Chapter 4

1487 Words
CHAPTER 4 Nakatitig ako sa singsing na suot ko. Pakiramdam ko isang kilong bigas ang bigat non lalo na kanina pa tinitignan ng mga agents ang singsing ko everytime na madadaanan ko sila.   Naglakad ako papuntang dining hall. Naabutan kong nandoon na ang lahat ng elite agents maliban kay Wynd. Hindi nga umuwi yon kagabi ng umalis siya. Buti iyon dahil hindi ako natulog sa lapag kagabi.   Siya kasi dapat ang nasa kama dahil alternate at dahil wala siya, ako ang natulog sa kama. Mamaya ako ulit. Ang swerte ko talaga!   Kumuha na ako ng pagkain at humanap ng pwesto. Ang kaso ang sa tabi lang ni Reese ang bakante. Sa kabilang side naman niya naka-upo si Hurricane. Bumuntong-hininga ako at umupo na.   "Good morning," bati sakin ni Reese.   "M-Morning.."   Saglit na inilibot ko ang paningin ko. Kakain na sana ako ng mapansin kong ngiting-ngiting nakatingin sakin si Sophie at si Warren. Weird.   "What?"   "Wala si Wynd," sagot ni Sophie.   "I know."   "Ay, Oo nga pala mag-asawa kayo kaya alam mo kung aalis siya. Hindi ka ba natatakot?"   "Na?"   "Mangbabae siya."   Nasamid ako sa iniinom kong tubig. Naramdaman ko na may tumapik sakin at namula ang mukha ko ng makita ko si Reese na tinatapik ang likod ko. s**t!   "I don't care kahit na mangbabae siya. Kung gusto niya, ihanap ko pa siya."   "Weh?"   "Oo nga."   "O, Wynd! I-hahanap ka daw niya ng babae."   Napalingon ako sa likod ko. Nakita ko si Wynd na mukhang pagod na pagod at naka-suot pa ng three piece suit. Blanko ang ekspresyon niya habang nakatingin sakin. May hawak din siya na mineral bottle at sandwich. Umupo siya sa tabi ni Sophie na tinanggal na ang bag na hinrang niya doon kanina.   "Saan ka galing Wynd?" tanong ni Sophie kay Wynd.   "Hongkong. May konting problema sa business pero naayos naman."   "Pasalubong?"   "Ano namang mabibili niyan sa Hongkong? Tikoy?," sabi ko kay Sophie.   "Hindi lang tikoy ang nasa Hongkong."   Inirapan ko siya. Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko. Habang sila naman ay nagpatuloy sa pag-uusap nila hanggang nauwi sa kung ano.   "Hindi ka kaya mabuntis niyan? Ang sipag niyong mag-asawa," biglang tanong ni Wynter kay Hurricane.   "Parang kayo hindi."   "I don't think kakayanin ko pang manganak lalo na alam kong malaki ang possibility na magmultiple or magdouble na naman ang anak namin."   "True. Yon din ang kinakatakot ko. Anyway, enough na para sakin ang mga quads ko. And lagi naman akong safe cause nagpi-pills na ako."   "Sabagay. Ako nga din magpi-pills na. Di maganda ang condoms."   Nagkatinginan kami ni Wynd. Halos sabay nanlaki ang mga mata namin. Damn it! "D-Did you use a condom?," tanong ko sa kanya.   "I don't think so. Safe ka ba non?"   "I can't remember. . ."   Nakatingin na samin sina Wynter. Mukhang naiintindihan naman nila ang pinag-uusapan namin. Naiinis na hinila ko pababa yung bull cap na suot ko. s**t! We're in really big trouble.   "Ipanalangin mong magkaperiod ka this month kung wala, then you're pregnant," sabi sakin ni Wynter.   "My mama will kill me."   "Not really, kasal na naman kayo."   Yeah right. Hindi kami kasal so talagang my problema kami ni Wynd. Hindi naman sa hindi ko gustong magka-anak pero sa tingin ko hindi pa ako handa sa ganoong responsibilidad.   Pakiramdam ko nawala lahat ng dugo namin ni Wynd sa mukha. I bet natatakot din siya. I'm still young. At ganon din siya.   "Stop thinking about it. Malay niyo naman hindi pa," sabi naman ni Hurricane.   "Sana nga."   "Well, there's a huge possibility na baka nga buntis ka. Sharpshooter ata ang mga taga BHO-" biglang sabi ni Warren. Binato ko siya ng takip ng mineral water na naiwasan naman niya kaagad. "By the way, kung tapos na kayong kumain, Autumn and Wynd may mission akong ibibigay sa inyo."   "Ba't kami magkasama?"   "Wala lang. Trip ko lang."   Sinimangutan ko siya. Nang matapos kaming kumain ay sa lab na lang kami tumuloy, sumunod din ang ibang mga agents at mukhang balak pang maki-usyoso. Pagdating namin don ay may inabot samin na files si Warren .   "What's this? A quote?," tanong ko sa kaniya.   "Yes. Quotation ng speech ng isa sa presidente ng isang company. Ang 'Furious'. Alam naman natin na tungkol sa technology ang bussiness nila at may kalaban sila ang 'Kips'. Ayon sa source matagal ng magkaaway ang dalawang company na yan. After years passed, may naging presidente ang Furious, si Matthew Herrera at siya ang nag-quote niyan."   Binasa ko ng malakas yung quote. A quote from Matthew's speech: "I understand that there's a massive chasms between Furious and Kips but my first goal for being a president is to break the concrete wall and build a bridge from Furious to Kips."   "What's so important about this?," tanong ko ulit kay Warren.   "That's the last words he said. A day after that, he was killed."   "A coincidence?"   "Maybe but the same thing happened to Paul Harolds at ito ang sinabi niya."   Kinuha ko yung papel at binasa: "As the new president of Furious I want to continue what our former president want to do. To break down the feud between our company to the Kips. There's nothing that genuine words cannot break."   "He died too?," tanong ko ulit.   "Yes. At ito naman ang sinabi ng bagong presidente ng Furious, Francisco Illanez. Ang kaibigan niya ang humingi sa serbisyo natin dahil gusto niya maprotektahan ang kaibigan niya."   Binasa namin ni Wynd: "One of my first priority is to end the conflict between Furious and Kips like what our former presidents wanted to do. This conflict divided us...Furious and Kips. If we break the walls that surrounds each other, we can create a better alliances."   "So, pipigilan natin siya na mapatay?" tanong ni Wynd.   "Yes at kailangan nating alamin kung nasaan sila." sagot ni Warren.   "Well, obviously sa Kips."   "Paano ba pinatay iyong Matthew at iyong Paul?" tanong ko naman.   Pinakita niya samin ang picture. Nasa loob ng office. Matthew was shot while Paul was strangled to death. Nilibot ko ang paningin sa picture at halatang sa opisina naganap ang krimen.   "Pwede bang basta-basta makapasok ang mga tao dito?"   "No. Furious rarely allow anyone inside kahit sa lobby without appointment. Depende na lang kung may ibang dinaanan ang killer."   "Or maybe dahil nasa loob na yung killer." Napatingin sakin si Wynd at Warren pati na yung ibang mga agents. "What? Look at it this way, Furious wants to build an alliance sa Kips and ayon dito sa files, okay lang naman sa Kips. Pwedeng pinapalabas lang nila na okay at pagkatapos ay pinapapatay nila ang presidente. Pero bakit naman nila gagawin iyon kung alam nilang sila ang bubuntunan ng sisi dahil sila ang kaaway ng Furious? Malaki ang possibility na nasa loob ng Furious ang pumapatay sa presidente. Why? Because that someone doesn't want Furious to have a truce with Kips."   Nakatunganga sila sakin. Whatever. Alam kong minsan lang gumana ang endangered brain cells ko pero meron pa namang natitira at minsan sinasapian din ako ng kahenyohan. "What we need to do is to make a background check sa lahat ng empleyado ng company na yon. Para makita natin kung sino ang may dahilan para gawin yon."   "Magsimula tayo sa mataas dahil una, konti lang sila; pangalawa, sila lang naman sa lahat ang pwedeng may motive para patayin ang presidente," suhestiyon ni Wynd.   Siguradong pahirapan na naman 'to. Mahirap magresearch lalo pa na madami ang empleyado sa company na yon.   "Wag ka ng magreklamo dahil ikaw naman ang nagsuggest."   "Wala naman akong sinasabi ah."   "Sa itsura mo mukha kang nagrereklamo."   "Akala mo lang yon. Baka nagha-hallucinate ka na naman, uminom ka na ba ng gamot mo? Gusto mo ipasedate na kita kay Tita Bree? Mamaya niyan mangagat ka pa."   Sinimangutan niya lang ako. Nginisihan ko lang siya. Hindi ko maisip na mapapangasawa at makakasama ko si Wynd sa buong buhay ko. Sooner or later magdi-divorce din kami. I don't think we can stand the sight of each other. Parehong nagka-clash ang mga ugali namin.   Lumabas muna kami saglit para kunin ang mga laptop namin at syempre, kasabay ko si Wynd papunta sa kwarto niya. Kinuha namin ang mga kailangan namin pagkatapos ay pumunta kami sa laboratory ni Rain kung saan naabutan narin namin doon ang mga agents. Nagsimula na kaming magtrabaho.   "What?" tanong niya sakin.   "What ka diyan?"   "Bakit nakatingin ka sakin?"   "Hindi ako nakatingin sayo."   Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Kasalukuyan kong kaharap ang laptop ko at binabasa ang mga files ng empleyado ng Furious.   Marahas na nilingon ko si Wynd. "Why are you looking at me, pare?" tanong ko sa kaniya.   "Wala naman dude."   "Whatever. Tumingin ka diyan sa laptop mo at magtrabaho kung hindi dudukutin ko yang mga mata mo at ipapakain ko sa pating." Nanlaki ang mga mata niya ng mabanggit ko ang salitang pating. Tapos namutla siya. Duwag talaga.   Hindi ko alam kung ilang oras kaming nandoon. Paminsan-minsan may lumalabas na agent para tignan ang mga anak nila pagkatapos ay babalik din.   Pakiramdam ko pagabi na. Ginalaw-galaw ko ang katawan ko ng maramdaman ko na sumasakit na ang likod ko. Naghikab ako at sumandal sa sofa at pumikit. Nahihilo na ako kakatingin sa computer. Naramdaman ko na unti-unti na akong nakakatulog. Hindi ko na din pinansin ng umangat sa kinauupuan ko ang katawan ko.   "Sleep now, sweetie."   Sweetie? Sino? Bahala na nga inaantok na ako eh. Unti-unti na naman akong hinihila ng antok. Hindi narin nagsalita ang may buhat sakin. Buti na yon para hindi ako na di-distract.   "If only you are mine."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD