SETH turned to her with a surprise look. "What?"
"I don't hate you," pag-uulit ni Misha. "Siguro nga may nagawa ka na ikinagalit ko noon. But that wasn't enough to make me hate you."
Hindi pa niya naiintindihan kung bakit hindi niya magawang kamuhian si Seth pero kung tatakbo siya at tatalikuran ito, hindi na niya kailanman mahahanap ang kasagutan. Ang malinaw lang sa kanya ngayon, hindi niya kinamumuhian ang lalaki.
"Seth, magsimula uli tayo," deklara niya.
For the second time that night, he looked stupefied.
"Alam kong may hindi magandang nangyari sa pagitan natin sa nakaraan. Gusto kong magsimula tayo sa umpisa dahil guso kitang maintindihan. I want to know you more." Yumuko siya. "Ayokong makilala ka lang bilang ang heartless cyborg fiance ko. I want us... to be closer."
Kumunot ang noo niya. Bakit kung magsalita siya, parang nagtatapat siya ng pag-ibig kay Seth? And to top it all, the thumping of her heart was simply uncontrollable.
"I-I mean... as f-friends," paliwanag niya.
"Okay."
Nag-angat siya ng tingin kay Seth. Nakayuko ito kaya hindi niya alam kung ano'ng klase ng ekspresyon mayroon ito. But his voice was low, calm and gentle – almost a whisper.
"Kung gusto mong magsimula uli tayo, sige. Gawin natin," pagpapatuloy ni Seth. "I'm a jerk. Cold-hearted, hot-tempered, violent and sarcastic. Pero dahil gusto mong magkalapit tayo, susubukan kong maging... okay. And I want to know you more as well."
"Seth –"
Nag-angat na ito ng tingin sa kanya. "Like how come you're friends with a dog and a chipmunk? Seriously, I don't get you."
Hindi niya alam kung matatawa o kukunot ang noo dahil halata namang nagbibiro at nang-aasar lang ito. "Well, kung gusto nating magsimula ng maayos, why don't you first treat my friends nicely?"
"Susubukan ko."
Nagulat siya sa mabilis na pagsang-ayon nito. Pero nang maka-recover ay napangiti siya. "'Wag mong subukan. Gawin mo."
"Sinabi ko nang susubukan ko. 'Wag ka nang makulit, okay?"
"All right," pagsuko naman niya. Hinihila na kasi siya ng antok. "Anyway, simula bukas ay sikapin nating maging mabuti na sa isa't isa, ha?"
Naghikab siya at bumalik sa pagkakahiga. Niyakap niya si Mitto at dahil patagilid ang paghiga niya, nakaharap siya sa direksyon ni Seth. Naka-upo pa rin ito habang nakatitig sa kanya.
"Good night, Seth."
Ipinikit na niya ang kanyang mga mata. Saka niya naramdaman ang pagod sa buong maghapon na iyon kaya naman madali siyang nahila ng antok. Pero bago pa siya tuluyang makatulog ay narinig pa niya ang malamyos na tinig ni Seth.
"Good night, Misha. And... thank you."
***
"SENORITA, ako na ho ang gagawa niyan. Magagalit ho si Senorito Seth kapag nalaman niyang nagta-trabaho kayo dito sa mansyon," parang nagpa-panic na sabi ni Aling Silia.
Itinuloy pa rin ni Misha ang paghihiwa sa mga gulay. "Magagalit ho siya? Bakit?"
"Mahigpit na bilin kasi naman ni Senorito na huwag na huwag kayong pababayaan ni Mitto habang narito kayo sa mansiyon. Huwag daw namin kayong hahayaang mapagod o madisgrasya. Kahit nga siguro makagat lang kayo ng lamok, ipapa-salvage na kami ni Senorito."
Natawa siya. "Si Aling Silia naman, ang OA." Pero ng mga sandaling iyon ay umaawit na ang kanyang puso. Kung gano'n ay nag-aalala din pala sa kanya ang mokong na 'yon. 'Di lang nga halata.
At sa sobrang tuwa niya, na-distract na siya sa ginagawa niya. Napasinghap na lang siya nang maramdaman ang hapdi sa kanyang daliri. Nahiwa siya ng kutsilyo.
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko, Senorita!" nagpa-panic na bulalas ni Aling Silia. "Halika, hugasan muna natin 'yan."
"What's happening here?"
Sabay silang napalingon ni Aling Silia kay Seth na kapapasok lang sa kusina. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Siya naman ay napatingin sa wall clock sa dingding. Mag-a-alas onse pa lang ng umaga. Hindi naman lumalabas ng opisina nito si Seth kapag hindi pa tanghalian.
Nawala ang atensyon niya sa orasan nang may kung sinong humawak sa kamay niya. Si Seth. Iniinspeksyon na nito ang nasugatan niyang daliri. Napansin naman niya ang pamumutla ni Aling Silia nang balingan ito ng lalaki.
"Hindi ba't sinabi ko nang hindi puwedeng gumawa ng kahit anong trabaho si Misha –" Hindi na naituloy ni Seth ang sasabihin nang takpan niya ng kamay niya ang bibig nito.
"Aling Silia, pakisundo na ho ang mga bata sa kapitbahay," nakangiting utos na lang niya rito. Mabilis namang tumalima si Aling Silia. Inalis niya ang kamay ni Seth at hinarap ito. "Seth, hindi naman kasalanan ni Aling Silia ang nangyari. Ako naman ang nagpumilit na tumulong sa kusina."
"You're really clumsy." Pagkatapos ay walang kaabug-abog na sinubo nito ang kanyang daliri.
She froze. She could feel his hot tongue gently brushing the blood in her finger as he locked gaze with hers. Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha kaya mabilis niyang binawi ang kamay niya rito at saka nagtungo sa lababo para hugasan iyon.
Pagpihit niya paharap dito habang nagpupunas ng kamay sa tuwalya ay nakita niya itong kinukuha ang medicine kit sa cabinet. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya at basta na lang kinuha ang kamay niya. Pagkatapos ay nilagyan nito ng Band-aid ang daliri niyang nasugatan.
Siyempre, lumobo na naman ang puso niya.
"Where were you this morning?" mayamaya ay tanong nito.
Nagulat siya. Hinahanap siya nito? "Sumama ako kay Aling Silia mag-grocery."
Hindi na ito nagsalita pa at bumalik na sa opisina nito. Siya naman ay nagpatuloy sa pagluluto habang iniisip ang mga ikinilos ni Seth. He was acting strange... in a good way.
Nang matapos sa pagluluto ay inakyat niya si Seth sa study room. Katulad ng nakagawian niya, hindi na siya kumatok at basta na lang pumasok sa loob. Naabutan niya si Seth na nakayukyok ang ulo sa mesa.
Nag-alala naman siya. Lumapit siya rito. "Seth?" Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Matamlay ang itsura nito. Sinalat niya ang noo nito. "Wala ka namang lagnat."
"Headache."
Pumalataktak siya. "Magpahinga ka muna."
"No need. May ginagawa akong bagong game ngayon at kailangan ko 'yong tapusin bago matapos ang buwan."
She stubbornly shook her head. "Hindi naman babagsak ang Moon Corporation kung magpapahinga ka sandali. Halika."
Hinawakan niya ang kamay nito at hinila papunta sa mahabang sofa doon. Pinahiga niya ito doon. Masakit nga talaga siguro ang ulo nito dahil mabilis itong tumalima.
Nag-panic siya. "Seth, anong nangyayari sa'yo? You seem so submissive today." So out of character.
Bumuntong-hininga lang ito. Kapagkuwan ay pumikit ito. "Sumusunod lang ako sa napag-usapan natin. Nangako akong magbabago na, 'di ba?"
Napangiti siya. "That's a good start, Seth."
Napansin niyang kahit nakapikit na ito at sinusubukang matulog ay nakakunot pa rin ang noo nito na parang may kung anong iniisip. Umupo siya sa gilid nito at masuyong hinaplos niya ang noo nito. The knot on his forehead was gone in an instant.
"Seth, may problema ba?" nag-aalalang tanong niya.
Hindi ito umimik.
She just started to run her fingers through his soft hair. "Sandali. Ikukuha kita ng gamot," aniya at saka tumayo.
Pero bigla siyang hinila ni Seth. She fell on top of him. Ginamit niyang distansya sa pagitan nila ang kanyang mga braso. His arms snaked around her waist. She froze. But when he started to run his hand through her hair, she relaxed. But her heart was still hammering like crazy!
"CrossMix Corporation is doomed. And they are asking for my help," pagkukuwento ni Seth.
Natigilan siya. Alam niya ang buong istorya. CrossMix Corporation was Seth's father's game company based in Japan. Iyon ang kompanyang inagaw ng Hapon na tiyuhin ni Seth. Nang mamatay ang ama ng lalaki, naatas kay Tita Monta ang pagpapatakbo ng kompanya. Pero dahil walang alam si Tita Monta sa pagpapatakbo ng gano'n kalaking negosyo noon at kapapanganak pa lamang kay Jirou, naloko ang ginang ng mga Sawada. Napapirma ng mga ito si Tita Monta ng dokumentong naglilipat ng CrossMix sa pamamahala ng nakababatang kapatid ng ama ni Seth.
"Misha, what should I do? I hated my uncle for stealing CrossMix from us that I wanted his company destroyed. Yet, there's a part of me that wanted to save CrossMix dahil minahal iyon ng husto ni Daddy. Hindi ko na alam ang gagawin ko."
Ramdam na ramdam niya ang paghihirap sa boses ni Seth. Pakiramdam niya ay kailangang-kailangan siya nito ng mga oras na 'yon kaya naman niyakap niya ito.
"Gusto kong gumanti sa kanila kaya nga kinumbinsi ko si Mommy na i-take over ang game company na pag-aari ng pamilya niya since nag-iisang anak lang naman siya nina Lolo," pagpapatuloy ni Seth. "Maliit pa lang at pabagsak na rin ang Moon Corporation nang mga panahong iyon. Binuhos ko ang oras at talento ko para mapalaki ang Moon dahil gusto ko, balang araw ay ako mismo ang magpapabagsak sa CrossMix. Pero ngayong nangyayari na ang gusto kong mangyari, bigla naman akong hindi makapagdesisyon."
Kung gano'n ay iyon pala ang dahilan kung bakit subsob ito sa trabaho at parang walang tiwala sa mga tao sa paligid nito. He had a painful past. So painful that it turned him into the person he was now – bitter and sad. She didn't know he wanted revenge.
Matagal bago siya nagsalita. "Seth... I really don't know what to say. Pero isa lang gusto kong gawin mo – let go of your anger. Matalino ka. Alam mong wala kang mapapala kung maghihiganti ka. At katulad nga ng sinabi mo, minahal ng daddy mo ang kompanya. I'm sure he wouldn't want you to let it get destroyed."
"Pero galit ako sa tito ko," punung-puno ng pait na sabi nito.
She tilted her head to look at him. He looked like a lost child – scared and lonely. Kinulong niya ang guwapo nito mukha sa mga palad niya. "Pamilya mo pa rin sila, Seth. Hindi mo magagawang tuluyang magbago kung hindi mo pakakawalan ang galit mo. Don't let your past destroy you. Ang isipin mo na lang, sa'yo naman talaga dapat ang CrossMix so you should take care of it. As for your uncle, may iba pa namang paraan para gantihan siya. Ahm..." Nag-isip siya. "Gusto mo ipakulam natin siya?"
Seth just stared back at her with a blank expression. Sasabunutan na sana niya ang sarili niya dahil sa ka-corny-han niya nang marinig niya itong tumawa. He let out a hearty laugh. Nilukob naman ng kakaibang init at tuwa ang kanyang puso. Ngayon na lang niya uli ito narinig na tumawa.
Napatawa ko siya!
"Thank you, Misha. You made me feel better," sinserong sabi ni Seth.
"No problem."
Natigilan siya. Kakaiba kasi ang binibigay na tingin ni Seth sa kanya – punung-puno iyon ng paghanga. Nailang naman siya. Hindi siya sanay sa mga bagong emosyong nababasa niya sa mga mata nito. Isabay pa ang pagwawala ng kanyang puso. Upang pagtakpan ang nararamdaman niya ay agad siyang tumayo. Hindi naman siya nito pinigilan.
"Magpahinga ka na. Dadalhan na lang kita ng lunch at gamot." Nasa pinto na siya nang tawagin siya nito. Nilingon niya ito. "Hmm?"
Binigyan siya ng tipid na ngiti ni Seth. "I just want you to know that I want to change not just because I want to be a good brother. I'm also doing this for you."
Sa init ng mga pisngi niya, pakiramdam niya ay nilalagnat na rin siya.