CHAPTER 6
Napapalatak ako habang nasa gilid kami ng company ng Furious. Kasalukuyan naming inaakyat ang gusali. Actually, kanina pa kami dito, kaso lang, pahinto-hinto lang kami. Paano kanina pa ako pinapatigil ni Manong Wynd. Para siyang nag p-pms.
Napatingin ako kay Wynd na hindi makapagconcentrate sa pag-akyat namin dahil kanina pa siya patingin-tingin sa kinapupuwestuhan ko. Pareho kaming naka CBS. Chameleon Black Suit. Tapos ay may malaki kaming black glasses dahil malakas ang hangin. I-add pa na nakasuot din ako ng green na green kong bonnet. Kaya hindi kami nakikita.
"You know Cy, you need to climb faster o iiwanan kita." sabi ko sa kaniya. Cy is his agent name. Pinaikli ko lang. Cyclone iyon.
"Careful."
I rolled my eyes at him. Bumitaw ako sa pagkakapit ng nakagloves na kamay ko na may sticky. Mga paa ko na lang ngayon ang nakakabit. I waved my hands at his face at sumayaw-sayaw ako don. Nag-Teach Me How To Dougie pa ako.
"AUT- fall!"
"Fall? Sure-" Kunwari ay tatanggalin ko ang pagkakakabit ng mga paa ko sa wall. Napangiti ako ng bigla niya akong hinawakan.
"Don't you dare."
"Sus. Wag ka ng nagkakape ha? Nagiging nerbyoso ka na dude eh."
"At ikaw anong tinira mo?"
"Ikaw?" Nanlaki ang mga mata niya at namula yung mukha niya. Nagtatakang tinignan ko siya ng para siyang kiti-kiti sa pwesto niya. "Alam mo Wynd ipabiyak mo na kay Tita Bree yang bungo mo para malinis ni Tita Bree yang lumot sa utak mo. Ang ibig ko lang sabihin kanina ng sabihin kong 'ikaw' it means kung ikaw anong tinira mo."
Inirapan ko siya at nagsimula na akong umakyat. Naramdaman ko na sumunod sakin si Wynd. Nang makarating kami sa taas ay sumilip ako sa floor kung saan nandoon si Teresa. Kasalukuyan siyang may ginagawa sa phone niya.
"Pasok na tayo?"
"Yeah."
Kinuha ko sa bulsa ko yung Pierce at nagsimula na akong laserin ang glass. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na napapailing si Wynd sa ginagawa ko. Kasalukuyan kong kinokortihan ang glass ng symbol ni mickey mouse. Big enough para maipasok ko ang kamay ko.
Nang matapos ako ay ipinasok ko na yung kamay ko at inabot ang lock. Pagkatapos ay dahan-dahan kong binuksan yon. Pumasok ako. Nakasunod sakin si Wynd. Ako naman inilibot ko yung tingin sa paligid. Walang camera.
Naagaw ng pansin ko yang isang lamesa sa isang gilid. May nakita akong marshmallows don. I smiled an evil smile kay Wynd na nagtatakang nakatingin sakin. Tumawa ako ng parang witch na walang tunog at lumapit ako sa marshmallows. Kumuha ako ng isa at slow motion kong isinubo.
"Focus."
"Yum yum."
"Focus or I'm gonna eat you."
I rolled my eyes at him. I gulped ng makita kong seryoso siya at naningkit ang mga mata niya. "I'm serious. I'm gonna eat you... slowly."
Nanlaki zng mga mata ko ng magets ko kung ano zng ibig niyang sabihin. "I'll kill you."
Ngumiti lang siya. Lumapit na ako kay Teresa na busy na busy parin sa ginagawa niya sa cellphone niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at tinignan kung anong ginagawa niya. Temple run.
Matiyagang pinanood ko siya. Astig. Hindi ko kaya yung ginagawa niya. Maganda na sana kaso lang nagkamali siya ng liko. Talo.
"Mas magaling pa pala ako."
Napasinghap siya at lumingon sakin. Ngiting-ngiti na kinawayan ko siya kahit magkalapit lang kami. Nanlalaki zng mga mata niya at bumuka ang bibig niya para sumigaw. Maagap na tinakpan ko zng bibig niya at kumuha ng lapis na nasa desk at tinutok sa leeg niya.
"Bite my hand at babaon sayo 'to." Nagpapalag siya at pilit na kumakawala sakin. "Now listen, I'm gonna take my hands off you. Kapag sumigaw ka, I'll cut your tongue at kapag tumakbo ka I'm gonna shoot you, got it?"
Naramdaman ko na nanginginig siya sa takot. Marahan na tumango-tango siya. Tinanggal ko na zng kamay ko sa pagkakatakip sa kaniya.
"W-who are you?"
"I'm Katniss Everdeen." Nakangiting nagpeace sign ako. Hindi man lang siya tumawa. She looks like a rat trapped by a cat. "Anyway, nandito kami para kumain ng marshmallows-"
"Para sabihin sayo na itigil mo na ang ginagawa mo sa presidente ng Furious," sabat naman bigla ni Wynd.
"Grabe! Straight to the point much?" Hindi niya ako pinansin at nakatingin lang siya don sa babae na iba na ang ekspresyon sa mukha. Parang may galit. "Got it, miss?"
"No."
"No, hindi mo ititigil ang ginagawa mo or no, hindi mo na gets-"
"Hindi ko ititigil ang ginagawa ko! Sa Furious paiba-iba ang presidente. Hindi lang galing sa pamilya ng iisang tao pero sa Kips pamilya nila ang nagpapatakbo."
"So?"
"Masama ang mga taga-Kips! And there's no way in hell I'm gonna stop!"
"Alam mo ang babaw ng dahilan mo-"
"Hindi mababaw ang dahilan ko! Wala kang alam, kaya wala kang karapatang sabihin na mababaw iyon! Ang mga taga-Kips, bukod sa kasalanan nila sa pamilya ko pati. . . pati ang bestfriend ko nadamay. Wala akong planong maghiganti pero kami ng bestfriend ko nadamay. Iyong anak ng presidente na kaaway ng lolo ko,he r***d us and he killed my bestfriend."
Napailing-iling ako. I still think na mababaw ang ginagawa niya pero hindi iyong dahilan. Iyong kay Heaven pinatay niya ang may kasalanan pero hindi iyong kamag-anak or yung mga taong walang kinalaman. But this woman, iba ang ginagawa niya.
"Ikaw ba ang pumapatay?"
"No."
Napatingin ako sa kaniya ng biglang umigkas ang kamay niya na kaagad kong napigilang tumama sakin. May hawak siya na cutter. Naramdaman ko na humihiwa ang cutter sa palad ko. Kinuha ko sa kaniya ang cutter at itinapon ko sa kung saan.
Kinausap ko si Rain na 'eyes' namin ngayon, "Thunder, did you got it all?"
"Yes."
Tumingin ako kay Teresa. "Dadamputin ka ng mga pulis dito." Nakatitig ako sa kaniya. She doesn't look repentant. Pakiramdam ko tumaas ang balahibo ko ng ngumiti siya.
"Natawagan ko na ang papatay sa bagong presidente. I'm very sure that Taylor would continue kung anong pinag-usapan namin dahil nabayaran ko na siya."
Tinutukan ko siya ng baril. "Who's Taylor?"
"Bakit ko sasabihin? Makukulong din naman ako. Even death wouldn't scare me now."
Umigkas zng kamay ko na may baril at tumama sa kaniya. Bumagsak siya sa sahig ng walang malay.
"Padating na zng mga pulis," sabi ni Wynd.
"Whatever. I'm very sure we can find that Taylor."
Kinuha ko ng cellphone ni Teresa at ilan pang mga gamit niya. After a few seconds, bumababa na kami.
"Mission unaccomplished." Sumimangot ako. First time ko 'to. Unaccomplished? Damn it!
"Don't think about it too hard."
"Paanong hindi? Hindi natin natapos 'tong mission at wala tayong nakuhang kahit ano. Sapakin kita diyan eh."
"Sapakin ka diyan. Ang ibig ko lang sabihin wag mong masyadong dibdibin. Wala ka na ngang dibdib eh-"
Humawak ako sa rapel cord at sinipa ko siya. Napahiyaw siya at muntik pang makabitaw. Buti na lang may sticky parin na nakakabit sa kamay niya.
"FALL!"
"You're gonna fall!"
"Damn it!"
Tinawanan ko lang siya. Nang kumapit na siyang maayos ay tinignan niya ako ng masama. Pagkatapos ay umusog siya palapit sakin at madilim ang anyong, hinalikan ako.
Pareho kaming napatili ng bigla kaming dumulas pababa sa rapel cord. Para kaming nagba-bunjee jumping dahil nakabitaw kami sa wall na sumusuporta para dahan-dahan kaming bumagsak. At dahil sa kalandian ni Wynd tuloy-tuloy kami ngayon.
"AHHHHHHH!"
"FALL!"
"TUMAHIMIK KA!! MAHUHULOG TALAGA TAYO!"
Nakahinga ako ng maluwag ng bigla kaming tumigil. Ilang dangkal na lang ang layo namin sa lapag. Sa baba nandoon si Rain na hindi ko alam kung paano nakarating dito.
Pumalatak siya. "Hindi talaga kayo dapat pinagsasama. Cass bigyan mo ng tubig 'tong dalawang 'to."
May lumapit samin na babae. Girlfriend ni Kael. Inabutan niya kami ni Wynd ng tubig. Halos pati bote lunukin namin sa sobrang panunuyo ng lalamunan namin. Pareho narin kaming namumutla.
"You need anything else?," tanong ni Cass samin.
"I need blood. Tumalsik sa kung saan ang dugo ko. Type AB ako," sagot ni Wynd. Tumawa lang si Cass pero mukhang nakijoin sa kalokohan ni Wynd. Tumingin siya sakin. "Ikaw? Anong dugo ang gusto mo?"
"Type F."
"Huh?"
"Gosh! Dude! Hindi mo alam kung ano yon? F. Frustrated, Freaking out, Fainting, F-... Fassing out!" Inirapan ko sila ng bigla silang tumatawa.
"Fassed away?"
"Pwede din. Halika na nga at baka may makakita pa satin dito. Oy, Cyclone. Maglakad ka na lang." Napasinghap ako ng bigla niya akong binuhat. "Anong ginagawa mo?!"
"Wala lang! May angal ka?!"
"Oo!"
"Puwes!"
"Puwes ano?!"
"Puwes! Sabi ko nga ibababa na kita, Sweetie. Eto naman galit kaagad. Gusto mo ba ng hopia? Mani? Popcorn?"
"Aanhin ko yon?!"
"Ahmm, kakainin?"
"AYOKO!"
"Okay sweetie."
Inirapan ko siya pati na si Kuya Rain na bumulong pa ng salita na 'under' bago pumasok sa kotse. Under? Imposible. Hindi naman kami ah. Tinignan ko si Wynd.
Ilang araw na siyang nagiging maalahanin masyado sakin. Parang ang sweet niya. Pero kadalasan naiirita ako sa kaniya dahil para siyang bata pero cute at the same time. Hindi ko alam kung bakit pero biglang pumasok sa isip ko na sana...
sana totoo na lang lahat.