ABALA sa pagbabasa si Misha ng notes niya habang naglalakad sa mini-park ng Marusen University. Kakatapos lang ng klase niya at gagamitin niya ang libreng oras niyang gawin ang mga homeworks niya habang hinihintay si Sean.
Break ni Sean ng two o'clock hanggang four o'clock ng hapon kaya ito ang oras na napagkasunduan nilang interview-in si Seth at ang buong student council – kahit wala pa silang permisong gawin 'yon.
"Yo, Misha!"
"Ah!" bulalas niya nang biglang may tumapik sa likod niya at sa gulat ay nabitawan niya ang canned juice na hawak niya.
Napalundag naman siya nang tumapon ang malamig na likido sa sapatos niya na naging dahilan para mapasandal siya sa katawan ng taong gumulat sa kanya. Narinig niyang tumawa ang salarin kaya mabilis siyang humiwalay dito at hinarap ito. Sumalubong sa kanya si Sean na hindi maawat sa pagtawa.
Naningkit ang mga mata niya at namaywang siya.
"Kuya Sean!" saway niya rito.
Tinakpan nito ang bibig at unti-unti nang humupa ang pagtawa nito. Tumikhim ito at namulsa.
"Sorry 'bout that. Hindi ko lang inakalang–"
"Klutz ako?"
Sumeryoso ang mukha nito at mukhang nasaktan sa sinabi niya. "Magugulatin sana ang sasabihin ko."
Nakagat niya ang ibabang labi. Nakalimutan niyang nag-iisa nga lang pala si Seth pagdating sa pang-iinsulto. "Sorry, Kuya Sean. Madalas kasi akong tawaging klutz ni Seth –"
"'Seth'?" kunot-noong tanong nito.
"Ang sabi ko 'Steph'! Tama!" Tumango-tango siya. "Si Steph, 'yung kapitbahay ko na nagbigay sa'kin ng trabaho," pagsisinungaling niya.
Umaliwalas ang mukha ni Sean na mukhang binili naman ang palusot niya. "Ayos lang. At 'di ba sabi ko sa'yo 'Sean' na lang dahil isang taon lang naman ang tanda ko sa'yo."
Napaisip siya bago sumagot. "Sige na nga, Sean."
Ngumiti ito bago nilipat ang tingin sa tumapon niyang inumin. "I feel bad for what happened." Sinilip nito ang mukha niya na may apology sa mga mata nito. "Ibibili na lang kita ng bagong inumin."
"Huwag na!"
"Nah. Kailangan mag-set ng magandang example ang mga nakatatandang tulad ko sa mga nakababatang katulad mo. Hintayin mo 'ko dito," bilin nito habang tumatakbo na palayo.
Bumuntong-hininga na lang siya habang pinapanood itong tumakbo palayo. Matigas talaga ang ulo nito.
"Having a nice time, klutz?"
Napataas ang mga balikat niya nang tumama ang hininga nang nagsalita sa likod ng kanyang tainga. Hindi na niya kailangang manghula para malaman kung sino 'yon. Eksaheradong sumimangot siya nang harapin si Seth.
Madilim na naman ang aura nito katulad ng suot nito na gray long-sleeved shirt, dark pants at black leather shoes.
"Nakakabilib namang may oras ka pa para makipaglaro sa asong 'yon gayong nagta-trabaho ka para sa'kin," sita nito sa kanya.
"Hindi kami naglalaro," depensa niya sa sarili. "Isa pa, 'wag mo ngang tawaging "aso" si Sean," dagdag niya.
"Bakit nakikipagyakapan ka sa asong 'yon?" iritadong tanong nito.
Napakunot ang noo niya. Hindi naman siya nakayakap kay Sean, napasandal lang siya rito. Naningkit ang mga mata niya. Hindi niya gustong nagpapaliwanag kay Seth nang dahil lang sa bagay na wala namang katotohanan. Isa pa, hindi niya alam kung bakit siya nito in-i-interrogate. Kung hindi lang ito si Seth Sawada, iisipin niyang nagseselos ito.
Seth? Jealous? Impossible.
"What happened to your shoes?" tanong ni Seth habang nakatitig sa mga sapatos niya.
Sa isang iglap, iniluhod ni Seth sa sementadong lapag ang isang tuhod nito at saka pinunasan ang kanyang sapatos gamit ang panyo nito. Nang makuntento sa pagpupunas ay inayos naman nito ang pagkakatali sa mga sintas ng kanyang mga sapatos.
Natigilan naman siya habang pinapanood si Seth. At aaminin niya, gusto niya ang pag-aasikasong ginagawa nito sa kanya. Nakakakiliti ng puso.
Habang tumatayo si Seth ay parang nag-slow motion ito. Nasundan tuloy niya ang paggalaw nito mula sa paghawi ng buhok nito sa mukha nito hanggang sa pagkunot ng noo nito. "What?" angil nito sa kanya ng mapansing nakatitig siya rito.
"W-wala." Akmang aalis na ito nang pigilan niya sa laylayan ng long-sleeved shirt nito.
"Ano?"
Binitawan niya ang damit nito na inunat naman agad nito. "Magpa-interview ka na sa'min."
"Ayoko."
Pinagdaop niya ang mga kamay niya sa tapat ng kanyang dibdib. "Please? 'Pag pumayag ka, promise. Hindi ko na uli uubusin 'yong coffee jelly mo."
"Inubos mo 'yong coffee jelly ko?"
Napasinghap siya. "Sorry!" Buking!
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. Natigilan siya. Ngumiti ba ang dakilang Seth Sawada? Hindi ito katulad ng mga nanghahamak nitong ngisi. Ngumiti talaga ito! That was one of the rare chances when she got to see the humane side of Seth. She was simply... dazed.
"Misha!"
Napalundag muli siya sa gulat at naapakan niya ang latang nabitawan niya kanina dahilan para mawalan siya ng balanse. Pumikit siya at inihanda na ang sarili sa pakikipaghalikan sa lupa. But instead, her face was buried against something softe... and warm.
Hindi niya alam kung nananaginip ba siya o kung ano. She couldn't believe that the supposedly-human-iceberg Seth Sawada was actually this warm. And he smelled so good!
She never thought that The Seth Sawada would actually wrap his arms protectively around her waist just like now. Kumabog nang mabilis ang puso niya. It was the first time Seth held her in his arms like this. And she liked the feeling.
Napasinghap siya at mabilis na nag-angat ng tingin kay Seth. Nagulat siya sa nakita niya sa mga mata nito. Parang kumikislap ang mga iyon.
"Clumsy as usual," pabulong na sabi nito.
She tried to release herself from his grip when he tightened his hold on her. Naningkit ang mga mata niya. "Release me now, Seth," bulong niya rito nang makitang papalapit na si Sean sa kanila at dumadami na rin ang tao sa mini-park.
For a moment, parang dumaan ang magkahalong gulat at pagtataka sa mukha ni Seth pero agad din 'yong nawala at napalitan ng pamoso nitong ngisi.
"Stupid," bulong nito at kapagkuwan ay tinulak siya sa direksyon ni Sean.
Naramdaman niya ang mga kamay ni Sean sa kanyang mga balikat ng "saluhin" siya nito.
"Cyborg, what did you do?" galit na tanong ni Sean.
"I don't owe you an explanation, dog," saad ni Seth.
Hindi pinansin ni Sean ang pang-iinsulto ni Seth at nilipat lang nito ang tingin sa kanya na parang nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng nasaksihan nitong eksena. Kinagat niya ang labi niya bago umiwas ng tingin dito. Kasinungalingan lang naman ang isasagot niya rito.
"Sorry, Sean. I-interview-in ko na siya dapat nang makita ko siya then... then... I tripped when you called me." She looked at Seth who was also looking at her with a knowing look.
Pinandilatan niya ito ng mata. Ngumisi lang ito.
"Walang ginawang masama si Se – Sawada. Niligtas pa nga niya ako mula sa pagkikipaghalikan sa lupa," dagdag pa niya.
Tumango-tango si Sean at nilipat naman ang tingin kay Seth. "Sorry 'bout that, Sawada," paumanhin ni Sean kay Seth.
Malayung-malayo ang kabutihan ni Sean kay Seth na ngumisi lang na parang hinahamak pa si Sean dahil sa pagpapakumbaba ng huli.
"Sawada, alam kong hindi ka magpapadala sa pakiusap kaya may naisip akong paraan," nakangiting suhesiyon ni Sean.
"Really now," tamad na sagot ni Seth.
"Tennis," sagot ni Sean. "I heard magaling kang mag-tennis. Maglaban tayo. If I beat you, magpapa-interview ka sa'min," hamon ni Sean.
"So the tennis team's ace player is challenging me, huh?"
Gulat na napatingin siya kay Sean. Tennis player siya?
"Fine. I accept your challenge," sagot ni Seth.
Napatingin naman siya kay Seth. Hindi niya inasahang mabilis nitong papatulan ang hamon ni Sean. She was even more surprised to see his not-so-nice grin.
"You really piss me off right now that I want to see you eat dust," seryosong tugon ni Seth sa paghahamon ni Sean. "Kapag nanalo ako, magsusuot ka ng dog costume for a whole week."
Napasinghap siya at agad na napalingon kay Sean. Kukumbinsihin sana niya ang huli na kalimutan na lang ang usapang 'yon. Pero nang makita niya ang determinasyon sa mga mata ni Sean ay napatahimik na lang siya. Mukhang hindi rin naman ito papapigil.
"Deal," determinadong sagot ni Sean.
"I'll prepare your costume now, dog," nakangising sabi ni Seth at taas-noong dumaan sa pagitan nila ni Sean.
"Misha, strawberry juice na lang ang mayroon –"
Mabilis na inagaw ni Seth ang hawak ni Sean na canned juice. "I'll take this as a compensation for wasting my time, mongrel."
Bago pa man din makapagsalita si Sean ay mabilis nang nawala si Seth sa harap nila kaya naman napailing na lang ang una.
Nakangusong tinignan niya si Sean nang tumingin ito sa kanya. Hindi na niya kinailangan magsalita dahil naintindihan na nito kung bakit siya nagmamaktol.
"Pasensya na kung hindi ko agad sinabi sa'yo ang tungkol do'n," paumanhin nito. "But yeah. Bukod sa pagiging editor sa FM, miyembro rin ako ng tennis team."
Tumango-tango siya. Hindi naman siya nagtatampo. Nagulat lang talaga siya sa nalaman. "Good luck," nakangiting sabi niya rito.
"Ang hindi ko maintindihan eh kung bakit kinuha ng isang milyonaryong tulad niya 'yong strawberry juice na binili ko para sa'yo. Wala ba siyang pambili?"
"Baka naman gusto lang niyang makatanggap ng regalo mula sa'yo," biro niya.
Pabirong kinarate chop ni Sean ang ulo niya.