CHAPTER 3

1775 Words
Hana's P.O.V "Hayy..." Another tiring day. Sumandal ako sa sandalan ng upuan ko, binaba ang hawak kong ballpen sa study table ko tsaka nag-inat. Kahit nakauwi na ako, ang dami ko pa rin gagawin; acads at student council duties. "I need a break." Parang gusto ko muna manood para marelax. Kinuha ko ang laptop ko tsaka binuksan. Pagkatapos, sinearch ko ang The Crown sa Netflix pero napahinto ako saglit. Napanood ko na pala lahat ng episode, parang nakakatamad naman kung uulitin ko sa simula. "Ano kayang maganda panuorin?" Bulong ko sa sarili ko then naalala ko ang inaabangan na palabas ni Kevin. What is it again? DSLR? Ahh SSLR. Tinype ko sa google ang SSLR at lumabas ang Special School Life Romance sa top search kaya iyon ang pinindot ko. Lumabas ang mga information such as the synopsis at mga casts ng palabas. Synopsis: Willow Averie Castillo was a simple girl living in the province got picked by a special school dedicated for students who are famous around the country for their talents. Will she survived the pressure of being around those who are destined to be great? Main Casts: Louis Hudson as Lucas Anthony Fernandez Grayson Villafuente as Andrew James Jaxon Allen Hernandez as Sky Kurt Landon Charlotte Cortez as Willow Averie Castillo "Hmmm..." Sounds okay. Pinindot ko ang first episode na nakalagay sa ibaba tsaka nagpakita ang itim na screen na nagloloading. After magload, nagsimula na ang palabas at tahimik kong pinanood mula simula hanggang dulo. Maganda naman siya. Malinaw ang pagpapakilala sa mga characters. Halatang halata na si Lucas Anthony Fernandez ang pinakabidang lalaki sa tatlo dahil siya ang arogante, suplado at mayabang na character na kilala for basketball tsaka siya ang binigyan ng emphasis kaysa sa dalawa. Additionally, siya agad ang hindi nakasundo ng bidang si Willow. Si Andrew James Jaxon naman ang nagbabarista. Kuya sa tatlo, mature at gentleman ang vibes na pinakita ng character niya. Sa hula ko, hindi siya pipiliin sa dulo. Usually, sila ang nakakahanap ng another love interest. Sky Kurt Landon naman ang mahiyain pero palangiting pianist sa tatlo. Aaminin ko, medyo napangiti ako kapag ngumingiti siya kasi malaanghel ang itsura niya parang si Manang Lia. This guy is definitely the second male lead. Ang aagaw sa puso ng marami at magpapalito sa kanila kung sino pipiliin. Sino ba naman ang ayaw sa magaling tumugtog at maganda ang smile? Okay, aaminin ko na. Napique niya ang interest ko kaya pinindot ko ang bagong labas na episode 2 para panuorin. 24 minutes ang duration at feeling satisfied ako after ko panuorin ang ep 2, nakakabitin nga lang. "Okay, Kevin. Alam ko na kung bakit ka excited." Wika ko habang natatawa nang mahina kapag naalala ko ang excited na pagpapaliwanag ni Kevin about SSLR. But they seems familiar for some reason. Iyong mga artista, parang nakita ko na sila dati, hindi ko lang alam kung saan. "Imagination ko lang siguro." Sambit ko sa sarili ko. Biglang nagvibrate ang phone ko at doon nabaling ang atensyon ko. Tinignan ko ang screen at may nagmessage saakin. From: 0932******* Hi Miss Hana. Reply or Ignore _________________ I frowned. 