CHAPTER 4

1679 Words
Hana's P.O.V "Wala kayong meeting?" Nagtataka kong tanong pagbaba ko ng hagdan at nang makita ko si daddy nagpapatugtog ng A whole new world sa sala kasama si mama na nilalaro ang bunso kong kapatid na si Kanon. "Day off. Si lolo Eiji mo muna naghandle ng business ngayon." Sagot ni daddy habang nagrerelax sa sofa. "Ohh..." Si lolo pala. Kaso hindi ba masyadong matanda na si lolo para humandle ng mga ganong task? "Are you going to school?" Tanong ni mommy saakin. "Ah yeah." "Nag-almusal ka na ba?" Tanong niya ulit. "Opo." "Do you really go to school this early?" Curious na tanong ni mommy. Lumapit ako sa kaniya para mahawakan ko ang maliit na kamay ng kapatid kong si Kanon. "Yes. May inaayos ako sa Student Council every morning tsaka may project po akong ginagawa." "President ka nga pala noh?" Komento ni daddy. "Noong highschool ako, president din ako ng Student Council. Ganyan din ako kasipag." "Just don't overwork yourself." Dagdag ni mommy saakin, hindi pinapansin si daddy. "That applies to the both of you too." Natatawa kong sagot. "Well, it's time. Aalis na po ako."  Pagpapaalam ko. Hinalikan ko sa malabot at matambok na cheeks si Kanon tsaka bumeso kay mommy at daddy bago ako lumabas ng bahay. As usual, hinatid ako ni Manong Kiko papuntang Fameux University then didiretso akong Student Council room. Ako ang nagbubukas nito tuwing umaga tapos mag-iistay ako sa loob. May ilang members ang dumadaan at bumabati. Ang iba may kinukuhang files dito. Ako naman, pinag-aaralan ko ang mga ideas na binigay ni Kevin. "I wonder if this is plausible." Wika ko sa sarili ko habang nakatingin sa files na binigay ni Kevin kahapon. Nawala ang concentration ko sa papel na hawak ko nang marinig ko ang mahinang katok sa pinto ng SC room. Lumipad doon ang paningin ko at nakita ko ang headmaster ng University namin na si Mr. Jul Samon. Tumayo ako at naggood morning sa kaniya. "As always, maaga ka." Puna niya saakin na tinanguan ako. "But that's a good thing dahil sakto ang pagiging maaga mo sa ipapagawa ko." "Ano po iyon?" Ngumiti siya tsaka lumingon sa likuran niya. "Pwede na kayong pumasok." Wika niya sa likuran niya kaya napalingon din ako. Medyo nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang tatlong lalaki na pumasok. I know these guys. "This is Hana Yuri Fuentez, the SC President."  Sabay turo saakin then tinuro niya ang tatlo. "These three will be under your care Ms. President." Pahayag ni Headmaster kaya mas lalo ako nabigla. "Magandang umaga. Ako si Grayson Asher Villafuente." Inabot ng lalaking may kayumangging balat ang kamay niya saakin. Inabot ko ito at nakipagshake hands. "Louis Owen Hudson, my lady." Then inabot ng lalaking may blond highlights ang kamay ko tsaka hinalikan. Agad ko itong kinuha sa kaniya dahil nailang ako sa ginawa niya. Kinurot naman siya sa tagiliran ng katabi niyang si Grayson kaya napaaray ito. "Allen Louie Hernandez." Maikli namang pakilala ng lalaking may malaanghel na mukha pero seryoso ang expression. "Ahh nice to meet you." Sagot ko sa pakilala nila. "If you don't know yet, sila ang main cast ng popular live action na Special School Life Romance that means hindi sila nakakapasok sa klase natin kapag shooting nila but they are modular. Ngunit, pinaalam nila na pwede na silang pumasok ngayon." Simulang paliwanag saakin ni Headmaster Jul na tinanguan ko. "I want you to take care of their respectives schedules at tulungan silang ipaalam sa deans nila ang pagpasok nila so no hassle will come in their way." "Actually apat sila pero si Ms. Cortez is still busy. She can't have face to face classes." Huling paliwanag ng headmaster. I see. Napalingon ako sa tatlong lalaki. I will take care of them huh? "Oh sige iwan ko na kayo. Ikaw na bahala sa kanila." Nagpaalam na saamin ang headmaster at tuloy tuloy lumabas ng SC room kaya naiwan lang kaming apat dito. Well this is shocking. Hindi ko akalain ang mga artistang napanood ko kahapon, mamemeet ko ngayon. "Let's sit first." Suggestion ko sa kanila tsaka tinuro ang mga upuan sa gilid nila. Walang reklamo nilang sinunod ang pahayag ko. Umupo rin ako sa usual seat ko sa tapat ng bintana. "Magpahinga muna kayo diyan. Mamaya pang 8 ang pasok ng mga dean kaya mamaya ko pa sila makakausap." Paliwanag ko. Wala ng kumibo sa kanila after ko magsalita. Napansin kong naglabas ng phone si Mr. Allen at parang may pinipindot, si Mr. Grayson naman ay lumilingon lingon sa paligid at si Mr. Louis ay nakatitig saakin. Why is he looking at me? Do I have something on my face? Kahit nakakabother, hindi ko pinansin. Naghari lang ang katahimikan saamin. "Ang aga mo pala pumapasok." Binasag ni Mr. Grayson ang katahimikan. "Yes, I like to have a quiet time before a busy day." Sagot ko na may ngiti. "Kaya siguro inassign ka saamin. Kailangan din kasi namin pumasok ng maaga para hindi pagkaguluhan." Dagdag niya. "Sounds rough." Wika ko. "Do you watch our show?" Tanong ni Mr. Louis saakin at titig na titig pa rin siya. "Ah, yes. I started watching it yesterday." "Did you like it?" Pahabol niyang tanong. "Actually, I did. You're all great actors." Puri ko sa kanila. "Ay naku salamat naman nagustuhan mo." Napahawak sa batok niya si Mr. Grayson at nahihiyang ngumiti. "So who's your favorite among the three of us?" Biglang tanong ni Mr. Louis kaya napakunot ako ng noo. Si Mr. Grayson at Mr. Allen ay napatingin sa kaniya ng masama. "What?" Nakangisi niyang tanong sa dalawa na parang patay malisya pa siya. "I mean favorite mong ship para sa character ni Willow. Kayo naman." Paglilinaw ni Mr. Louis saamin lalo na sa kasamahan niya. Ahh. "Well..." Wala talaga akong shiniship kay Willow pero kung sino ang gusto kong character... Pasimple akong tumingin kay Mr. Allen na nagbalik sa pagsecellphone niya. I actually liked his acting as Sky Kurt Landon. "I liked Lucas Anthony Fernandez." I lied. Ayoko aminin na gusto ko ang isa. Pero mukhang gustong gusto ni Mr. Louis ang sagot ko dahil kitang kita ko ang ngisi niya noong narinig niya ang sagot ko. "Well if that's the c--" "GOOD MORNING PREZ!" Naputol ang sasabihin ni Mr. Louis at nagulat pa sila nang may malakas na pagbati ang pumasok sa scene. Ito'y walang iba kundi si Kevin. Nagra-running man dance pa siya habang papasok at nakapikit damang dama ang sayaw. Yep, wala ng pag-asa si Kevin. Pokerface ko lang siyang pinanood habang ginagawa niya iyon at hinihintay siyang mapansin ang mga bisita namin. Nakafive seconds yata bago niya idilat ang mata niya tapos bigla siyang nastuck. "A-Ah." React niya. "H-Hi?" Nagdadalawang isip na bati ni Mr. Grayson sa kaniya. Biglang tumakbo palapit saakin si Kevin at hinila ako sa gilid na ikinagulat ko. "What in the world are you doing!?" Gulat at naiinis kong tanong sa kaniya. "Bakit hindi mo sinabi na dadarating ang cast ng SSLR!?" Pabulong pero puno ng emosyon ang bulong saakin ni Kevin. Iyong tono na parang trinaydor ko siya. "Hindi ko alam! Sinabi lang saakin kanina." Pabulong ko ding sagot na may halong inis. "Ay ganon?" Napakurap siya tsaka tumayo diretso. Inayos niya ang damit niya at sinuklay ang kulot niyang buhok. Pagkatapos ay humarap sa tatlo, iniwan ako sa gilid tsaka ngumiti. "Hi! I'm Kevin Anderson. The Vice President of Fameux University!" Buhay na buhay niyang pagpapakilala na akala mo hahabol sa eleksyon. "Ah Grayson Asher Villafuente." Nakipagkamay si Mr. Grayson sa kaniya. Sumunod naman si Mr. Louis. "Louis Owen Hudson, pre." Ang panghuli ay si Mr. Allen na binaba ang phone niya kanina at tinitigan ang bagong dating. "Allen Louie Hernandez." "Oh I know, I know." Wika ni Kevin after niya makipagkamay. Then binuksan niya ang bag niya at kumuha ng notebook at ballpen "If you don't mind, can I get your autograph?" "Oh sure!" Masayang paunlak ni Mr. Louis at kinuha ang notebook at ballpen. Pagkatapos inabot niya kay Mr. Allen at panghuli ay kay Mr. Grayson. "Thank you!" Then binawi niya ang notebook at ballpen. Tinabi niya ito sa bag at umayos. Ako naman napamewang lang. "What brings you here?" Tanong ni Kevin. Lakas ng energy ah. "Ah actually, papasok na kami. Pwede na kasi na namin isingit sa sched namin ang face to face classes." Si Mr. Grayson ang sumagot. Tumango tango si Kevin. Damang dama niya talaga oh. "Oh I see, dito pala kayo pumapasok. First time niyo lang dito?" "No, we're here when we took the entrance exam." Sagot naman ni Mr. Louis. Oh! So that's why they look so familiar! Nakita ko siguro sila noong nagtake ako ng entrance exam. "Ahh okay! So anong mga course niyo?" "Electrical Engineering." Sagot ni Mr. Grayson. "Architecture." Sagot ni Mr. Louis. "Fine Arts." Sagot ni Mr. Allen habang nagsecellphone. "Matagal na ba kayong magkaka--" "OKAY. That's enough VP." Sumingit na ako sa kadaldalan ni Kevin baka kung saan pa umabot ang pagtatanong niya. "It's already 8 o'clock, iassist ko sila para maayos silang makapasok. Ikaw, ayusin mo project natin." Utos ko sa kaniya. "Ehhh!?" "Let's go?" Aya ko sa tatlo na agad nilang tinanguan. "Prez naman!" "Bye Kevin." At umalis na ako kasama ang tatlo. 3rd Person's P.O.V Pagkatapos umalis ng apat, naiwan na lamang mag-isa si Kevin Anderson sa SC room. "Ang daya naman ni Prez eh!" Nagdadabog na wika ng binata habang papunta siya sa upuan at lamesa sa kaniyang gilid. "Hindi pa ako sinama. Alam naman niyang idol ko ang mga iyon!" Padabog pa rin itong umupo at pumalumbaba. "Di bale, atleast nakuha ko autograph nila." Binuksan ni Kevin ang bag niya at kinuha ang notebook na sinulatan ng tatlo kanina. Niyakap niya ito at kinikilig na nagwika. "Itatabi ko talaga ito!" Binuksan niya ang notebook at tinignan ang pirma ng tatlo pero habang pinagmamasadan niya ito ay may nakita siyang sulat na hindi pirma. "Ano ito? Sino nagsulat nito? Correct number next time. Iyan ang nakasulat sa pagitan ng pirma ni Louis Owen Hudson at Allen Louie Hernandez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD