Chapter 10

1294 Words
CHAPTER 10 Nakasimangot ako habang paakyat kami ng superman. Ayoko talagang sumakay dito. Nilingon ko sila Ice, Zane at si Wynd na kasalukuyang bitbit sila Jove. Dumating kasi kanina si Zane. Buti na lang nailabas namin sila Jove ng walang humaharang samin.   "Hurry up." sabi sakin ni Wynd.   Pumasok na ako sa loob. Si Summer nauna na at kasalukuyang kinakabit ang harness. Mukhang hinahanda na niya ang sarili niya sa magaganap. Lumapit ako kay Wynd na inaayos si Jove sa pagkakaupo, tutulungan ko na sana siya kaso lang, tinignan niya ako ng masama. Then, he look pointedly sa plane seat.   Inirapan ko siya at umupo na ako. Huminga ako ng malalim at kinabit ang mga harness sa katawan ko. Chineck ko na din ang compartment incase hindi pa nalalagyan iyon ng panibago. Luckily meron na.   Naramdaman ko na umupo si Wynd sa tabi ko, hindi ko na sana siya papansinin kaya lang ay nagtaka ako ng hindi parin kami umaalis. Nilingon ko si Wynd. Seryosong may kinakalikot siya sa bag niya.   "Zane, hindi pa ba tayo aalis?" tanong ko kay Zane.   "Nope. Maya-maya na daw sabi ni Wynd."   Nakakunot noong tinignan ko si Wynd. Lumingon siya sakin at nagulat ako ng tinanggal niya ang pagkakakabit ng harness ko. Hinila niya ako palapit sa kaniya.   "What-"   "Quiet."   Tinikom ko na lang yung bibig ko. Napangiwi ako ng may maramdaman akong konting sting sa braso ko. Tinignan ko ang ginagawa niya, kasalukuyan niyang nilalagyan ng anticeptic ang braso ko. Napangiwi na naman ako.   "Aray ha? Masakit po."   "Magtiis ka. Hindi ako ang pasaway na nakipagbuno sa lalaking iyon."   "Alangan namang iwan ko kayo diba?" Sinimangutan niya lang ako. Ang weird talaga ng lalaking 'to. Bipolar. "Why do you even care?"   "You're my wife."   "I'm not-" Bigla niyang inilagay sa bibig ko yung plastic ng bulak. Naasar na tinanggal ko iyon at ipinalo ko sa kaniya. "Ano ba?!"   "Stop talking about it."   "Sabi ko nga."   Nang makita ko na lalagyan na naman niya ng gamot ang sugat ko humilig ako sa kaniya at kinagat ko siya. Hindi siya umimik kahit na pinanggigilan ko na ang tenga niya. Naawa naman ako sa kaniya kaya sumubsob nalang ako sa leeg niya.   "There it's done."   Umayos na ako ng upo. Ikakabit ko na sana ang harness pero naunahan na niya ako sa pagkabit non, pagkatapos ay hinila niya ako palapit sa kaniya. Pinasandal niya ako sa balikat niya, may kinuha siya sa bulsa niya at kinabit sa tenga ko.   "What are you doing?"   "Try to sleep o kaya pumikit ka lang."   May pinindot siya pagkatapos ay pumainlang ang tugtog na classical music. It calmed me down a little. Naramdaman ko na umandar na kami pero hindi na ako masyadong natatakot.   Tinignan ko si Wynd. Namumutla na siya pero hindi siya sumisigaw. Tumingin siya sakin then he mouthed 'are you okay?' Tumango ako.   Isinandal na niya ako ulit sa balikat niya. Pumikit na lang ako para hindi ko na makita ang itsura ni Ice na halos mabanat na ang buong mukha sa kakasigaw.   "Fall?"   Napamulat ako ng marinig ko yung boses ni Wynd. Umayos ako ng upo at tinanggal ko ang harness. Kumuha na lang ako ng mineral water. Si Wynd naman mukhang hindi naman gustong magthrow up. Uminom lang din siya ng tubig.   Nilingon ko sila Zane, Ice at Summer na kasalukuyang tinutulungan sila Jove na halos wala ng malay. Kumuha ako ng blindfold at ikinabit ko kaila Tayk at Mateo. Hinuli ko na si Jove dahil para siyang inasinan na bulate dahil ang likot-likot niya. Nang matapos ako don sa dalawa nilapitan ko si Jove, nilapit ko ang blindfold sa kaniya.   Napahiyaw ako... kinagat ako eh. Susuntukin ko na sana siya ang kaso bigla siyang sinuntok ni Wynd. Masama ang pagkakatingin niya kay Jove na namutla pa lalo.   "Don't you touch my woman."   Hinila na ako paalis ni Wynd. Nang nasa labas kami, napahalakhak ako ng makita ko siyang nakangiwi habang hinihilot niya ang kamay niya.   "Ayan kasi. Akala mo kung sinong makasuntok. Wag mo kasi akong ginagaya, boy. Hindi ka kasing macho ko." sabi ko. Nagpout lang siya. I'm sure kaya lang yan naggaganyan dahil nandiyan sila Ice. Kung wala yang mga yan, I don't think ipagtatanggol niya ako dahil alam niya na kaya ko naman. Hindi ko kailangan ng lalaki para ipagtanggol ako. I can handle myself very well.   