0932? Kaninong number ito? Parang pamilyar saakin. _________________ To: 0932******* Who's this? Message sent. _ ________________ "Miryenda po kayo senyorita." Nawala ang focus sa phone ko nang nagpakita sa awang ng pinto si Manang Lia dala ang isang tray ng miryenda. "Ah sige salamat po." Wika ko tsaka kinuha ko sa kaniya ang tray, binaba sa study table ko tsaka sinara ang pinto. Habang ginagawa ko iyon, narinig ko na naman ang vibration ng phone ko. _ ________________ From: 0932******* You forgot me already? You called my number by mistake yesterday. Reply or Ignore ________________ Ahhh siya si Lou! Iyong nakausap kong sinabihan akong stalker. ________________ To: 0932******* Ahhh you're Lou. Message sent. _ ________________ From: 0932******* How did you know my name? Reply or Ignore _________________ To: 0932******* Narinig ko kahapon bago ka magpaalam. Bakit ka nagtext? Message sent. _ ________________ From: 0932******* Wala lang. I just want to talk to you. Reply or Ignore _________________ Ha? Bakit close ba kami? _________________ To: 0932******* Huh? I don't think we know each other very well to act like that. Message sent. _ ________________ From: 0932******* Then let's get to know each other. I'm actually very interested to know you. Reply or Ignore _________________ To: 0932******* Sorry but I'm not interested Mr. Lou. Message sent. _ ________________ From: 0932******* Oh you're the aloof type but I like that. Reply or Ignore _________________ Napapakunot ako ng mukha sa mga message niya saakin. He sounds like he is flirting with me or maybe, assuming lang ako pero ganon talaga ang tunog saakin eh. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya kaya kinuha ko na lang ang platito na may cake tsaka kinain. Habang kumakain ako, nagvibrate ulit ang phone ko. _________________ From: 0932******* It's okay if you don't want to know about me. I won't push you. I just want to be friends. Reply or Ignore _________________ To: 0932******* Ahh. Message sent. _ ________________ From: 0932******* You're not really the talkative type. I wonder if you will stay silent if you meet me in person? Reply or Ignore _________________ To: 0932******* I don't meet up with someone I don't know. Message sent. _ ________________ From: 0932******* I thought so. However, you will never know. Maybe someday, destiny will let us cross each other's path. Reply or Ignore Seen. _________________ Then doon na huminto ang pagmemessage niya. For some reason, nakahinga ako ng maluwag nang huminto siya sa pagtetext. Hindi ko napansin na uncomfortable na pala ako sa pakikipagtext sa kaniya. But for some reason, he sounds different. Noong katawagan ko siya, he sounds serious at parang pagod but this time parang buhay na buhay siya sa text. Weird. Umiling na lang ako at tumigil sa pag-iisip tungkol sa kaniya. I picked up my pen at tinuloy ang pagsasagot sa mga homeworks ko. 3rd Person's P.O.V "5 minutes na lang po, taping na." Pahayag ng isang staff sa tatlong lalaki na nagpapahinga sa loob ng kanilang tent. Si Grayson ay may hawak na script na pilit nangangabisa, si Allen naman ay nakaupo sa sulok at nagkakacandy crush, tinatapos ang  level 87, habang si Louis ay nakangiti habang nagtetext. "This girl is really something." Natatawa at napapailing na komento ni Louis habang nakatingin sa kaniyang screen. "Sinong swerteng babae iyan?" Tanong ni Grayson habang nililipat ang pahina ng kaniyang script. "Remember Hana? The girl we talked about earlier." Sagot ni Louis tsaka binulsa ang cellphone niya. "Yes." "Katext ko siya kanina." Wika ni Louis na may tuwang ngisi. Tumigil sa pagbabasa si Grayson at napatingin sa kasama niya. "Dumadamoves ka agad? Kakakilala niyo lang niyan kahapon." "Well, I don't like to wait so I tried to give it a shot." Panimula ni Louis tapos nakibit balikat siya. "But she is the aloof type. Hindi nang-eentertain. Sinosoplang ako." "Oh? Mukha ngang