Kabanata 13 "Why are you avoiding me?" Gustav's still following me until we reached into the elevator. Hinihintay nalang namin ang bumukas ito para makauwi na ako. Sino ba namang hindi iiwas sa kanya matapos niyang gawin 'yon sa akin kagabi. Tumunog na ang elevator at agad akong pumasok dito. Sumunod agad ito sa akin at hindi ko pa rin magawang ibaling sa kanya ang tingin. "Is it about what I did last night?" sabi niya ulit sa akin. Pinindot ko ang number one button. Bumuntong-hininga lang ako saka tuluyan ko nang ibinaling sa kanya ang tingin ko. "Ano sa tingin mo. Masaya ako sa ginawa mo kagabi? I told you already. Hindi ako katulad sa mga babae mo kaya huwag mo akong itulad sa mga babae mo." I added. Agad kong iniwas ang aking tingin sa kanya. Humugot din ito ng malalim na hining

