Chapter Two

394 Words
NAKATAKIP ng libro ang mukha ni Misha habang panaka-nakang sumisilip sa bintana sa kanyang gilid. Kasalukuyan siyang nasa passenger's seat ng kotse ni Seth na siya namang nagda-drive patungong Marusen University– ang bagong eskwelahang nilipatan niya. Gusto ng mga magulang niya na "mabantayan" ng lalaki ang pag-aaral niya bilang parusa na rin sa mahabang panahong panloloko niya sa mga ito. "My car's heavily tinted, stupid," ani Seth sa malamig na boses. "Tsk." Inis na binalik niya ang libro sa kanyang bag. Bakit ba nakalimutan niyang heavily tinted ang kotse ng lalaking 'to? Nagmukha na naman tuloy siyang tanga sa harap nito. Kung hindi lang siya pagtatawanan nito, sinabunutan na niya ang sarili niya sa sobrang inis. "Just so you know, I won't be responsible for your stupidity all the time. Do me a favor and always bring your presence of mind with you. I won't waste my precious time watching over a brat like you." Inis na binalingan niya ito. "Why do always treat me like a child?" "Because you are." Napasinghap siya ng malakas. "I'm no longer a child, okay? I don't need your guidance! At kung sakali mang mapasok ako sa isang gulo, huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako lalapit sa'yo." "Mabuti kung gano'n." Pinigilan niya ang mga kamay niyang pumalupot sa leeg nito. He was so full of himself! Ang sakit na nga nitong magsalita, parang hari pa kung mag-utos! Bakit ba ito ang napili ng mga magulang niya bilang mapapangasawa niya? Not that she had accepted her fate as this arrogant bastard's future bride. Naiinis lang siya dahil sa dinami-dami ng normal na lalaki sa mundo, ito pang kampon ng kadiliman ang napunta sa kanya. Hindi man lang inanunsyo ni Seth ang pagdating nila sa Marusen. Basta na lang nitong inihinto ang kotse. "Let's go. Ihahatid na kita sa classroom mo." Palabas na sana ito nang hilahin niya sa dulo ng itim na polo nito pabalik sa upuan nito. Kunot-noong nilingon siya nito. "What?" "Huwag mo na kong ihatid sa classroom ko," nagpa-panic na sabi niya. "Seth... actually... ayoko sanang may makaalam sa ugnayan natin sa isa't isa. Will you keep it as a secret? Please?" pagmamakaawa niya. She caught a glimpse of anger and rejection in his eyes. "You don't need to tell me that," masungit na sabi nito, saka bumaba ng sasakyan. Napapikit na lang siya dahil padabog nitong isinara ang pinto ng kotse. Napapalataktak na lang siya. "Mayabang na, masungit pa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD