CHAPTER 5

1256 Words
Hana's P.O.V "Okay 2 down, one more to go." Wika ko habang naglalakad. Nahatid ko na si Mr. Allen at Mr. Louis sa respective rooms nila at nakausap na rin ang deans at professors nila. Ang natitira na lang ay si Mr. Grayson na kasama ko ngayong nanglalakad sa hallway. "Uyy, salamat ulit ha. Pasensya na sa abala." Pahayag saakin ni Mr. Grayson. Umiling ako at sumenyas sa kaniya na wala lang iyon. "Just doing my job." I answered. "Kahit na. Sabihin mo lang kapag nahihirapan ka na saamin ha? Subukan kitang tulungan." "It's okay Mr. Grayson." What a kind guy. "Naku, Grayson na lang. Masyadong pormal ang Mr. Grayson." Huminto ako sa paglalakad at huminto ako sa harap ng dean's office. Humarap ako sa kaniya tsaka ngumiti. "Noted." Pumasok kami parehas sa Dean's office at ako nagpaliwanag ng mga kailangan ni Mr. Gray--I mean Grayson for his studies lalo na ang sched niya. Mabait naman ang Dean niya at agad inasikaso ang nirerequest namin. Wala pang 10 minutes ay naprint na ang schedule ni Grayson. Kinuha ko ito at nagpasalamat sa Dean. Pagkatapos ay lumabas na kami ng office. "Here's your schedule." Inabot ko naman kay Grayson ang schedule niya na agad niya namang tinanggap. "Hatid na kita sa room mo?" Tanong ko pero umiling siya. "Kaya ko na. Nakakahiya na eh. Baka may klase ka rin." Sagot niya saakin. Well, now that he mentioned it. May klase pa akong mamayang 9:30. "Are you sure?" Nagdadalawang isip kong tanong sa kaniya. "Yeah. I got this." Kahit medyo nagdadalawang-isip ako, sumunod na lang ako sa hiling ni Grayson. Iniwan ko na lang siya hallway at naglakad papunta namang room kung saan ang klase ko. Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasang isipin ang tatlong lalaki nakilala ko ngayon. Ang masasabi ko lang, artista nga sila. Ang lakas ng dating nila sa totoong buhay at may ilan akong napansin sa kanila. Si Grayson, parehas na parehas ng ugali niya ang role niya bilang Andres James Jaxon. Parehas silang mabait at caring sa totoong buhay. Si Mr. Louis naman at Mr. Allen, baliktad. Si Mr. Louis, ang role niya bilang Lucas Anthony Fernandez ay ice cold at suplado pero base sa mga reaction niya kanina. Palangiti siya at game na game sa kung anong pwedeng mangyari. Panghuli si Mr. Allen. Ang role niya bilang Sky Kurt Landon ay sweet, shy at palangiti pero kanina, pokerface lang siya. Wala siyang imik at nagsecellphone lang. Napakaseryoso, ang layo sa personality niya sa camera. Mapapawow ka na lang. "Oh." Napahinto ako nang makita kong nasa tapat na pala ako ng room na papasukan ko. Balak ko na sanang pumasok pero naalala ko hindi ko dala ang bag ko. Napafacepalm ako. Naiwan ko sa SC room. Wala akong nagawa kundi tumakbo pabalik ng SC room para makuha ang gamit ko. Grayson's P.O.V Oo, nakapunta ako sa room ko ng hindi ako naliligaw at matiwasay akong nakapagklase. Matiwasay naman kahit may ilang tumitili at nagpapaautograph saakin. Hoy, hindi ako nagyayabang ah. Share ko lang. Makalipas ng ilang oras ay break time na rin. Tinext ako ni Lou na nasa cafeteria na daw sila kaya doon ako dumiretso. Nakita ko sila sa bandang dulo ng cafeteria at kumakaway si Lou saakin. Naglakad ako palapit sa kanila tsaka umupo. "Inorder ka na namin ng lunch. Ang tagal mo kasi." Wika ni Lou saakin tsaka inusog ang tray ng rice meal saakin. "Uy, salamat. Bayaran kita mamaya." "Nah, my treat." Sagot niya. Okay sige, treat niya pala eh. Mas pabor saakin. Binuksan ko ang styro at nagsimulang kumain, ganon din ang ginawa ni Lou at Allen. Hindi nga lang ako masyado makapagconcentrate kasi ang daming nakatingin saamin. "Hindi ba kayo naawkwardan?" Pabulong kong tanong sa kanila. "Nope." "Nah." Edi okay. Ako lang pala. Tahimik na lang kaming kumain pero paminsan minsan tumutunog ang cellphone ni Lou dahil may nagtext sa kaniya tapos sasagutin niya naman. Hindi ko na kailangan hulaan, girls. Girls iyan. Lagi naman. Hindi ko na lang pinansin. Tinapos ko ang pagkain ko at nagpunas ng tissue sa bibig. "You know guys..." Biglang nagsalita si Lou after niya kumain at isara ang styrofoam sa harap niya. "Hana Yuri Fuentez is prettier than I thought." Hay naku. Ito na naman po tayo. "Mukha siyang manika sa Japan. Ang puti. Medyo petite nga lang but that's okay." Hmm. "Got to admit, maganda nga siya." Para ka ngang makakakita ng walking doll kapag nakita mo siya. "Now I'm more interested! Hindi pa ako nagkakafling na hapon." Pahayag saamin ni Lou at kitang kita ko ang usual niyang smirk kapag nakakakita siya ng target niya. Iyong ngiting hindi papayag na hindi niya makuha ang gusto niya. I feel bad for Miss President. Ipagdadasal kita. "If that's your plan, then stop." Biglang bungad saamin ni Allen after niya kumain. Lalong lumaki ang ngisi ni Lou at lumingon sa kasama naming tahimik lagi. "Oh why? Do you like her too?" Lumingon pabalik sa kaniya si Allen. "What I'm saying is have mercy to that person. She's helping us. Don't toy with her." Nagpout si Lou tsaka pumalumbaba. "Hindi naman iyon ang tanong ko eh." Pabulong nitong sagot pero hindi na siya pinansin ni Allen. Bumalik ito sa pagkeCandy Crush. Anong level na ba siya? "He's right Lou. Maawa ka naman kay Hana. Iyan ba isusukli natin sa effort niya?" Dagdag ko sa pag-uusap nila. "Whatever, I'm just going to do what I want to do." Napailing na lang ako sa sinabi ni Lou. Hana's P.O.V "Hmmm!!" Nag-inat ako paglabas ko ng room. Tinignan ko ang orasan at nakita kong ala-una na. Late na for lunch pero no choice, ito ang nasa sched ko. Naglakad ako diretsong cafeteria para kumain. Bumili ako ng rice meal at naghanap ng mauupuan pero napalingon ako sa taong kumakaway saakin. Si Mr. Louis. Nagdadalawang isip ako kung lalapit ba ako kasi naiilang ako sa kaniya pero in the end, naglakad ako palapit. "Dito ka na umupo." Aya niya saakin na may ngiti. "Thanks..." Binaba ko ang tray na hawak ko tsaka umupo kaharap ni Mr. Louis. Nakaramdam ako ng matalim na mga titig sa likuran ko. Mukhang mali yata ang pag-upo ko dito. "Ngayon pala lunchtime mo. Sakto, free time ko naman." Lumingon ako sa paligid para hanapin si Mr. Allen at Grayson. "Nasaan ang dalawa?" "May klase sila." Sagot ni Mr. Louis. "Oh I see." Maikli kong sagot. Binuksan ko ang styro tsaka nagsimulang kumain. Kumakain lang ako ng tahimik hindi pinapansin ang mga tumititig pero si Mr. Louis ay nakapalumbaba sa lamesa at pinapanood akong kumain. Ito na naman, nakatingin na naman siya. "Is there something the matter?" Hindi ko natiis ang titig niya kaya nagsalita na ako. "Nothing. I just noticed na tahimik ka pala talaga." "Ahh..." Ang awkward. "Just like in text." Pahabol niya kaya napakunot ako ng noo. Just like in text? What did he mean by that? "Excuse me?" "You're very aloof kahit sa totoong buhay." This time nakangiti na siya pero ako lalong kumunot ang noo ko. "I don't really know what you're talking about." Sagot ko sa kaniya at pinagpatuloy ang pagkain ko. He giggled for a second. "0932 lang Miss Hana." Pahayag niya. What? 0932? Wait, that sounds familiar... Napaisip ako ng ilang segundo bago nanlaki ang mga mata ko. It's him! Siya iyong nawrong number ko! "You're Lou!?" "Sabi sayo. Pagtatagpuin tayong dalawa." Pahayag niya saakin na may ngisi tsaka nilapit niya ng ilang inches ang mukha niya saakin. "At hindi ako hihinto sa pagtatagpuin lang."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD