17 Mabilis lang umikot ang oras at hapon na. Ito na ang oras para kami umalis ni Gustav papunta sa kanyang resort na sinasabi niya. At may natanggap na rin akong message mula kay Hannah at Hencel na mag-iingat raw ako doon. Ganon din ang aking Mama at Papa. They said. They will miss me so much at sinabi ko lang naman sa kanila pabalik na ilang araw lang naman ako doon. May ilang damit akong mga dala. May mga shorts at sleeveless. Siyempre resort ang pupuntahan namin at siguro naman akong makakaligo talaga ako doon sa resort. I did not bring two-piece. Baka magmumukha lang akong tanga. "Are you ready?" tanong sa akin ni Gustav. He's wearing an all black corporate attire that makes his white skin glow. Damn it. He's hot. Kasalukuyan na kaming nandito malapit sa may van na sasakyan namin