Pumasok na kami sa loob ng BHO. Pumunta kami sa interrogating room. Humiwalay samin si Wynd bago kami makarating dun. Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy-tuloy ako.   Ipinasok namin sa loob sila Jove. Nagpaiwan ako sa loob dahil ako na mismo ang mag-iinterrogate. Hindi ko parin binababa ang mask ko na nakakabit sa chameleon black suit ko.   Lumabas lang ako saglit at may kinuha na black pouch. Naabutan ko si Wynd sa labas na kadadating lang.   "Here. Drink."   Nagkibit-balikat ako at kinuha ang bottled juice na inabot niya sakin, pagkatapos ay pumasok na ulit ako sa loob ng interrogating room.   "So. Magsalita na kayo at mag confess."   "Ulol-" sagot ni Tayk.   Narinig kong napasinghap siya ng malakas at umuklo sa sakit ng bigla ko siyang sinipa sa tuhod. Binuksan ko ang bottled juice at uminom.   "Kung ako sa inyo magsasalita na ako kung hindi niyo gustong masaktan."   "Paano naman kami masasaktan ng babaeng katulad mo?! Pakawalan mo kami!" sabat ni Mateo.   "Sira ka pala eh! Bat naman kita pakakawalan? At saka hindi porke babae ako, wala na akong kayang gawin. Bakit hindi mo itanong diyan kay Jove kung paano ko siya binugbog?" Tumingin si Mateo kay Jove, pagkatapos pabalik sakin.   "Anong kailangan mo?" tanong sakin ni Mateo.   "Ikuwento niyo lahat sakin ng nagawa niyong krimen, at kung anong kinalaman niyong tatlo sa pagpatay sa mga presidente ng Furious."   "Wala kaming sasabihin!" sigaw ni Jove.   Narinig ko na yan. Ilang ulit na pero sa huli, wala naman silang nagagawa kung hindi umamin. Binuksan ko ang pouch, pagkatapos ay may inilabas ako na may kahabaan na tali. May tatlong elastic tag dun. Kinabit ko isa-isa sa mga nakataling kamay nila Jove hanggang kay Mateo.   "Ano to?!" nanginginig na tanong ni Tayk.   "Secret. Now, one more chance, popoy, basha, dakilang extra. Sasagutin niyo ba ang tanong ko?"   Nang makita kong walang may balak magsalita sa kanila, may kinuha akong tatlong rubber stick na medyo malapad at inilagay ko sa bibig nila. Tapos ay may pinindot ako na button sa hawak ko.   Napangiwi ako habang nakikita ko silang nagkikisay sa harap ko. Nang inihinto ko na tinanggal ko ang nakalagay sa bibig nila at inilagay ko sa maliit na plastic container na nasa pouch din.   "Isa pa?" tanong ko kanila. Isa sa pinakamabagong way ng pag-iinterrogate namin. Para lang sa mga mukhang tigasin talaga. Pero kapag hindi, normal interrogation lang.   Nang walang umimik sa kanila, mas malaki na elastic stick ang inilagay ko sa bibig nila, pagkatapos ay pinindot ko ulit ang button. Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Wynd na naka-mask din. Pinatay ko na ulit.   "Isa pa? Fine-"   Napatingin ako kay Tayk ng bigla siyang umiling. Tinanggala ni Wynd ang mga nakalagay sa bibig nila.   "O, ano magsasalita ka na?" tanong ni Wynd.   "O-Oo." sagot ni Tayk.   "HINDI!" mariing tanggi ni Jove.   Tinignan ko siya ng masama. Mabilis na may kinuha ako sa isang tabi at ikinabit sa kamay ko. Pagkatapos ay sinuntok ko siya. Halos matumba siya sa kinauupuan niya sa impact ng ginawa ko.   "Tayk, magsalita ka. You have 5 minutes."   "K-Kinuha kami ni Teresa. Inutusan niya si Jove at tinulungan namin siya sa pagpatay sa mga nagdaan na presidente sa Furious." pagsimula ni Tayk.   "Hindi na dapat namin siya tutulungan ngayon. Wala na talaga kaming balak." pagsekundaryo ni Mateo.   Tinignan ko si Jove. Sa lahat, siya ang hindi mukhang goon. Nakakadaya ang panlabas niyang anyo.t. Mukhang kahit patayin ko siya ngayon, hindi siya magsasalita.   "At ikaw?" tanong ko kay Jove.   "Wala kang malalaman sakin."   Nagkibit-balikat ako. "Sapat na ang sinabi nila. Sila pwede pang gumaan ang kaso nila. Ikaw, sa tingin ko, hindi na. Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to, para lang sa pera kailangan mong pumatay ng ibang tao. Lahat satin dito hindi malinis. All of us here are not innocent but we all have our own purposes."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD