CHAPTER 8
Nakatulala ako habang nakatingin kay Wynd. Tumingin lang ako ulit sa harapan ng biglang tumili ang dalawa sa likod dahil nagsway yung sinasakyan namin.
"Damn it!"
"Kapag namatay ako Autumn ha-huntingin ka ni daddy," banta sakin ni Summer.
Hindi ko sila pinansin at nagconcentrate ako sa pagda-drive kahit na nararamdaman kong titig na titig sakin si Wynd. Kasalanan niya kapag nabangga kami.
"Stop staring."
"Then stop doing this to me."
Nagtatakang nilingon ko si Wynd pagkatapos ay ibinalik ko ang paningin sa daan. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya: 'Stop doing this to me.' Stop doing what?
"Ewan ko sayo, alien ka."
"Alien ka din."
"Ang ganda ko namang alien."
"I agree."
Nagtataka na talaga ako. As in. Dati kapag ganito, halos ilang minuto ang lilipas bago kami matapos sa diskusyon namin. Although ngayon, hindi namin maiwasan na hindi magtalo pero pakiramdam ko pinagbibigyan niya na lang ako minsan.
"May sakit ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Bukod sa patuloy parin akong gumagwapo."
"Ang yabang mo."
"Mayabang ka din naman."
"Mas mayabang ka."
"Pareho lang tayo kaya nga... bagay tayo."
Tumaas ang balahibo ko. Wynd is getting creepier and creepier. And weird. Hindi ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ko ang pagda-drive ko. Pero nakakailang parin dahil hindi na siya tumigil sa pagtitig sakin.
"You know., kung gusto mong hindi tayo mabangga, tigilan mo ang kakatingin sakin."
"Autumn, alam mo parang mas bagay sakin ang 'fall' na agent name."
"At bakit? Sakin bagay yon no-"
"Kasi, I can't help but fall in love with you."
Natapakan ko ang brake bigla dahilan para halos tumalsik na kami papunta sa wind shield. Buti na lang naka-sit belt kami kaya hindi kami napano.
"You...you..."
"I'm just kidding. Duh? Hindi tayo talo dude."
Napalunok ako at tumango-tango. Tinapik ko pa siya. "Tama yan dude. Hindi talaga tayo talo."
"Oo, hindi tayo 'talo'. Lalo na ikaw kasi. . ."
Kumunot yung noo ko sa pagkakasabi niya ng talo. Para kasing talo as in defeat ang sinasabi niya.
"Kasi?"
"Hindi tayo talo, lalo na ikaw kasi, panalo ka sa puso ko."
Naapakan ko na naman ang preno. Tinignan ko ng masama si Wynd na kinakalikot ang cellphone tapos ngumiti na naman sakin.
"Anong problema mo pare?"
"Wala naman. Sinusunod ko lang ang payo ng magaling kong kapatid."
Tinignan ko ang cellphone niya na hinarap niya sakin. Nagsalubong ang kilay ko ng makitang puro pasa ni Wynter ang mga sinasabi niya sakin kanina. Hindi ko alam kung bakit pero parang umakyat sa ulo ko lahat ng dugo ko.
"Tigilan mo kong 'mahangin' ka kung hindi mo gustong ma-'gone with the wind' kita diyan!"
"Easy, boy. Binibiro ka lang eh."
"Ayokong binibiro ako kapag gutom ako!"
"Yes, Ma'am!"
Inirapan ko siya at pinagpatuloy ko na ang pagmamaneho. Nakaharap parin siya sakin pero may kinukutingting siya sa cellphone niya. Minsan tumitingin sakin tapos binabalik niya ulit sa cellphone niya ang tingin. Mabuti na yon kaysa titigan niya ko. Minsan kasi tinatamaan 'tong si Wynd ng kalandian.
Nagpalit kami ni Wynd ng malayo-layo na ang nadrive ko. Ako naman ang umupo sa passenger seat. Kinuha ko ang cellphone niya para maglaro. Napakunot ang noo ko ng makita ko yung isang folder. Nakalagay 'My Beautiful Sweetie'
Sweetie.Hindi kaya Babaero talaga ang kumag! Kahit na walang girlfriend matinik talaga. Sigurado akong may ibang tinatawag na sweetie 'tong tukmol na 'to. Binato ko na lang ang cellphone sa dashboard.
"Hey!"
"Bleh."
"I love that phone."
"Well ngayon papatunayan niya sayo na mahal ka din niya. Kapag gumagana parin siya, mahal ka niya. Kapag hindi, ibig sabihin pinagtataksilan ka niya."
Sinimangutan niya lang ako. Itinaas ko ang paa ko at tumagilid para makatulog ako. Nagising ako ng may marinig akong mga kumosyon. Idinalat ko ang mga mata ko at nakita kong nakababa na ang bintana ni Wynd habang may kausap siya na lalake sa labas. Mukhang nandito na kami at ayaw kaming papasukin.
"Dude."
Tinignan ako ni Wynd at binalaan ako ng tingin. Hindi ko siya pinansin at gumapang ako palapit sa side ni Wynd para sumilip sa labas. Narinig kong napasinghap si Wynd ng halos umupo na ako sa kandungan niya.
"Dude, yosi o."
Kinuha naman ng lalaki ang inaabot ko. Dinala ko talaga 'to kanina kahit hindi ako naninigarilyo pero hindi ibig sabihin non hindi ako marunong. Kumuha ako ng isa at inipit sa bibig ko pagkatapos ay sinindihan ko. Bumuga muna ako ng usok bago ko tinignan ang lalaki na malambot na ang ekspresyon ngayon.
"Kailangan talaga naming pumasok, boss eh."
"Ano bang gagawin niyo sa loob?"
"May kailangan kaming makausap. May ipapatrabaho sana kami."
Tumango-tango siya na mukhang naintindihan ang sinasabi ko na may gusto akong ipatrabaho - meaning may gusto akong ipapatay. May nakita akong sinulat ng lalaki sa papel pagkatapos ay ibinigay sakin.
"Ayan, ipakita mo yan sa mga haharang sa inyo para papasukin kayo."
"Salamat, pare! Sayo na 'to, o. "
Mukhang natuwa naman siya sa inabot ko. Nakangiti na kinawayan niya na kami ng pinaandar na ni Wynd ang sasakyan. Ako naman ay bumalik na sa pagkakaupo ko.
"Paano mo nagawa yon?" tanong niya sakin.
"Magic."
Binuksan ko ang bintana at tinapon yang sigarilyo. Pagkatapos ay inabot ko yung mineral water at uminom. Hindi ko talaga trip masyado ang manigarilyo.
"Saan mo naman natutunan na yosi ang katapat?"
"Alam mo, logic lang yan pareng Wynd. Wala ka kasi sa level ng IQ level ko kaya hindi mo alam. Ganito lang yon eh, ang tagal niyang nakatayo para magbantay diyan sa labas. Walang tindahan sa malapit at ang sungit na niya. Meaning, mainit ang ulo dahil walang yosi."
Tinapik ko pa siya at nagpogi pose ako tapos tinaas ang kamay para ipakita ang imaginary muscles ko. Tinaas niya din ang braso niya at napalunok ako ng makita ko ang muscles niya na parang ang sarap tikman-
Napatigil kami ng biglang may humarang samin. Binuksan ni Wynd yu]ang binatana at ipinakita ang papel, after that, umandar na ulit kami. After a few minutes, may humarang ulit samin. Tatlong beses naulit yon bago kami nakapasok sa Luntian Gaft.
Normal lang naman ang itsura nglugaar. Actually, maganda nga eh -tahimik. Mukhang walang gulong nangyayari. May mga batang naglalaro din sa daan. Mukhang hindi sila takot masagasaan. Sabagay kung masasagasaan man sila, tiyak na hindi na makakalabas ng buhay ang nakasagasa.
Pumarada kami sa gilid at lumabas na kami. Pinagtitinginan kami pero hindi namin sinasalubong ang tingin nila. All we need to do is find Mateo, Jove at Tayk, bago pa kami mapugutan ng ulo dito.
Lumapit kami don sa isang lalaki na nakatayo lang sa may gilid at may kausap pa na isang lalaki.
"Hi-" simula ni Wynd.
"Hi mga bossing. Pwede hong magtanong?" putol ko sa sasabihin ni Wynd.
Tinanguan ako nung lalaki at binigyan ng masamang tingin si Wynd na tahimik na umatras at mukhang natakot don sa lalaki at sa kasama non.
"Ano yon?"
"May kilala ho ba kayong Mateo, Jove, at Tayk?"
Sumeryoso yung anyo ng lalake at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Oo. Anong kailangan niyo sa kaniya?"
"May ipapatrabaho kami boss."
Tumango-tango siya, maya-maya may itinuro siya samin na daan na kaagad naman naming pinuntahan. Sina Summer at Ice na ang pumunta at kami naman ni Wynd ay pumunta kaila Jove.
"May sumalubong samin, si Mateo." rinig kong sabi ni Summer.
Hindi kami umimik ni Wynd dahil kasalukuyang lumabas si Jove o ang alalay niya. Tinignan niya kami at tinanong kung anong kailangan namin. Habang kinakausap siya ni Wynd, tinitignan ko siya. Maliit lang siya na lalaki- gwapo nga eh. Or tamang sabihin maganda. Parang boy next door ang dating niya. Yung tipong hindi makabasag pinggan ang dating.
"Wala daw si Jove."
Tumango ako at hinarap ang lalaki habang walang kurap na tinititigan ko siya. "Sa tingin mo pwede pa siyang tumanggap ngayon?" tanong ko sa lalaki.
"Pagdating niya."
"Kailan ba siya dadating?"
"Hindi ko alam. Nasa ibang bansa kasi siya."
"Sa tingin mo matatapos niya yung ipapagawa namin bukas? Sa Manila kasi ang ipapatrabaho namin."
"Oo, kaya niya. Basta areglado ang bayad."
Confirm. Pero I need to be sure first. Napatingin ako sa braso niya tapos ay tumingin ako ulit sa mukha niya at bahagyang ngumiti.
Nang makalabas kami, dumiretso kami kay Tayk pero hindi ko na pinapakinggan ang mga pinag-usapan nila. May hinala na ako at sa tingin ko tama ako. Lumabas na kami sa bahay ni Tayk, kinausap ko si Summer.
"Meet us sa kinakaparadahan ng kotse."
Naglakad na ako, sumunod sakin si Wynd na nagtatakang tinignan ako. Nang makarating kami doon ay nandoon na ang dalawa habang may kinakain na isaw. Inabutan ako ni Summer pero umiling lang ako.
"I think kilala ko na kung sino ang hired man ni Teresa." Napatingin sila sakin.
"What?!" gulat na sabi ni Wynd.
"OA nito. Well, masyado namang obvious, listen. Kanina, tinanong ko iyong lalaki sabi niya nasa ibang bansa si Jove pero ng sabihin ko kung kailan niya matatapos sabi niya kaya ni Jove bukas. Imposible naman yon kung nasa ibang bansa si Jove at si Tayk, ang sabi niya ng malaman niyang galing tayo sa bahay ni Jove sabi niya tropa daw sila, pati nila Mateo. Nakita ko ang braso ni Tayk may tattoo- the same tattoo na nakita ko sa braso ng lalake na sumalubong satin sa bahay ni Jove. Meaning, ang lalake na sumalubong satin at nagpanggap na receptionist ni Jove ay si Jove mismo."
Napanganga sila. Ngumiti ako at pinakita sa kanila ang 'muscle' ko kuno. "Iba to mga dude. Iba ang IQ level nito."