Kabanata 29 __________________________________________________________________ Hindi ko magawang tumampisaw sa tubig dahil kay Gustav. Ngunit hindi ko matiis. Hindi ko kayang tignan lang silang nasa pool samantalang ako ay nakatingin lang sa kanila. Tinanggal ko ang malong na nakapulupot sa aking beywang saka tumampisaw na ako sa pool. Bahala na si batman. Bahala na kung magagalit sa akin si Gustav. Ewan ko nalang talaga at pati ang pagligo ko dito sa pool ay pagbabawalan niya ako. As I expected, nakikita ko ang kanyang galit na mukhang pinagmasdan ako dito sa pool. We are laughing while he is just sitting there, drinking champagne. Lumapit sa akin si Chaucer. Smiling and he is half naked. "Bakit sinuway mo ang utos ni Gustav? Gusto mo bang pagalitan ka niya?" nakangiting tanong sa aki