matalino ang babaeng iyan, nakaiwas sa gulo." Komento ni Grayson na may halong pang-iinsulto kay Louis. "But let's see kung maiiwasan niya pa ako kapag nagmeet kami." Wika ni Louis at hindi pinansin ang patama ni Grayson. "Now na medyo maluwag na sched natin, pwede na ulit tayong pumasok." "Naku, papasok na lang, may sideline pa." Napailing na lamang si Grayson sa kaibigan. Natigil ang pag-uusap ng dalawa nang pumasok sa tent nila si Charlotte Cortez, ang bida ng kanilang palabas at trending female star ngayon. "Magready na daw tayo." Wika nito tsaka pinakita ang matamis niyang ngiti. "Ah sige sige." Binaba ni Grayson ang script na hawak niya tsaka tumayo mula sa upuan niya. Si Louis naman ay inayos ang uniform niyang puti at sinuklay ang buhok habang si Allen naman ay pinatay ang phone niya tsaka nilagay sa backpack na nasa tabi niya. Sabay sabay na sana sila lalabas ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya napilitang pumasok ulit ang mga artista sa tent. "Ay naku naman. Ang araw naman kanina ah." Komento ni Grayson tsaka humawak sa sa kaniyang bewang. "Sa loob po muna tayo ng tent!" Narinig nilang announcement sa speaker. "Mukhang dito muna tayo." Dagdag ni Louis at pagkatapos ay umupo siya sa isang silya.  Wala naman imik na pumunta sa dating pwesto si Allen at binuksan ang phone niya para maglaro ulit ng Candy Crush. "Dito ka muna Charlotte. Mababasa ka kapag pumunta ka sa tent mo." Pag-aalok ni Grayson sa babae nilang kasama na agad naman nitong tinanguan. "Thanks kuya Grayson." Naglakad si Charlotte palapit sa pwesto ni Allen tsaka nagsalita. "Can I sit here?" Hindi pa sumasagot si Allen pero umupo na agad ang dalagita sa tabi ng binata. Hinawi niya ang kaniyang buhok papunta sa tenga at tumingin sa nilalaro ni Allen. "Naglalaro ka pala ng Candy Crush. What a coincidence, naglalaro din kasi ako kapag free time ko." Wika ni Charlotte. "Hindi nga ako makalagpas ng level 45." "Hmm." Iyan lamang ang reaction ni Allen sa mga sinabi ng dalaga. "Ang kaunti lang kasi ng moves." Dagdag pa ng dalaga pero "hmm" pa rin ang sagot ni Allen. Kahit mukhang walang pakielam sa kaniya ang binata, tuloy tuloy pa rin ang pagkukwento ng babae. Nagkatinginan naman si Grayson at si Louis. Agad nilapit ni Louis ang silya niya papunta kay Grayson at bumulong. "Is it just me or talagang type ni Charlotte si Allen?" Mahinang tanong ni Louis. "Mukha nga." Pag-apirma ni Grayson. "Pero hindi naman siya pinapansin ni Allen." "Kaya nga siya gusto ni Charlotte eh." Pahayag ni Louis na nagpalito kay Grayson. "Huh? Anong connect?" Tinapik tapik ni Louis ang ulo ni Grayson at nagpaliwanag gamit ang mahinang boses. "Pre gusto ng mga girls tulad ni Charlotte ang mga tipo ni Allen." Paunang paliwanag nito. "Aminin natin pero ang galing niya umacting. Aasahan mo ba na iyang ice cold personality niya biglang magiging palangiti at sweet sa camera tapos marunong pangtumugtog? Kung magiging babae ka, mafafall ka rin sa galing niya for duality." "Ahh ganon ba iyon? Pero dual din sayo ah?" Napatingin si Grayson sa kausap niya at nakataas ang kilay. "Diba ice cold naman ang personality mo sa palabas?" "Kaya mas sikat ako." "Kapal." "Pwede na po tayo magshoot." Sa kalagitnaan ng pag-uusap nila, nagpakita ang isang staff na babae at inaya na sila. Nagready silang apat at isa isang lumabas ng tent. Tumayo si Allen after niya patayin ang phone tsaka walang pasabing naglakad paalis. "Ahh wait for me!" Si Charlotte naman ay nagmamadaling sumunod sa binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD