Chapter 5

1516 Words
CHAPTER 5 Napainat ako ng magising ako. As usual hindi ko muna minulat ang mga mata ko dahil blurred ang mata ko sa umaga and I hate being blinded by the light. Sa kwarto ko nga ang kakapal ng kurtina ko at minsan lang ako gumising ng maaga dahil ayoko talaga ng umaga. Mas nakakakilos ako sa gabi.   Gumalaw ako para tumayo pero bumagsak lang ako pabalik. Sinubukan ko ulit pero parang may nakadagan sa katawan ko kaya hindi ako makabangon. I struggle in alarm. Baka ito na yung tinatawag nilang incubus. Yung nang re-r**e ng mga babaeng pagod. Pagod pa naman ako kagabi.   I can't open my eyes dahil una, nakatakip ang buhok ko sa muka ko at hindi ko mahawi dahil may nakadagan sa kalahati ng katawan ko. OMG! Baka nire-r**e na ako ng multo! Nagpapasag ako para makawala ako. Naramdaman kong may gumalaw. Baka ang multo.   "Stop wriggling. Natatamaan mo ang hindi dapat matamaan. Nagigising tuloy." Nanigas ako ng marinig ko ang pamilyar na boses.   Kasunod non may naramdaman akong mainit at matigas na bagay na tumutusok sa bewang ko. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. There's no incubus... Just Wynd, the alien.   I screamed at the top of my lungs. Napatalon paalis sakin si Wynd at narinig ko pa siyang bumagsak sa carpet.   "Damn it! Tinalo mo pa ang alarm clock ko."   "Don't start with me. What the hell are you doing on my bed?!"   "You're bed? This is my room, sweetie." Napakamot ako sa mukha ko sa inis. Tinignan ko ng masama si Wynd. "This is my bed too dahil dito ako mag-iistay. And diba may usapan tayo? Alternate tayo."   "Wala ako kahapon."   "Kahit na."   Bumuntong-hininga si Wynd at nahahapong tumingin sakin. Bahagya akong naawa sa kaniya. He really looks tired.   "Pagod ako kagabi. Sorry. "   Para akong sinusundot ng konsensya ko ng tumayo siya at kinuha ang kutson na extra sa kama. Lumapit ako sa kaniya at kinalabit ko siya.   "What?"   "You can sleep there."   "No, it's okay-"   "Malaki naman yung kama."   Napatingin siya sakin. Namula ako ng pinakatitigan niya ako ng matagal. Buti na lang nakatakip pa ang buhok ko sa mukha ko.   "You sure?"   "Yes. Hindi naman tayo talo, dude."   Ngumiti siya at kumembot-kembot pa na parang kinikilig. Pinagsalikop niya ang kamay niya at nagbeautiful eyes pa sakin. Natatawang napailing na lang ako.   Kumuha ako ng damit at pumasok ako sa loob ng bathroom. Naligo ako saglit at sinuot ko ang mahaba at maluwag na t-shirt ko at shorts na hanggang tuhod ko. Pinatuyo ko muna ang buhok ko gamit ng blower tsaka ko pinatungan ng bonnet ang ulo ko. Complete na!   Lumabas ako at naabutan ko si Wynd na nakaupo sa gilid ng kama at nakapikit. Kinalabit ko siya at kaagad naman siyang nagmulat.   "Ikaw na." sabi ko.   "Intayin mo ko."   "Fine. Hurry up. Gutom na ko."   Tumango siya at excited na kumuha ng damit at pumasok sa bathroom. Bago siya makapasok tumingin muna siya sakin at kumindat-kindat. I rolled my eyes at him at umupo ako sa gilid ng kama.   Kinalikot ko ang cellphone ko ng after half an hour hindi parin lumalabas si Wynd. Parang ang haba-haba naman ng buhok niya sa sobra niyang tagal. Halos marating ko na ang highest level sa tetris pero hindi parin lumalabas si Wynd.   Hindi kaya nadulas yon? Nalunod sa bath tub? Napatayo ako at tumakbo papunta sa pinto ng bathroom. Kakatok na sana ako pero may sumalubong sakin na mascular chest.   Hindi ko mapigilan na hindi haplusin iyon ng parang hinihipnotismo ako non. "Autumn?"   Napaangat ako ng tingin. . . Wynd!   "Aray!" Napasigaw siya ng pinalo ko siya sa dibdib niya. At least, nawala ang pagkahypnotize sakin ng...ng...muscle niya. "Ba't ba namamalo ka?"   "Wala lang! Halika na nga! Ang bagal-bagal mong maligo para kang babae!" Naka pout na sumunod siya sakin palabas.   Dumiretso kami sa 'Bomb Food.' Sumilip muna kami ni Wynd sa pinto. Nang makita naming matiwasay na kumakain ang mga tao ay pumasok na kami.   Ibig sabihin non masarap ang pagkain at hindi si . . .si Reese ang nagluto. Pumasok na kami ni Wynd. Nakiupo kami sa lamesa ni Summer na as usual tahimik na kumakain. Ganiyan naman yan eh. Tahimik. Pero kapag nasa gitna yan ng laban kahit si Tito Poseidon natatakot. Kaya nga kapag magkakasama ang mission, alaga namin si Summer. Una dahil lagot kami kay Tito kapag napahamak siya. Pangalawa, hindi namin gusto na mag-alter ego mode siya ulit. Scary.   Nag-angat ng tingin si Summer samin. Ngumiti lang kami sa kaniya ni Wynd na mukhang kapareho ko ang iniisip kaya ngiting-ngiti na pilit din siya ngayon. Umupo kami at umorder.   Nang dumating na ang order ay nagsimula na kaming kumain. Patingin-tingin sakin si Wynd kaya kumukunot ang noo ko. "What?"   "Nothing. Ano...kasi..."   "What?"   Sinimangutan ako ni Wynd, pagkatapos ay kumuha siya ng tissue at padabog na pinunasan ang gilid ng labi ko. Tinitigan ko siya habang concentrate na concentrate siya sa ginagawa niya.   When our eyes met it felt like we we're trapped inside a world where no one can reach us. Iyong tissue na pinupunas niya sa labi ko ay bumagsak na. I can feel his fingers touching my lips... gently... like he's memorizing each detail.   Lumapit ang mukha ni Wynd sakin. Napapalapit narin ako sa kaniya pero katulad sa magic, pareho kami ni Wynd na nakaramdam ng bad vibes. Yung pakiramdam na parang may nakatingin sayo, ang kaso from both sides at saka parang ang lakas ng force.   Kumurap kami ni Wynd at tumingin sa kaliwa. Halos bumangga ang mukha namin kay Ice na titig na titig samin. Nang inilipat naman namin ang mukha namin sa kabila nandon si Tito Poseidon na titig na titig din samin. Tumigil lang siya ng hinila siya sa tenga ni Tita Bree na napapailing sa kalokohan ng asawa niya.   "Bawal yan dito inosente pa kami," sabi ni Ice.   "Maniwala ako sayo. Itong baklang 'to maniniwala pa ko pero sayo Ice, hindi," sagot ko sa kanya.   Nag-pout si Ice at tumingin kay Summer, na parang may naalala. Pagkaraan ay nagpaalam na si Summer at umalis. Umupo si Ice at bumuntong-hininga. Ang bigo, bow.   "Ayan kasi, kung dati ba naman kasi sinagot mo na si Summer ng mga panahon na nabulag siya sayo-"   "I know."   Napapalatak na lang ako. Halata namang pinagsisisihan na ni Ice ang ginawa niya dati. "It's too late to apologize, it's too late! Owowoo!" Tinignan ako ng masama ni Ice pagkatapos ay tumingin siya kay Wynd na kasalukuyang pinaghihiwalay ang carrots at papaya sa atsara.   "Wynd pakitali 'tong asawa mo."   "Ayoko, mahal ko yan eh."   Tumapat ako kay Ice at ibinuga ko iyong iniinom kong tubig dahilan para mapatalon si Ice sa kinauupuan niya. Nagtaas ng tingin si Wynd at nagtatakang tinignan kami.   "W-what did you just say?"   "Huh?"   "Sabi mo ayaw mo dahil mahal mo si Autumn," sagot ni Ice sa tanong ni Wynd. Nanlaki ang mga mata ni Wynd. Pagkatapos ay napatingin siya sakin then napatingin kay Ice tapos tumingin don sa atsara tapos tumingin ulit sakin.   "Ano..I'm just kidding duh? Hello?"   Tinapik-tapik ko siya habang umuubo dahil sumakit bigla ang lalamunan ko. "Tama yan. Hindi tayo talo, dude."   "Tama."   Tinignan ko ng masama si Ice na inirapan ako. Nagpatuloy siya sa pagkain pagkatapos tumingin ulit sakin at inirapan ulit ako katulad ng nauna.   Nang matapos kaming kumain ay pumunta kami sa lab at nag research ulit. Hapon na ata ng matapos kami sa walang tigil na pag re-research. We have a clue. Teresa Jimenez. Secretary siya ng presidentng Furious. Natapos na sana kami kahapon pa, ang kaso nailagay namin siya sa bottom ng mga research accidentally.   Teresa Jimenez. She's the grand daughter of the first president of Furious. Kung saan nagsimula ang alitan ng Furious at Kips. Dati daw magkaibigan ang president ng Furious and Kips. Kaso lang ng dahil sa simple na dahilan na inagaw ng president ng Furious na si Juanito Carvajal ang babaeng mahal ni Karilyo na presidente ng Kips ay nagkaron sila ng alitan. Then, passed down by generations. Ang alitan na yon ay tumindi dahil pinapatay ni Karilyo si Juanito. Kaya siguro gumagawa ng paraan si Teresa para hindi magbati ang Furious at Kips.   "Nasan si Kuya Warren?," tanong ko.   "Ewan don. Baka pinapatulog si Dawn," sagot naman ni Sophie. Natawa ako. Kawawa naman si Kuya Warren kay Sophie - under na, tigasin pa. Tiga-saing, tiga-laba, tiga-patulog ng baby.   Napatingin ako sa monitor at napakunot ang noo ko ng makita kong umakyat ng rooftop si papa. May dala-dala siyang timba at patingin-tingin pa. Tumingin ako sa kabilang monitor kung saan camera naman sa rooftop. Nakakunot noong pinapanood ko ang ginagawa niya. Parang takot na takot siyang mahuli. Hindi kaya magda-drugs si papa? O kaya may kakatagpuing batang-batang agent na babae? O lalake? O kaya tatalon siya sa rooftop sa sobrang depression?   Napapailing ako ng tumawa sila Wynd na nakatingin din sa tinitignan ko. Kasalukuyan kasing nagsasampay ng undies ni Mama si Papa. Palingon-lingon siya na parang natatakot mahuli. Kung bakit naman sa lahat ng lugar sa BHO, doon pa nagsampay. Sira na naman ang dryer namin siguro.   "Tol, mukhang yan ang kahihinatnan mo," natatawang sabi ni Ice kay Wynd. Tinapik niya si Wynd na nakangiti lang. Si Wynd sinasampay ang undies ko? Parang hindi ko maimagine.   "AGENT FALL, AGENT CYCLONE, GEAR UP."   Napatingin ako kay Wynd ng marinig namin ang announcement ni Warren. Nagkibit-balikat lang ako at tumalikod na para pumunta sa kwarto ko. Sumabay sakin si Wynd.   "Wag ka na kayang sumama."   "No way, dude." Sumimangot lang siya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ba?"   "I just don't want you to be hurt, sweetie."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD