Chapter 3

1557 Words
CHAPTER 3 Napapatingin ako kay Wynd na tahimik na nagda-drive. Nakasunod sa amin ang mga kotse ng mga agents na lulan ang mga original elites at elite agents. Papunta kami ngayon sa Baguio kaya sobrang tagal ng byahe. Sumakto naman na under maintenance ang eroplano ng BHO pati na si Superman.   Kukuha sana kami ng flight ang kaso nagmamadali na si Wynd. Natawagan na kasi niya ang kakilala niyang abogado at mayor. Sa Baguio pala nakatira yung mga yon.   Ang sabi ni Wynd hindi daw sang-ayon sa gagawin namin ang mga kaibigan niya. Pero sa huli pumayag narin daw. Kailangan kasi namin 'tong gawin. We shouldn't be trapped in a loveless marriage. Pareho lang kaming mahihirapan.   "Malayo pa tayo?" tanong ko.   "Yes."   "Ang bagal mo kasing mag-drive."   Lumingon siya sakin at tinignan ako ng masama bago niya ibinaling ulit sa daan ang paningin. Hindi ako sanay na tahimik. Nakasimangot na binuksan ko ang radyo ng kotse. Inilipat ko sa station na gusto ko. Napangiti ako ng mapapitlag si Wynd sa lakas nung tugtog sa station na 'yon.   "The drugs begin to peak, the smile of joy arrives in me! But sedation changes to panic and nausea, And breath starts to shorten, and heartbeats pound softer. You won't try to save me! You just want to hurt me and leave me desperate!"   "Shesh!"   Napasimangot ako ng inilipat niya. Pinakinggan ko iyong sinasabi ng DJ sa station na napili niya. "Eto po ang love story namin Ate Krissya, nagkakilala kami sa isang hindi inaasahang pagkakataon, kasal na po ako non at siya naman ay naipagkasundo na sa isang mayamang lalake..."   "Ew Wynd!"   May love story chu chu na kinukuwento ang DJ. Inilipat ko ulit iyong station - doon sa hindi na magugulat ang matimtimang bagong di-virginize na si Wynd. Baka kasi magulantang na naman siya.   ~Bakit hindi mo pansin itong aking pagtingin   Ba’t di mo ramdam ang t***k nitong dibdib   Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin.~~   Napakunot ang noo ko ng marinig ko yung kanta. Kung Ako Ba Siya. Anak naman ng palakang kamukha ni Wynd o. Sa lahat ba naman ng kanta. Sino kaya ang may-ari ng station na 'to? Susunugin ko ang station nila. Tumingin ako kay Wynd na parang nanigas.   "Problema mo?" tanong ko sa kaniya.   "Wala, bagay lang kasi sayo yung kanta- aray!" Kinurot ko siya.   ~~Kung ako ba siya, mapapansin mo?   Kung ako ba siya, mamahalin mo?   Ano bang mayro’n siya na wala ako?   Kung ako ba siya, iibigin mo?~~   "Ano ba?!" angal niya.   "Anong ano ba ka diyan? Sinasabi ko sayo kapag narinig ng kahit na sino yang sinasabi mo ibibitin kitang patiwarik sa unang bangin na madadaanan natin."    "As if may makakarinig dito."   "Kahit na..stop talking about it."   "Ewan ko sayo. Hindi ko nga alam kung bakit gusto mo ang taong yon. Di hamak na mas gwapo ako, mas hot, mas sexy, mas gwapo, mas gwapo, mas gwapo, mas gwapo at higit sa lahat mas malaki ang-"   "WYND ROQAS! Ang sarap mo talagang balatan ng buhay. And excuse me mas gwapo siya sayo and stop talking about him and his 'thing'."   "Bakit may sinabi ba ako about his 'thing'?"   "Kasasabi mo lang! Malaki kamo yung sayo!"   Ngumisi siya at saglit na tumingin sakin. Pagkatapos ay binalik na niya ang tingin sa daan. "Wala akong sinabi na malaki yung sa akin kaysa sa kaniya. Ang ibig kong sabihin mas malaki ang katawan ko. Napaghahalataan ka talaga. At saka malaki naman talaga iyong sakin. Diba tinitigan mo pa-"   "I swear I'm gonna kill you!"   "Oh come on, mamaya may honeymoon ulit tayo. Magkikita ulit kayo."   "Honeymoon your face."   ~~Masakit ko mang isipin   Mahirap mang tanggapin sa damdamin   Pag-ibig mo pala’y hindi sa akin.~   "Anong masama don? Eh, ikakasal tayo ah."   "'Fake wedding."   "Whatever, Ililipat mo din naman ang gamit mo sa kwarto ko dahil magtataka sila Momma at ang parents mo kung magkahiwalay tayo. "   Damn! Tama si Wynd, kailangan nga naming magsama sa iisang kwarto. "Fine. Sa sahig ka matutulog."   "No way, kama ko kaya yon."   "At parang papayag ako na matulog sa sahig? Ikaw na lang, dude. O kaya alternate na lang tayo." Nagkibit-balikat lang siya.   Nagstop-over muna kami. Bumaba kami at pumasok sa isang maliit na restaurant. Yung mga elite at original elites naman ay nagtext na mauuna na daw sila.   "Anong gusto mong kainin?" tanong niya.   "Pagkain."   "Funny."   "I know right? ha-ha-ha."   Humanap kami ng pwesto. Napapataas ang kilay ko ng makita kong titig na titig sa kaniya ang mga babae. Ano naman kaya ang tinitignan nila sa itlog na taong 'to?   "Umupo ka na lang diyan. Ikukuha kita ng pagkain." utos niyo sa akin.   "May paa ako."   "Makakain ba yan?"   Sinimangutan ko siya. Inirapan niya lang ako at naglakad na papunta sa counter. Makairap naman, tinalo pa 'ko. Ako nga nahihirapan umirap. Depende na lang kung naiinis na talaga ako.   Habang iniintay ko siya sinubukan kong gayahin ang pag-irap niya. Hindi ko kaya kapag sinasadya. Kusang lumalabas ang irap ko kapag naiinis ako eh.   "What are you doing?"   Tumigil ako sa ginagawa ko ng dumating si Wynd dala ang isang tray na may laman ng pagkain namin. Nawe-weirduhan na nakatingin siya sakin habang iniikot-ikot ko ang mga mata ko na ginagaya ang ginawa niyang pag-irap kanina.   "Tinitignan ka na ng mga tao dito."   "Pakialam ko sa kanila. At pakialam nila sa mga mata ko. May sarili naman silang mata."   "Fine. Eat." Nilagay niya sa harapan ko ang order niya para sakin. Maganang nilantakan ko na yon dahil gutom na gutom na talaga ako. Pwede na akong kumain ng isang buong baka sa gutom ko. Tahimik na nagsimula naring kumain si Wynd.   Nang matapos ako ay dumighay ako ng malakas at hinimas-himas ko pa yung tiyan ko. "Disgusting."   "Arte mo. Pahingi ngang candy, pare."   "Kumuha ka sa wallet ko. Alam ko may max akong nilagay diyan."   Nagkibit-balikat ako at kinuha ang wallet niya na nasa ibabaw ng lamesa. Pinagpatuloy naman ni Wynd ang pagkain niya. Binuksan ko ang wallet at agad naman akong nakakita ng pakete ng candy na kulay silver ang balot. Hindi naman max to eh pero pwede narin.   Kinagat ko iyong pakete at binuksan. Tinaasan ko ng kilay ang babaeng nasa katabi naming lamesa na kasama ang boyfriend niya na nakatingin sakin habang nanlalaki ang mga mata.   Nang mabuksan ko yon ay inilabas ko na ang laman. Nagtatakang tinignan ko ang nakuha ko at binaligtad-baligtad ko pa. Kulay puti siya tapos may bilog. Ano to? Nilapit ko pa sa mukha ko. Amoy strawberry.   "Ano 'to chewing gum? Gusto ko candy eh. Oh well, matikman nga. Strawberry flavor."   Napatingin sakin si Wynd ng narinig niya yung salitang 'strawberry'. Akmang isusubo ko na ang chewing gum ng bigla niya kong pinigilan.   "What are you doing?!"   "Kakain ng candy?"   "Bakit hawak mo to?!"   "Adik ka ba? Sabi mo kunin ko, damot nito."   "Hindi 'to candy!"   "Eh, ano?" Problema ng taong 'to? Namumula ang mukha niya at parang gusto ng tumakbo paalis.   Napatingin kami sa isang babaeng waitress ng bigla siyang lumapit samin. "Ahm, ma'am, sir, bawal ho yan dito."   Nagtatakang tinignan ko si Wynd na hawak ang chewing gum. "Huh?" nagtatakang sabi ko. Ang gulo nila.   "It's okay miss. Nagkamali lang ang...ang fiancee ko ng kuha sa wallet ko."   Tumango ang babae at umalis na. Nagtatakang tinignan ko si Wynd na itinago ang chewing gum. Napasimangot ako at sinipa siya sa ilalim ng lamesa. "Akin na yan!"   "Hindi pwede."   "Ang damot mo! Binigay mo na sakin yang chewing gum na yan eh!"   Napaatras ako ng dumukwang siya palapit sakin. Lumingon-lingon siya sa paligid bago bumulong, "It's not a chewing gum. It's a condom."   "WHAT?!"   "Yup. Sabi ko kasi sayo max ang kunin mo."   "Malay ko ba! Bakit kasi naglalagay ka niyan sa wallet mo? Ambisyoso ka talaga. Wala ka namang girlfriend kahit dati, naglalagay ka pa niyan."   "Pampaswerte daw yan."   "Sinong may sabi? Naniwala ka naman don. Anong swerte maidadala sayo ng condom? Umaatungal na bata? Swerte ba naman yan? Kalokohan! Ang nagpauso niyan yung mga condom company."   "Swerte nga."   "Hindi nga totoo yan. Ang swerte nasa tao at sa mga ginagawa niya. Bakit kapag bumili ba ko ng condom magigising na lang ako bukas na virgin na ako ulit?"   Natahimik siya. See? Di totoo yang mga swerte-swerte na mga yan. Inabot ko ang coffee mate na nasa ibabaw ng lamesa. Pagkatapos ay inilagay ko sa wallet ko.   "Anong ginagawa mo?" tanong ni Wynd.   "Sabi mo condom swerte o eto akin coffee mate."   "Baliw."   "I know right, dude."   "I can't believe ikakasal ako sa baliw na katulad mo."   "For the effin' time, 'fake wedding' at baliw ka naman din kaya wag kang mag-alala, hindi kita mahahawaan."   Napahiyaw ako ng bigla niya akong kinurot sa pisngi at dahil masakit, kinurot ko din siya habang kurot-kurot niya ang pisngi ko.   "Ang cute naman nila. Kung hindi lang kasi nagtaksil yung isa diyan eh di sana. Hay nako ang dami kasing taksil na lalake no, Shame?"   "Pakisabi nga Shame sa isa diyan kung natuto lang siyang magtiwala eh di sana may kalandian din siya ngayon."   "Ewan ko sa inyong dalawa. Bumalik na tayo sa The Camp dahil kailangan na nating dalin 'tong strawberries kay Chef Yale. Di ko maintindihan kung bakit kailangan pa dito sa Baguio bumili."   The Camp daw? Hmm..   "Halika na."   Tumayo na ako at sumunod sa kaniya. Bumiyahe na naman kami. After an hour or so ay tumigil na kami sa isang munisipyo. Nandoon na ang mga agents na mukhang kanina pa nakarating.   "Game na?," tanong ni Ate Hurricane sakin.   "Game na! Tenen!" Natawa siya.   Pumasok na kami sa loob at nagulat pa ang Mayor sa dami ng mga witness na kasama namin. Hindi ko na kailangang i-explain ang mga nangyari dahil pirma dito pirma doon lang naman ang ginawa namin. Nagtaka pa ako ng sumesenyas samin ang Mayor.   "Huh?"   "Kiss." sagot naman ng Mayor.   Tinignan ko si Wynd, pagkatapos inabot ko sa kaniya ang kamay ko. "O kiss daw."   "Hindi ganiyan, dapat ganito."   Halos hindi ko na narinig ang mga malakas na palakpakan ng mga agents. Sumentro lahat ng atensyon ko sa... halik ni Wynd.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD