Kabanata 15 "Huwag mo na ulit papasukin ang babaeng 'yon dito." Kinausap ni Gustav ang head security officer dito sa kanyang kumpanya. Mas mabuti nga 'yong hindi na 'yon makikita dito. May mamumuo lang na gulo sa pagitan naming dalawa. Wala naman kasi akong balak na agawin mula sa kanya si Gustav. My God. Dinadamay niya pa talaga ako. Haist! Napabaling si Gustav matapos niyang makausap ang head security officer ng kumpanya. Matapos sabihin 'yon ni Gustav ay agad na lumabas mula sa kanyang opisina ito. Natapos din agad ang kanilang pag-uusap ni Mr. Ledesma. They probably talked about business. "Huwag mong hayaang makapasok dito ang babaeng 'yon kung sakali mang makalusot siya sa security sa baba." Gustav said at agad lang akong napatango sa kanya. Napatango lang ako sa kanya. "Yes

