropa lang ang tingin niya sakin. Little sister. Mula pa noon, iba siya kapag si Ate Hurricane ang kausap niya. Parang ibang Reese ang nakikita ko. At kahit anong gawin ko, hindi niya ako makikita sa paraan na gusto kong makita niya ako.   Mula nong bata pa kami, sa simpleng pagkagusto it turn to something deeper. Hanggang sarili ko na lang ang sinasaktan ko. Pinanood ko kung pano sila nagkagustuhan, nag-away, nag-kasundo. Hanggang sa magkaanak sila at magpakasal. Pero sa kabila ng lahat ng yon. Nanatili akong nakangiti. I never showed them how hurt I am. Dahil wala akong karapatan.   Naasar na pinunasan ko ang mga mata ko ng maramdaman kong tumulo ang luha mula roon. Tama na. Ayoko na. Ayoko na na ganito ako palagi. Kahit hindi ko pinagsisisihan na siya ang minahal ko, gusto ko narin na maging masaya.   "Autumn." Napasinghap ako ng marinig ko ang boses na yon. Si Reese. Dahan-dahan siyang lumapit sakin at mukang tinatantiya niya kung okay pa ang tinutungtungan namin. I guess ngayon lang ulit siya nakapunta dito.   "B-Bakit?" tanong ko.   "Pinapatawag ka na nila. Pinaakyat ako ni Hurricane."   "Sige bababa na ako-"   "Dito muna tayo. Ngayon lang ako ulit nakapunta dito eh." Hindi na ako nakaangal dahil nakaharang na siya sa dadaanan ko. Umupo siya sa may tabi ko at nakangiting tumingin sa harapan namin. Hindi na yung onting onting ngiti. Totoong ngiti na. Nagbago na siya. Dahil kay Ate Hurricane. Kahit paano. Siguro pwede na akong maging masaya para sa kaniya. Kasi alam kong ayos na siya. Kahit na masakit.   "Kamusta?"tanong ni Reese   "What?"   "Kayo ni Wynd. Kamusta na? Mukha namang kahit nagpapatayan kayo paminsan-minsan ay mukang gusto niyo naman ang isat isa."   "What?! No way!"   "Bakit may nangyari sa inyo kung ganon? At nagpakasal pa kayo."   "Hindi-"   "Hindi kayo kasal?"tanong ni Reese. Nanlaki ang mga mata ko. s**t!   "Hindi. I mean, hindi yon ang ibig kong sabihin. Wala naman kaming choice kaya nagpakasal na lang kami. It’s not like we love each other."   "Hindi yon ang nakikita ko."   "Naduduling ka lang Reese." Hindi na siya umimik pero nanatili siyang tahimik. Tinitignan ko siya sa gilid ng mga mata ko dahil hindi ko naman siya pwedeng titigan ng harapan. Manantili sa memorya ko ang araw na ito. Kasi kahit sa konting sandali. May isang bahagi ng buhay ko na alam kong si Reese lang ang nandoon. Na isang sandali na kami lang ang magkasama.   "Hey." sabi ni Reese. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang pisngi ko. Napailing ako at sinubukan kong lumayo sa kaniya ng hindi na tumigil sa pagtulo ang luha ko.   "Hey stop moving. Mamaya mahulog ka, come here." Sabi ni Reese. Hindi na ako nakaimik ng hinila niya ako palapit sa kaniya at pinunasan ang mga mata ko.   "W-Wala to. Napuwing lang ako-"   "Stop loving me."  "A-Anong-"   "Hindi naman ako kasing manhid ng inaakala ng lahat. Iyon nga lang nalaman ko lahat sa mga panahong hindi ko na alam kung pano ka pipigilan. Autumn. I love hurricane-"   "Alam ko. Hindi mo kailangan ipaliwanag. N-nakikita ko naman." Pinilit kong patatagin ang boses ko. Hindi ko kailangan to. Hindi ko kailangan na sabihin pa sakin ang mga bagay na nakikita ko na. Tanggap ko na naman. Wala naman akong ginawa para paghiwalayin sila.   "You need to listen Autumn. Stop loving me-"   "It’s not easy. Nasasabi mo yan kasi hindi ikaw ang nasa posisyon ko. Kung sana nga lang pwede. Sana matagal na kitang nakalimutan!"   "Kung titingin ka lang sa paligid mabuti. Makikita mo yung taong minamahal ka-"   "Hindi ko kailangan ang taong yon. Kasi hindi patas sa kaniya. Kasi hangga't hindi umaayos tong pesteng pusong to, wala akong karapatang magmahal ng iba. Dahil makakasakit lang ako." Nakatingin lang siya sakin. Tumayo ako at bumaba na. Tuloy-tuloy lang ako at iniwan ko siya.   Nasasaktan parin ako. Pero alam kog may nagbago sa akin. Ayoko pa lang kilalanin ang pagbabago na iyon. Because it's scaring me.   "You heard that? Stop loving him." Napahinto ako pero hindi ako lumingon. Kilala ko naman kung sino.   "Wag kang makialam Wynd." Sabi ko.   "Asawa kita."   "You know very well na hindi yan totoo."   "Alam mo kung anong problema mo Autumn? Bulag ka. Masyado kang nag fo-focus sa sakit na nararamdaman mo na hindi mo nakikita kung gaano ka nakakasakit ng iba." Lumingon ako sa kaniya. Hindi siya nakatingin sakin. Nakatingin siya sa langit at parang... parang may pinipigilan siyang luha. Must be my imagination. Baka naaawa lang siya sakin.   "Wag kang makialam." sabi ko.   "It's too late. I care too much."    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD