Kabanata 21 + Ilang araw ang lumipas. Puro trabaho lang talaga ang inaatupag ko. Hindi ko din naman inaasahan na magsasaya ako dito. Palaging ipinapasok sa aking isipan na trabaho at hindi kasiyahan ang pakay ko dito. Halos gabi-gabi akong niyayaya ni Gustav na sumama sa kanya sa club. Puro tanggi nalang ang ginawa ko. Iyon lang ang ginagawa ko. Hindi din naman niya ako mapipilit. Pag ayaw ko, ayaw ko talaga. Gusto kong ipakita sa kanyang hanggang trabaho lang niya ako mauutusan, hindi na niya isasali ang aking personal na buhay at desisyon. Hindi maari. Hindi naman ako isang robot na kokontrolin niya naayon sa gusto niya. Tao ako. Hindi isang robot. "Thank you." sabi ko habang inilapag na ni Chaucer ang capuccino sa table. Kinuha ko agad iyon at agad na ininom. "Mabuti naman at p

