CHAPTER 31 Nag-iinat na bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa carpet. Tinignan ko si Wynd na tulog na tulog sa tabi ko. Nakapatong ang braso niya sa mukha niya. Buti na lang hindi na pumunta ulit si Fey. Kung nagkataon baka naabutan niya pa kami na ganito. Hindi na kami nakaakyat ni Wynd at maghapon na kami dito sa carpet. Buti nga naisipan niyang kunin ang kumot naming dalawa at isarado ang gate. He really missed me a lot. Parang wala siyang kapaguran kanina sa mga pinaggagawa namin. Sabagay, kahit ako miss ko narin siya. Babangon na sana ako para magbihis at ng makabili na ako ng pagkain namin pero may biglang pumigil sakin at hinila ako. Natatawang tinignan ko siya ng matumba ako sa ibabaw niya. "Good afternoon.” "San ka pupunta?" "Bibili ng pagkain, alam kong gutom

