Chapter Ten

972 Words
"SETH, mag-usap nga tayo," demand ni Misha kay Seth saka niya sinara ang pintuan ng classroom na kinaroroonan nila. Si Seth na lang ang natitirang tao sa silid gaya ng inaasahan niya. Pero sinulyapan lang siya nito bago binalik ang atensyon sa kaharap nitong laptop. Iyon ang huling klase ng lalaki bago ang break time nito kaya inabangan niyang makalabas na ang lahat ng kaklase nito bago siya pumasok sa silid. Alam naman niyang ito ang parating huling lumalabas dahil ayaw nitong nadidikit sa ibang tao. "I'm busy," sagot ni Seth. Ipinaikot niya ang mga mata. Lumapit siya rito at humila ng isang monobloc chair at umupo sa tabi nito. Saglit na pinasadahan niya ng tingin ang monitor ng laptop nito. Nagpa-plano na naman ito ng bagong game base na rin sa graphics na nakita niyang ginagawa nito. "Ano'ng binabalak mo?" seryosong tanong niya kay Seth. "Ang makakita ng asong nakasuot ng dog costume," diretso nitong sagot at saka nag-angat ng tingin sa kanya. "Bakit? Wala ka bang tiwala sa kakayahan ng alaga mo?" "Seth, hindi ko kinakampihan si Sean." "Yeah, right," sarkastikong komento nito bago ibalik ang tingin sa laptop nito. "Kahit magkampi pa kayo, hindi na mababago ang katotohanang kakain ng alikabok ang aso mo at magsusuot siya ng dog costume for my own entertainment." Padabog na sinara nito ang laptop at tumayo. Napakurap na lang siya sa ginagawa nitong... pagmamaktol? Kung hindi lang si Seth Sawada ang kaharap niya, iisipin niyang nakanguso na ito dahil sa sobrang pagkalukot ng mukha nito. He looked so adorable right now that she couldn't hold back her giggle. But she immediately stopped when he threw her a murderous glare. "Sorry. Masama ba ang loob mo dahil feeling mo pinagtutulungan ka namin? That's cute, Seth!" Hindi ito umimik. Naramdaman niyang masama talaga ang mood nito para biruin kaya naman napatayo siya bigla. "W-what?" kabadong tanong niya nang ngumisi ito. "Hindi masama ang loob ko kahit 'yong aso mo pa ang kampihan mo. It's normal for a master to support his dog," nakangising sabi nito habang umaabante palapit sa kanya. Napapaatras naman siya sa bawat hakbang nito. "But most importantly, you shouldn't call a guy "cute," stupid. Now, how should I punish you?" anito at itinukod ang mga palad sa pader nang tuluyan na siyang mapasandal doon. Napalunok siya nang ma-realize niyang nakakulong na siya sa mga bisig nito. Napakalapit na rin nito sa kanya na para bang pinapaamoy nito sa kanya ang nakakaadik nitong pabango. "Well, I'm sorry," paumanhin niya bago inilipat ang tingin sa pintuan nang may marinig siyang parang pumihit ng door knob. "May tao ba rito?" tanong ng pamilyar na boses ng babaeng papasok ng silid. Napasinghap siya nang makilala ang bagong dating – si Kia! Mabuti na lamang at nasa pinakadulo at sulok sila ng silid. Bukod pa do'n, nakatalikod si Seth kay Kia at natatakpan naman siya ng una. Pero tiyak na makikilala sila nito kung lalapit ito sa kanila. "Si Ate Kia," bulong niya rito. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Seth na hindi niya nagustuhan. Yumuko ito sa tainga niya at bumulong na lalong nagpabilis ng t***k ng puso niya. "I feel like greeting the chipmunk now." Napasinghap siya. No way! Lalong gumapang ang kaba sa dibdib niya nang marinig niyang papalapit na sa kanila si Kia. "Excuse me pero gagamitin na namin itong classroom," sita sa kanila ni Kia. Pinandilatan niya ng mga mata si Seth pero ngumisi lang ito. Mukhang may balak talaga itong harapin si Kia bilang ganti siguro sa pang-aasar niya. Hindi naman niya hahayaang ibunyag nito ang pinakaiingatan niyang sekreto. Nang akmang lilingon na si Seth sa direksyon ni Kia ay ikinulong niya sa kanyang mga palad ang mukha ng una. Bago pa ito makapag-react ay pumikit na siya at ipinalupot ang mga braso niya sa leeg nito. She quickly tip-toed and pressed her lips against his. Hindi niya alam kung ilang segundo ang lumipas bago niya naramdaman ang pagpalupot ng mga braso ni Seth sa kanyang baywang. Pagkatapos ay marahan siya nitong itinulak pasandal sa pader – and then, he deepened the kiss. She froze. Seth must have felt her uneasiness because his lips stopped moving against hers and broke the kiss instantly. The magic was gone. "My, my." Narinig niyang palabas ng ang yabag ni Kia. "Young love nga naman." She just stared back at Seth he looked so flustered yet his eyes were somewhat... sparkling. She didn't know what exactly happened. But one thing was for sure – she liked the feeling of his soft and warm lips against hers. "I didn't know you want me that bad," komento ni Seth. Then it hit her. I just kissed Seth! Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi nang matauhan na siya sa nangyari. Hindi niya rin alam kung magagalit o mapapahiya ba siya sa pagngisi ng lalaki ngayon sa harap niya. Pero mas matimbang ang nararamdaman niyang pagkainis sa sarili. Sino ba namang tao ang makakalimot na ang pagdidikit ng mga labi ay katumbas ng isang halik? Sino ba namang babae ang hahayaang basta-basta na lang ibigay ang kanyang first kiss sa lalaking kinamumuhian niya dahil sa patuloy nitong pag-kontrol sa buhay niya? At higit sa lahat, sino ba namang nasa matinong kaisipan ang hindi nakakaramdam ng pagsisisi o pandidiri matapos halikan ang lalaking tinuring niyang kaaway at sa halip ay nagustuhan pa 'to? Siya lang! You're crazy, Misha! "That wasn't a kiss," deklara ni Seth. Natauhan siya sa sinabi ni Seth. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "You just punched me on the lips with your lips. You're a hundred years too early to kiss me, brat." Sininghalan niya 'to. "Para namang gusto kitang halikan!" "You just did," nakangisi nitong sagot bago binitbit ang laptop nito at mabilis na lumabas ng silid. Napasinghap siya nang biglang may ma-realize. "Akala ko ba hindi 'yon kiss?" Imahinasyon lang ba niya ang narinig niyang pagtawa nito? Seth really let out a hearty laugh! May kung ano namang mainit na bagay ang bumalot sa puso niya hanggang makita na lamang niya ang sarili repleksyon sa salaming bintana ng classroom– nakangiti siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD