CHAPTER 2

1154 Words
Hana's P.O.V "Haaayy ang ganda talaga ng SSLR. Ang ganda ng pagkakalive action nila." Dinig na dinig ko ang satisfied at may halong kilig sa boses ni Kevin habang papasok siya sa Student Council Room. "Ohh good morning Prez!" Bati niya saakin pero nakasimangot lang ako sa kaniya at nakacrossed arms. Binaba niya ang bag niya sa upuan tsaka umupo. "Oh why the grumpy face?" Tanong niya. "Do you have any idea how embarrassed I was last night?" Pauna kong wika. Tumaas ang kilay niya na parang takang taka. "Huh?" Nilabas ko ang phone ko tsaka pinunta sa contacts. "You gave me the wrong number." Inabot ko ang phone ko sa kaniya para ipakita. "I called you last night. Iba ang sumagot." Nakataas pa rin ang kilay niya habang tinitignan ang number niya then bigla natawa siya. "Ay sorry Prez, mali nga ang number. 0933 ako, hindi 0932. Mali iyong number two." Natawa pa siya, ako na nga ang napahiya. Kinuha ko ang pencil case ko mula sa bag. Iyong matigas na type ng pencil case. "Namali siguro ako ng type kasi nagmamadali ak-- Huy Prez huwag mong ibabato iyan!" Napatayo si Kevin nang makita niyang nakaamba akong ibabato sa kaniya ang pencil case ko. "Aayusin ko na ang number! Ito na aayusin ko na!" Nagmamadali niyang sabi tapos nagmamadali rin siyang nagtype sa cellphone ko. "Okay na Prez! Okay na! Ibaba mo na iyan!" Pinakita niya saakin ang screen ng phone ko para mapatunayang naayos niya na kaya binaba ko na ang pencil case ko at binalik sa bag. "Very good." Wika ko then kinuha ko sa kaniya ang phone ko. Bumuntong hininga si Kevin at bumalik sa upuan niya. "So... sino nakausap mo?" "Someone named Lou." Sagot ko tsaka sumandal sa sandalan ng upuan ko. "Napagkamalan niya pa akong stalker." "Bwahahahaha! Stalker ka daw bwahahah--" Sinamaan ko siya ng tingin. "--Ikaw? Stalker? Sa ganda mong yan! Grabe kapal naman niyan." Pahabol niya bigla nang makita niya akong masama ang tingin sa kaniya. "Just give me your ideas." Pokerface kong sambit. Tumawa siya ng pilit tsaka kumuha ng papel sa bag niya tsaka inabot saakin. "Iyan pa lang naiisip ko." "This is fine." Wika ko habang tinitignan ang mga nakasulat. "Well anyway, bakit ka ba nagmamadali kahapon? Namali ka pa tuloy ng bigay saakin ng number." Tanong ko sa kaniya after ko basahin ang inabot niya saakin. Bigla naman nabuhayan si Kevin sa tanong ko. "Ay naku Prez, pinalabas na kasi ang SSLR. Inaabangan ko iyon eh!" "SSLR?" Nagtataka kong tanong. "Oo. Special School Life Romance. Pinoy anime siya dati tapos binigyan ng live action. Kakapalabas lang kahapon ng first episode!" Paliwanag niya sa most excited way possible. "Dinownload ko pa nga eh!" "Oh. Mahilig ka pala sa romance." "Yes! Mahilig ako sa shoujo manga at teen romance kahit pambabae. Iba kasi sila magpakilig eh! Talagang kikilitiin ka sa tiyan. As if you have butterflies in your stomach!" "Ahh." "Gustong gusto ko ang feeling na iyon! Naku lalo na kapag nagkakaselososan na. Iyan ang cherry on top!" At nagtutuloy tuloy siya sa monologue niya. Puro ahh lang ako kasi wala akong naintindihan sa paliwanag niya. Maybe because hindi ako mahilig sa romance. Mas mahilig akong manuod ng mga movies about the Royal Family. Nahinto lang si Kevin sa pagkukwento nang nagring na ang bell namin. "Ay time na pala. Bye Prez, may klase pa ako sa Basic Korean." Kinuha niya ang bag niya, nagwave saakin tsaka tumakbo paalis. Ewan ko ba. Bakit ba laging nagmamadali ang lalaking iyon? "Well, it's time for me to go then." Tumayo ako at nag-inat. Kinuha ko rin ang bag ko tsaka umalis papunta sa klase ko. 3rd Person's P.O.V "Okay cut!" Malakas na tuwang sigaw ng direktor ang pumalibot sa paligid. Huminto ang mga artista sa pag-arte at doon naman gumalaw ang mga staffs sa paligid. "As always, ang gagaling niyo talaga!" Masayang masayang puri ng direktor sa tatlong lalaking nasa tapat ng camera. "Well of course. They are the best of the best." Pahayag ng isang babae na nakaputing uniform at malaanghel na ngiti. Ito'y walang iba kundi si Charlotte Cortez, ang bida ng Special School Life Romance kasama ang tatlo niyang male leads. "Naku, baka lumaki ulo namin niyan." Nahihiyang wika ni Grayson Asher Villafuente. Ang male lead na nagbabarista sa live action. "Hala sige magpahinga na kayo! Mamaya na ulit ang susunod na scene kapag lumubog na ang araw." Lumapit sa kanila ang direktor at tinulak sila palapit sa tent nila. Hindi naman sila nagreklamo at nagtuloy tuloy sa loob. Nag-inat si Grayson tsaka umupo sa silya habang ang dalawa niyang kasama ay pumunta sa usual nilang pwesto. "Kakapagod ngayon!" Komento niya. "Pero masaya naman noh?" Walang sumagot sa tanong niya. Napalingon siya sa dalawa niyang kasama at nakita niya itong parehas nagsecellphone. "Hoy, puro kayo cellphone dalawa. Ano ba ginagawa niyo?" Tanong ni Grayson. Tumingin sa kaniya saglit si Allen Louie Hernandez, ang pianist sa story at pinakita ang phone niya at ang nakalagay sa screen ay Candy Crush sabay balik sa pagsecellphone. Habang si Louis Owen Hudson ay pumalumbaba at pinakita ang cute niyang dimple sa kanan niyang pisngi. "As always. Girls." "Babae na naman? Hindi ka ba nagsasawa Lou?" Hindi makapaniwalang sambit ni Grayson sa kasamahan niya. "Baka naman masangkot ka sa scandal. Kakasimula pa lang ng career natin." "No, I won't." "I bet, he will." Sabat ni Allen habang nagkecandy crush. "Sama." Napahawak sa dibdib si Louis na parang nasaktan siya sa narinig niya. "I can't help it. Girls find me irresistible." "Hay naku." Napapailing na lamang si Grayson sa kaibigan niya at sa mga sinasabi nito. "Come on guys, ito na lang stress reliever ko." Natatawa niyang pahayag sa dalawa niyang kasama. "And also, something interesting happened yesterday." "Something interesting?" Nakataas kilay at curious na tanong ni Grayson. "Do you know the Fameux University President?" Nakangising tanong ni Louis kay Grayson. Tumigil sa pagkacandy crush si Allen at tumitig sa kaibigan niya. "President sa Uni na pinapasukan natin?" Balik na tanong ni Grayson. "Yes, her name is Hana Yuri Fuentez. She called my number yesterday, right Allen?" Lumingon si Louis kay Allen pero hindi ito sumagot at nakatitig lang. "Sino iyon?" Nagtatakang tanong ni Grayson. "She is the precious jewel of our Uni. She is actually the prettiest and probably the best President the school ever had. All her school projects were successful." "Sounds amazing." Komento ni Grayson. "Do you think I can woo her?" Nagcrossed arms at sumandal sa isa sa mga haligi ng tent si Louis habang sinasabi ito. "For me, confident akong oo." "Wait, siya ba katawag n-" Naputol ang sasabihin ni Grayson dahil may pumasok na staff sa tent nila at inaya silang lumabas sa kadahilanang sabay sabay daw silang kakain ng miryenda. "Let's just continue this chat later." Masayang wika ni Louis at nauna ng lumabas. Sumunod naman si Grayson at nahuli si Allen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD