Kabanata 1
1
"Aalis na ako Ma!" sigaw ko ni Mama habang nagmamadali akong lumabas ng bahay namin.
Malapit nang mag-alas siete ng umaga. Unang araw ko pa naman sa trabaho at mala-late ako. Mawawalan na talaga ako ng trabaho. Ubod pa naman ng sungit itong boss ko. Gwapo sana, kaso ang sungit kaya ekis para sa kanya. Hindi ko na siya type.
Pumara na agad ako ng taxi at sumakay. Buti nalang at maraming dumadaang sasakyan dito at buti nalang din at hindi malayo sa bahay ang company. Ilang minuto lang siguro ang biyahe at nandoon na ako.
"Paki bilisan naman po Manong." sabi ko pa sa driver habang napatingin ako sa orasan. Seven o'clock na talaga at late na ako. First day of work pero late na ako. Patay na ako.
Ilang sandali pa ay huminto na agad ang taxi sa harapan ng company building. Matinding kaba ang nararamdaman ko noong nakalabas na ako ng taxi. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at napahinga ng malalim saka nagsimula ng maglakad papasok sa loob.
This is it. Pumasok na ako sa loob ng elevator habang pinindot ang pinakahuling palapag kung saan naroroon ang opisina ni sir Gustav. Walang ibang tao sa floor na 'yon kundi siya lang at dahil secretary na niya ako, dalawa na kami doon sa floor niya.
Bumukas na ang elevator. Patakbo akong lumabas at agad na pumasok sa loob ng kanyang opisina. Hinihingal habang nakita ko siyang nakaupo na sa kanyang swivel chair. Agad itong napaangat ng tingin ng naramdaman niya ang aking presensiya dito sa loob ng kanyang opisina.
Iniyuko ko agad aking ulo at kinagat ang pang-ibabang labi. Mapapagalitan na talaga ako. "I'm sorry sir, I'm late. Ipapasiguro ko sa inyong hindi na ito mauulit." paliwanag ko sa kanya. Wala akong narinig na sagot mula sa aking sinabi kaya naman inangat ko muli ang aking tingin. Saka ko pa nakita ang matalim na titig niya sa akin.
Ilang sandali pa ay nakita kong napatingin siya sa kanyang relo at muling napabaling sa akin ng tingin. "You're fifteen minutes late. It is your first day of work." aniya. "But you already show your stupidity."
"I'm sorry sir." ulit ko sa kanya.
"Why are you still standing out there? Magtrabaho ka na! Late ka na nga!" pasigaw niyang sabi sa akin. Nataranta ako bigla sa natura niyang pagsigaw sa akin. "Nasa labas ang table mo. Hindi ka muling makakapasok sa aking opisina hangga't hindi ko sinasabi." sabi niya at napatango lang ako saka bahagyang nag-bow sa kanya at lumabas mula sa kanyang opisina.
Bahagya akong lumapit sa table malapit sa pintuan ng opisina niya at inilapag doon ang aking bag. Napaupo ako sa aking swivel chair habang napabaling ako ng tingin kay sir Gustav. Nakita kong nakatingin din siya sa akin kaya agad kong iniwas ang aking tingin sa kanya.
May telepono sa aking table. Siguro ay tatawagan lang niya ako kung may kailangan siya sa akin. Ilang sandali pa ay tumunog ang telepono. Kinuha ko ito at bahagyang inilapit sa aking tenga.
"Come here and don't just sit there! Check all my schedules and anything!" galit niyang bulyaw kaya agad kong inilagay muli sa lalagyan ang telepono at patakbong pumasok sa kanyang opisina.
"What's my schedule now?" tanong niya sa akin at hindi ko alam ang isasagot ko. Wala pa naman akong schedule na ibinigay sa akin.
"I don't know sir." sagot ko.
"Secretary ba talaga kita?! Bakit hindi mo alam?! You should know it!" galit niyang sigaw sa akin. "Find a way and check it!" natataranta na naman ako at bahagya akong bumalik sa aking table.
Nagbabakasakali akong nandito sa table ko ang schedule niya ngayon at buti nalang at may nakita akong isang folder. May laman itong mga schedules niya for this week kaya agad akong bumalik sa kanyang opisina.
"For now sir, wala kang schedule ngayon." sabi ko sa kanya. "Pero ngayong hapon may schedule ka. You need to meet Mr. Alfonso at Shangsie restaurant at 3 o'clock. That's all for today sir." dugtong ko at napabaling sa kanya ng tingin.
"Kung saan ako pupunta, kailangang sasama ka. Because you're my secretary." sabi niya sa akin at nagulat lang ako.
"But the protocol of the company states that the secretary would be present in the office even if his boss is not around." paliwanag ko sa kanya. "I'm just following the protocol of the company sir and you take me anytime or in work hours." paliwanag ko muli sa kanya.
"I'm the boss here and you need to follow my rules. Sundin mo kung ano ang gusto ko." mahinahon pero may galit na sabi niya sa akin.
"But sir—"
"Susundin mo ako o hanggang ngayon nalang ang trabaho mo dito?" tanong niya.
Napahinga nalang ako ng malalim. Wala akong magagawa kaya napatango nalang ako sa kanya. "I'm going to hire you as my personal secretary at the same time, you're my secretary here at my company." paliwanag niya at napatango nalang ako sa kanya.
"Okay sir." sabi ko nalang.
"Dodoblehin ko ang sweldo mo." aniya sa akin at muli lang akong napatango sa kanya.
"Gustav!" narinig kong sigaw mula sa may pintuan kaya agad akong napabaling ng tingin doon. Nakita kong isang lalaki ang pumasok.
"What are you doin' here?" tanong ni sir Gustav at napatayo sa kanyang swivel chair.
"Who's this gorgeous lady?" tanong ng lalaki kay sir Gustav habang napabaling siya sa akin ng tingin. "Hi, I'm Urian."
Ngumiti lang ako sa kanya. Nagda-dalawang isip pa akong sumagot sa kanya baka magalit si sir sa akin. "She's my new secretary. She's Zhan." ani Gustav sa kanya habang naglakad silang nadalawa papunta sa may sofa at bahagya silang umupo doon.
"Kakaiba ka talagang pumili. Lahat magaganda." ani Urian sa kanya. "From your chicks and secretary." aniya.
Chicks? Haist.
"Huwag mong sasabihin sa aking gagawin mo din siyang—you know what I mean—she's innocent?" tanong ni Urian kay sir Gustav. "But anyway, it's not my business. You can do whatever you want." aniya.
Kinabahan tuloy ako bigla. Hindi ko hahayaang gagamitin ako ni sir Gustav. I know what he mean, pero hindi ko hahayaang mangyari sa akin 'yon. I work here as his secretary, hindi para sa ganoong bagay.
Napahinga nalang ako ng malalim habang napabaling pa rin sa kanila ng tingin.
"Go out now." sabi ni sir Gustav sa akin. Napatango ako sa kanya at bahagyang nagbow. Tumalikod na ako. Hindi pa man ako tuluyang nakalabas ng pintuan ay may narinig akong pinag-uusapan nila.
"Don't tell me, gagawin mo din siyang ganon......." hindi ko na tinapos ang pakikinig ko sa kanilang pinag-uusapan. They are talking about woman and I am not interested with it now.
I know they are playing woman and I am not willing to be a victim. No. Should I resign now? Haist. Bakit nga pala ako magre-resign, hindi naman ako kagandahan tulad ng iba diyan at sa tingin ko naman hindi ako magiging biktima niya.
__________
TheDarkProphecy