CHAPTER 1

1437 Words
Hana's P.O.V "Okay, that will be all." Tinapos ko ang meeting namin for the day sa loob ng Student council room. Nagsitayuan ang mga kasama ko habang ako ay inaayos ang mga papel sa harapan ko. "Bye President!" "Bye po." "Goodbye." Sagot ko sa kanila at tumayo na rin ako tsaka humarap sa Vice President ko, si Kevin Anderson na nagmamadaling inaayos ang bag niya. "Shocks malapit na ipalabas ang inaabangan ko! Kailangan una akong makapanood!" Sinakbit niya ang bag niya sa balikat niya pero pinigilan ko ang pag-alis niya. "Not so fast Kevin, kailangan ko mga ideas mo for our next school project." "Ehhh ngayon na!?" "Yes." "Eh nagmamadali ako Prez, pwedeng bukas?" "No." "Sige na Hana. Pretty please!!!" Tapos nagpuppy eyes siya saakin. Ngumiti ako sa kaniya ng matamis. "No." Bumagsak ang balikat niya. "Ay. Ahmmm..." Umikot ikot ang paningin niya na tila ba nag-iisip siya at halata sa body language niya na nagmamadali na siya. Hinintay ko siya makapag-isip ng idea pero nakakailang segundo na pero wala pa rin siyang maisip kaya bumuntong hininga ako. Nilabas ko ang phone ko sa bulsa ng dress ko at inabot sa kaniya. "Just give me your number, I will call you later." Nagliwanag ang mga mata ni Kevin after niya marinig ang sinabi ko at agad agad, walang patumpik tumpik niyang kinuha ang phone ko at mabilis nagtype. Wala pa yatang two seconds tapos na siya magtype at mabilis inabot saakin. "Thanks Prez! Usap na lang tayo mamaya!" At tumakbo na siya paalis ng room. Pagkatapos mawala ang presensya niya at ako na lang naiwan mag-isa sa room, tinignan ko ang number niya na nakadisplay sa screen. "He better have good ideas for the project." Tulad ng mga kasama ko kanina, kinuha ko na rin ang bag ko, nilagay ko doon ang phone ko tsaka sinakbit sa balikat ko ang bag bago ko nilock ang Student Council room at umalis. Naglakad palabas ng University at sa malayuan pa lang, nakita ko na ang sundo ko. Lumapit ako sa sasakyan at naka-abang si Manong Kiko sa labas. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at pagkapasok ko ay siya rin ang nagsara. "May dadaanan po ba tayo senyorita?" Tanong niya pag-upo niya sa driver seat. "No. Umuwi na tayo." Sagot ko. Pagkasagot na pagkasagot ko, pinaandar na ni Manong Kiko ang sasakyan at nagmaneho paalis. Ako naman, pumalumbaba ako sa bintana at tinignan ang mga dumadaang kotse at mga taong naglalakad sa daan. Iyon lang ang ginawa ko hanggang makauwi ako. Tulad kanina, pinagbuksan ako ng pinto ni Manong Kiko kaya bumaba ako at sinara niya ito. Lumakad ako papasok ng bahay at nakita ko si Manang Lia na nagwawalis. "Si mommy at daddy po?" Tanong ko sa kaniya. As always, pinakita niya saakin ang malaanghel niyang ngiti at kahit puro wrinkles na siya ay gandang ganda ako sa kaniya. "Naku senyorita, nasa meeting pa sila. Mamaya pa ang uwi." Busy as always huh. " Ganun po ba?" "Kayo po? Gusto niyo ba ng miryenda? Ipaghahanda ko kayo." Pag-aalok saakin ni Manang Lia na agad kong tinanguan. I'm hungry anyway. "Sige po, pakidala na lang sa kwarto ko." After namin mag-usap ni Manang Lia, umakyat ako ng hagdan at naglakad papuntang kwarto ko. Pagpasok na pagpasok ko, sinara ko ang pinto ko, binitiwan ko agad ang mga gamit kong dala at humilata sa kama. Aughhhh I'm so tired! Being a President is so tiring. Bakit nga ba ulit ako humabol? Nilipat ko ang tingin ko sa kisame at tumunganga. Wala akong inisip. Nakatunganga lang talaga. Mga five minutes yata akong nakaganon bago ko napagdesisyunan na gumalaw. "I need to freshen up." Wika ko sa sarili ko. Tumayo ako mula sa higaan tsaka pumunta sa cabinet para kumuha ng pamalit ng damit at towel. Then pumasok ako ng banyo para maligo. It took me 15 minutes para magawa lahat ng seremonyas ko sa banyo bago ako lumabas. Nagpapatuyo pa ako ng buhok gamit ang towel paglabas ko. Napalingon ako sa paligid at nakita ko ang isang tray ng miryenda na nakalagay sa table ko. Manang Lia probably put it there noong naliligo ako. Kumuha ako ng isang sandwich at kinain then umupo ako sa vanity table ko at kumuha ng blower tsaka pinatuyo nang husto ang buhok ko. After a few minutes, tuyo na ang buhok ko at tinabi ko na ang blower. Kinuha ko naman ang brush ko sa buhok pero bago ako makapagsuklay biglang may nagpop up sa utak ko. I need to call Kevin. Kinuha ko ang phone ko sa bag at hinanap ang number ni Kevin habang nagsusuklay. Nang mahanap ko, pinindot ko agad ang call button tsaka tinapat sa tenga ko ang phone. "Hmm~~" Naghihymn ako habang hinihintay kong sumagot si Kevin. Nakailang ring bago sumagot ang kabilang end. "So what's your best idea so far Vice President?" Bungad ko agad pagkapick up niya. ["...What?"] Isang salita lang pero halatang halata na agad ang pagkalito nito. I smirked. "Sa sobrang ganda ba ng pinapanood mo, nakalimutan mo na about our school project?" ["School project?"] "Come on Kevin, alam kong mahirap mag-isip pero hindi gagana saakin iyan." I stated habang kumukuha ng isa pang sandwich. ["I have no idea what you're talking about."] Then binabaan niya ako ng tawag. Napajawdrop ako at napatingin sa cellphone dahil sa ginawa saakin ni Kevin. Did he just hang up on me? Me? The President? Binaba ko sa platito ang sandwich na hawak ko then pinindot ulit ang call button sabay tapat sa tenga ko ang phone. This time nakacrossed legs ako at nakasimangot. Nakailang ring bago niya sagutin. ["Hello?"] "Huy Kevin Anderson, how dare you hang up on me. Do you want me to tell the headmaster about this? Baka nakakalimutan mong tayong dalawa ang inassign niya for this. Nakikipag-usap ako sayo ng maayos para sa project tapos bababaan mo ako?" Pagkatapos ng mahaba kong linyahan. Hindi sumagot ang nasa kabilang end. Nagkaroon ng dead air for 5 seconds straight bago sumagot si Kevin. ["Oh I see... Is this the new way of stalking nowadays?"] "Excuse me?" This time, tumaas na ang kilay ko pati inis ko. Nasa tuktok na. Me? Stalking him? The nerve! ["These fan calls are getting too much. This is already annoying."] Pahayag niya at bumuntong hininga pa siya pagkatapos. Wow, siya pa ang bumuntong hininga. "Hindi ko alam kung anong klaseng asteroid ang tumama sa utak mo at naalog yata pero kung hindi mo natatandaan kung sino kausap mo, I will gladly make you remember. I'm Hana Yuri Fuentez, the President of Fameux University and the one who can kick you out from being a VP." Wika ko na may malamig na tono para dama niyang hindi ako nagbibiro at talagang totohanin ko ang sinasabi ko kung hindi niya ihihinto ang pag-iimagine niya. ["Well it's a good thing that I'm not the VP."] Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. "What?" ["Sorry to disappoint you, your highness but I'm not Kevin Anderson."]  Sagot niya. Napahinto ako saglit at napatakip ng bibig. Now that he mentioned it, magkaiba sila ng boses. Nang magsink in sa utak kong ibang tao pala ang kausap ko, bumalik lahat saakin ang mga pinagsasabi ko. Nakaramdam ako bigla ng hiya. Napapikit ako at napahawak sa noo. Kevin gave me the wrong number. "Uhmm this is awkward..." Nasambit ko. "Ah sorry, I thought you are someone I know. I apologize for the inconvenience." ["Hmm..."] Nakakahiya. Uminit ang ulo ko sa taong hindi ko kakilala at makaasta pa ako parang mas mataas ako. Lagot ka talaga saakin Kevin Anderson. "So ahh...bye." Balak ko sanang ibaba na ang call pero napahinto ako dahil nagsalita pa siya. ["So you dialed the wrong number huh..."] "Ah yes sir." This time mas magalang na ako. ["That's interesting."] Wika niya pero mahina lang. ["So your name is Hana right, your highness?"] Medyo naawkwardan ako sa 'your highness' pero hindi ko na pinansin. "Yes sir." ["So you're the President of Fameux, this is so interesting..."] Wika niya ulit pero hindi ko na masyado maintindihan kasi ang hina ng pagkakasabi niya. "Ahh sir--" ["--hoy Lou tara na! Tapos na ang break time. Hinahanap na tayo."] Naputol ang sasabihin ko dahil may nagsalita sa kabilang end at hindi na ito ang boses ng kausap ko. Lou? Iyon ba pangalan ng kausap ko? ["Gotta go. Bye your highness."] Bigla siyang nagpaalam saakin at binaba ang tawag for the second time. Napakurap ako ng ilang segundo bago ko tinitigan ang phone ko. That was the most awkward call I ever had. Kinuha ko ulit ang sandwich na nilapag ko tsaka kinain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD