CHAPTER 9
Tumuloy kami sa isang inn sa malapit. Iisang kwarto lang ang kinuha namin at ang mga boys ay sa baba ng kama matutulog. Kaya nga kanina pa sila nagrereklamo.
"Fine, fine. Ganito na lang. Maglaro tayo ng bato-bato pick. Kapag nanalo ako sa kama kami at kayo sa lapag."
Excited na tumango si Wynd. Nakasimangot na kinuyom ko ang kamay ko sa tapat ng nakakuyom niyang kamay. Seryosong-seryoso kami. Hanggang limang bilang lang kami.
Nakakatatlo na siya wala pa akong score and obviously sa huli. . . nanalo ako. Kasi nga po magaling ako. Genius 'to mga dude to the highest level. Yang si Wynd dito lang yan sa lupa oh, ako sobrang taas na like that oh.
Tinignan ko siya at nagteach me how to dougie ako. Sinabayan pa ako ni Summer na mukhang tuwang-tuwa na naisahan namin sila.
"Akala ko pa naman bati tayo Summer." pagmamaktol ni Wynd.
"Oo nga, kaso lang hindi ko trip ang kapatid mo at hindi ka trip ni Ate Autumn kaya kami ang kampi ngayon."
Binatukan ko si Summer. Ayoko ngang tinatawag na 'ate'. "Wag mo nga akong tinatawag na Ate diyan at baka patabihin kita sa dalawang alien na yan para mahawa ka ng alieness nila. O kayong dalawa ihanda niyo na ang tutulugan niyo."
Sumimangot sila pero sumunod na lang. Kami naman ni Summer ay nag-appir pa. Habang inaayos nila Wynd ang hihigaan nila, kinuha ko naman ang BH Phone ko at nagsearch about sa mission namin ngayon.
Kung tama ang hinala ko, mahihirapan kami kay Jove. Kaya hindi siguro siya nahuhuli dahil siya naman talaga ang si Jove at nagpapanggap lang na nagtatrabaho para kay Jove.
Tinignan ko ang messages ko, puro gm ni Tito Poseidon at puro about love love pa. Kumunot ang ng noo ko habang binabasa ang isa niyang sinend na message na halatang galing lang kung saan.
FR: Tito Poseidon
Lumot ka ba? Kapag nakikita kasi kita... na gi-green ako.
Yows, mga tropa! kamusta na ang mga mission niyo? Ganiyan talaga ang buhay, dusa kayo, kami paparty party na lang!
#meetingwithbree
Napanganga ako sa text ni Tito Poseidon. May hash tag pa. Akala ko sa twitter lang yon? Masama talagang pinapanood na kung anu-anong movie or pinahahawak ng computer si Tito Poseidon. Kung anu-ano natututunan. At kailangan pa bang i-broadcast ang pagme-'meeting' kuno nila. SPG kaya yon.
Maka-tropa din wagas. I wonder kung bakit matino-tino naman si Kuya Warren at saka si Summer kumpara kay Tito Poseidon. Siguro nagmana talaga sila kay Tita Bree. Si Sophie lang ata ang bukod tanging sumunod sa yapak ni Tito Poseidon.
Napatingin ako sa kanan ko ng biglang sumulpot si Wynd. Seryoso siyang nakatingin sakin habang hawak ang cellphone niya.
"What?"
"May kinabit ako na 'eiffel' sa bahay ni Mateo, Jove at Tayk."
Nanlaki ang mga mata ko. Eiffel, ang gadget na nadiscover ng momma niya. Kapag merong 'eiffel' maririnig namin ang pinag-uusapan nila kahit nasa malayo kami. Hindi ko napansin na naglagay si Wynd kanina.
"Anong meron?"
"Narinig ko kanina si Jove na may kina-cancel na delivery ng bomba para sa presidente. Ngayong gabi na lang daw gawin iyon dahil may kailangan pa siyang isang trabaho na tapusin."
Tumakbo ako papunta sa kwarto at nagbihis. Ang alam ko si Summer ang may dala ng lahat ng chameleon black suit. Lumabas si Ice dala ang dalawang suit at ibinigay kay Wynd. Ako naman ay pumasok sa loob ng kwarto at nagbihis.
Kinabit ko sa bewang ko yung stun gun at mist, habang inaalala ang nangyari kanina.
~ FLASHBACK ~
Habang kausap siya ni Wynd, tinitignan ko siya. Maliit lang sya na lalaki- gwapo nga eh. Or tamang sabihin maganda. Parang boy next door ang dating niya. Yung tipong hindi makabasag pinggan ang dating.
Pasimple na tinignan ko ang lalagyan ng ballpen sa isang tabi. Sakto nakakita ako ng black HBW ballpen kinuha ko yon at pinalitan ng ballpen na nasa bulsa ko.
"Naglagay ka na ba diyan?" tanong ko kay Summer.
"Yup." Nang matapos kami sa pakikipag-usap kay Jove, pumunta kami sa bahay ni Tayk. "Pwede hong makausap si Tayk, boss?" tanong ko.
"Ako si Tayk, anong kailangan niyo?"
"May ipapatrabaho po sana kami. Pumunta narin kami kina Mateo at Jove. Kaya lang wala ho si Jove."
Tumango-tango si Tayk. "Tropa kami nong sina Mateo eh. Si Jove, bihira talaga yang maglagi sa isang lugar."
I really doubt it. Napatingin ako sa braso niya at napatango-tango. I got it. Ang galing ko talaga. Pasimple na nilagyan ko ng ballpen ang isang ballpen holder na nakita ko.
~ FlashBack Ends ~
"Bilisan na natin."
Tinanguhan ko lang si Summer. Kinuha ko yung BH Phone ko at nagdial ng number habang palabas kami. Naabutan pa namin sila Wynd na kasalukuyang nag-aayos ng gamit. Pinatahimik ko sila ng may sumagot sa tinatawagan ko.
"Hello?" May pinindot ako sa suit ko.
"Taylor." Tumahimik ang sa kabilang linya.
"Bakit tumawag ka? Sinabi ko ng aayusin ko na diba? Ako ng bahala, wag ka ng makialam."
Tama ako. Ang weird kasi na hindi pinapakilala ni Jove ang sarili niya. Meaning, malalaman niya agad kung sino ang gustong magspy sa kaniya. And second, nakakadaya ang itsura niya na parang walang gagawing mali. And last but not the least, nakilala niya ang boses ni Teresa na ginagamit ko ngayon.
Try out lang to. Tatawagan ko din sana sina Tayk at Mateo. Buti na lang si Jove ang unang tinawagan ko, at least hindi ako nagsayang ng oras sa pagtawag sa kanila.
"Sinisigurado ko lang." Binaba ko na ang phone.
Lumabas na kami nila Wynd. Naghiwalay kami ng makababa kami. Pupunta sila Ice kina Mateo dahil may possibility na baka tumulong sila kay Jove sa pagpatay sa presidente ng Furious. Tumuloy kami kay Tayk. Siya muna ang uunahin namin. Pagdating namin sa bahay ni Tayk ay dumaan kami sa likod ng bahay niya.
"Thunder? " tawag ni Wynd kay Kuya Rain.
"I'm here." sagot niya naman. Naririnig namin siya sa listening device. "First of all, alam niyo ba na may surveillance camera ang mga bahay nila?"
"No, pero it's quite obvious dahil sa trabaho nila." sagot ko naman.
"Right. So I would like to say na I hacked it at si Tayk ay kasalukuyang may dalang taga at nasa likod niyo ngayon-"
Bago pa matapos ni Rain ang sasabihin niya, ay pareho na kaming dumapa ni Wynd. Gumulong kami pahiwalay sa isa't isa at may narinig kaming tumama sa lapag.
"Ang galing mo talaga Thunder. Ang kalmado mo pang kausap kahit may tataga na nga samin." sabi ko.
"One of my charms."
"Mukha nga. Meaning, baliw din si Wynter at pinatulan ka."
"Baka nakakalimutan mong iisa ang lahi natin."
"Actually, yes. Kinakalimutan ko na."
Tumayo ako at sinipa si Tayk na mukhang hindi kami nakilala since may mask ang chameleon black suit. Umiwas ako ng iwinasiwas niya ang taga. Napatingin ako kay Wynd ng bigla niyang tinalunan si Tayk at... sinipa? sinuntok? Hindi. . . .sinabunutan niya.
"KAASAR KA! Paano kapag tinamaan ako niyang taga mo? Puputulin mo pa ang magandang lahi ko!"
Napailing na lang ako. Kumuha ako ng rapel cord sa bulsa ko at itinali si Tayk. Lumabas kami at naabutan namin si Summer na kasalukuyang hila-hila si Mateo habang si Ice naman ay nakasimangot na hinihilot ang panga niya.
"Anong nangyari diyan?" tanong ko kay Summer at itinuro si Ice.
"Susuntukin kasi ako ng Mateo na 'to. Iniwasan ko at tinamaan sa mukha 'tong tukmol na to."
Napahagalpak ako ng tawa. Sana pala pinataga ko si Wynd kanina para cool. Pumunta muna kami sa kotse, pagkatapos ay pinasok namin ang dalawa at sinigurado naming wala silang makukuhang kahit ano para makawala. Mamaya, dadating dito si Zane at tutulungan kaming ipapulis 'tong dalawang 'to. Kasama pati si Jove.
Pumunta na kami sa bahay ni Jove. Napakunot ang noo ko ng mapansin kong may bukas na ilaw. Tumingin ako kay Ice at Summer na nauna na. Tapos, sumunod si Wynd. Napatigil ako ng bigla siyang sumigaw.
"FALL! WAG KANG PAPASOK-"
Nanlaki ang mga mata ko, nagmamadaling humanap ako ng ibang papasukan. Wala akong dalang sticky pero magaling akong umakyat sa kung saan-saan. Praktisado ako ng bata pa ako ng tinuruan ako ni . . . ni Reese na umakyat ng puno.
Pumunta ako sa may ilaw na kwarto. Nang makapasok ako, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko yung mga larawan na pag-aari ni Jove. Larawan ng mga pinatay niya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Rain sakin.
"Naghahanap ng paraan na makasampa ako sa kisame dahil mas madali iyon para hindi ako makita ni Jove pero since wala akong dalang sticky hindi ako makakaakyat."
"Hindi mo naman kailangan ng sticky. Pumunta ka sa hagdanan tapos may mga kahoy diyan sa ceiling. Dahil wala naman siyang kisame talaga. Yang kahoy na yan ang suporta ng bubong, umakyat ka dun at tumawid ka para makita mo ang mga nangyayari."
"Eh, kung mahulog ako?"
"Ipagagamot kita. Nagawa na dati ni Mommy yan. Kaya mo yan dali."
Bumuntong-hininga ako. Naglakad ako papunta sa hagdanan at bumaba. Napatingin ako sa kahoy sa kisame. Mataas yon kaya kailangan ko pang abutin. Dahan-dahan na inabot ko yon. Sinampa ko ang paa ko sa railing ng hagdanan at itinulak ko ang sarili ko pataas. Nang makasampa ako ay nakaupong binalanse ko ang sarili ko.
Halos kalahati lang ng paa ko ang kasya sa kahoy. Dahan-dahan akong tumayo at kumapit ako sa kahoy na nasa taas para hindi ako mahulog. Kung alam ko lang, di sana nagdiet ako.
Hindi naman kasi ako payat. Lalo ng hindi ako mataba. Tama lang. Ang kaso pakiramdam ko bibigay ang kinatutungtungan ko. Tumingin ako sa baba.
Naningkit yung mata ko ng makita kong nakatali sina Summer. Si Wynd naman ay napatingin sakin pagkatapos ay nag-iwas ng tingin. Lahat sila may takip sa bibig.
"Akala niyo maiisahan niyo 'ko? Tinawagan na ako ni Tayk ng makita niya kayo. Sino ba talaga kayo at anong kailangan niyo sakin? Sumagot na kayo dahil mamamatay narin naman kayo."
I rolled my eyes. Paano kaya sila makakasagot kung may takip ang bibig nila diba? Tanga lang?
"Pasalamat kayo at hindi ko pa nasasabi sa isang kliyente ko na ngayon ko na gagawin ang pinapagawa niya. Muntik niyo na akong maisahan pero wais ata 'to. At dahil alam niyo na ang sekreto ko tungkol sa kung sino talaga ako, kailangan ko na kayong patayin-"
Tumalon ako pababa. Sumakto ako sa kaniya kaya naka-upo ako sa balikat niya, kumapit ako sa buhok niya para hindi ako mahulog.
"Yah! Tigidig tigidig yah!" I gripped tightly sa buhok niya at sinabunutan ko siya ng todo. Naramdaman ko na umatras siya para tumama ako sa dingding.
Napangiwi ako ng maramdaman kong may bakal na tumama sakin pero hindi ko na lang pinansin. At katulad sa kabayo, hinila ko ang buhok niya pakanan. Nang nasa dingding na kami ipinalo ko ag ulo niya. Napahiyaw siya pero hindi ko siya tinigilan.
Nagbabagsakan na ang mga gamit pero hindi ko pinansin. Nang makalapit kami sa isang lamesa ay bumaba ako. Humarap ako sa kaniya at nagpeace sign.
"Sino ka?!" pasigaw na tanong niya sakin.
"Ako si Catwoman." Kinalmot ko pa sa hangin ang kamay ko at nag'meow'. Tapos gumawa ako ng mga karate moves. "Yah, yaaah, yaaaaaah!"
"Anong-"
Bigla ko siyang binigyan ng upper cut. Napahiga siya at ako naman ay tumakbo na papunta kina Wynd. Kinuha ko ang pierce at tinanggal ang mga nakatali sa kanila.
"Fall!"
Tumungo ako. Narinig kong napaigik si Wynd dahil sa kaniya tumama ang suntok. Tumayo ako at lumingon kay Jove-Taylor whatever at sinipa ko siya.
"Alam mo matalino ka lang kaya hindi ka nahuhuli, ang kaso, mas matalino ako sayo. Iba to dude."
"Teresa?"
"Slow mo, kanina pa ako nagsasalita eh. But no, I'm not Teresa pero ako iyong kausap mo kanina." Pinindot ko ang isang button sa suit ko. "Owowo! Listen! To the song here in my heart!"
Nanlaki ang mata ni Jove ng marinig niya ang totoong boses ko. Bago pa siya makahuma, sinuntok ko na siya. Tumama siya kay Wynd na kaagad siyang sinipa pabalik sakin, sinuntok ko ulit siya tapos sinipa siya ni Wynd. Paulit-ulit. Hanggang sa bumagsak na siya sa sahig. Knock out.
"Oh ano? Tapos na ba kayong gawing bola yang taong yan?" tanong samin ni Summer.
Ningisihan ko siya tapos tumango-tango ako. Napatingin ako bigla kay Wynd ng bigla siyang lumapit sakin. Seryosong nakatingin siya sakin pagkatapos hinawakan niya ang braso ko. Napatingin ako doon. Nasugatan ako. Baka sa pagtama-tama namin ni Jove kanina kung saan-saan.
"Wala yan, malayo sa bituka- Cy! Let me go!"
"No!"
"Ano ba?! Maliit na sugat lang yan!"
"Shut up."