CHAPTER 30 Napapangiti ako habang napapatingin ako kay Wynd na tulog na tulog sa tabi ko. Parang ang dami niyang pinagdaan bago makarating dito dahil mukhang pagod na pagod siya. Kagabi nauna na siyang matulog dahil nakikipagkuwentuhan pa ako kay Fey. Pag akyat ko naman mahimbing na mahimbing na ang tulog niya. Bumangon ako ako at kinuha ko ang robe ko. "Gabriella." Biglang sumulpot kung saan si Gabriella at tumatalon -talon na lumapit siya sakin. Nakangiting ginulo ko ang buhok niya at inabutan ko siya ng fifty pesos. Nakatingin lang siya sakin. "Bili mo ko ng doughnut ha? Kay aling Gina." Tumango siya pagkatapos ay tumakbo na siya paalis. Inayos ko muna ang kumot ni Wynd bago ako lumabas ng kwarto at naglakad papunta sa kusina. Binuksan ko ang TV sa kusina at nanood ako

