Kabanata 5

1108 Words
Kabanata 5 +— Ito na nga ba ang aking sinasabi. Sinabi lang sa akin ni Gustav kanina na hihintayin niya ako sa harapan ng company building ngayong gabi. I have no choice kaya kailangan kong makipagkita sa kanya. Wala naman siguro siyang balak na masama. Lumabas na ako sa ngayon mula sa aking pinagtrabahuan sapagkat alas kwatro na ng hapon. Pauwi na ako ngayon and as always, kasama ko pa rin si Hannah. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya. Pero sige na nga, since bestfriend kami. "Hannah." panimula ko sa kanya. Napalingon agad siya sa akin. Kasalukuyan kami ngayong nasa loob ng taxi. "I have something to tell you." sabi ko pa at agad na nagtataka ang kanyang mukha. "Bes, why so serious? Ano ba 'yang sasabihin mo sa akin?" tanong niya pabalik sa akin. "Huwag mong sasabihin sa akin na tungkol na naman 'yan sa boss mo?" aniya at agad lang akong napatango sa kanya. Napahinga ako ng malalim habang napaupo ng maayos. "Niyaya niya akong sumama sa kanya ngayong gabi. He wants me to be his personal secretary at ang pagsama ko ngayong gabi sa kanya is part of my job as his personal secretary." paliwanag ko sa kanya. "Wala namang masama doon Zhan. Ano ka ba. Kahit na demonyo ang tao, may nakatago pa rin 'yang kabutihan sa kanyang kalooban." aniya. "Wala naman sigurong masama doon. It is part of your job diba?" "Pero tumanggi na ako sa kanya." paliwanag ko. "Ayaw ko. Gusto niya pa akong ihire niya bilang kanyang babae. My God." "What?" hindi makapaniwala niyang sabi. "Naku Zhan, mukhang iba nayan." napatingin lang ako sa kanya sa kanyang sinabi. Napahinga lang ako ng malalim habang napabaling ng tingin sa bintana ng taxi. Inaliw ko nalang ang aking sarili sa mga madadaanan namin. "But don't overthink about it Zhan. Hindi ka naman siguro pipilitin niya kung ayaw mo." aniya. "It's up to you if makipagkita ka sa kanya. Wala naman sigurong masama doon Zhan. Besides, masisira ang reputasyon ng boss mo pag may ginawa siyang masama. He needs to protect his reputation for the sake of the company." aniya. "I know." tanging sagot ko nalang sa kanya at ilang sandali pa ay narinig kong sinabi niya sa driver na dito nalang ihinto. Babayaran ko na sana ang pamasahe namin pero she insist na siya nalang ang magbabayad kaya nagpapasalamat nalang ako sa kanya. Lumabas na ako sa taxi at ganon din siya. Ilang sandali pa ay umalis na ang taxi at nandito pa rin kami sa gilid ng kalsasa nakatayo. "So ano, lalabas ka ba ngayong gabi?" tanong niya sa akin. "I don't know. Maybe. Maybe not." sagot ko nalang. "Ito lang talaga masasabi ko sayo. 'Goodluck' nalang bes." sabi niya at agad siyang nagpaalam sa akin saka tumawid na. Nasa kabilang kanto ang kanilang bahay habang nasa likuran ko lang ang bahay namin. Hindi ko sinabi ni Hannah lahat kaya siguro ganon nalang siya kung makapagsalita. Kung sinabi ko pa ito kay Hannah, hindi ko alam kung ano ang irereact niya. Hindi ko pa nga nasabi sa kanya ang tungkol sa babaeng maghihiganti sa akin kahit wala naman talaga akong ginawang masama. Haist! Ang gulo-gulo. I want to stay away from people like them to live peacefully. My God. +—— Nandito na ako sa aking kwarto nakahiga. Matapos kong kumain ay pumasok agad ako dito sa loob ng kwarto ko. Hindi ako mapakali at alas otso na ng gabi. Hindi ko pa rin alam kung lalabas ako ngayong gabi. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko. Nakita kong unregistered number ang tumagawag sa akin ngunit parang pamilyar ito sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang number na tumawag sa akin noong nakaraang araw kaya agad ko itong sinagot. "I'm already waiting for you." isang pamilyar na boses ang narinig ko at hindi nga ako nagkakamali, number ito ni Gustav. "Or else ako na mismo ang pupunta sa bahay niyo." nanlaki lang ang mata ko sa kayang sinabi. "Paano mo nalaman na number ko ito? Paano kung sasabihin kong ayaw kong pumunta? Anong gagawin mo?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya. "Simple. Ako na mismo ang pupunta diyan sa inyo." sagot niya lang. Napahinga lang ako ng malalim sa kanya. "Fine. Pupunta na ako at huwag na huwag kang pumunta sa bahay namin. Ipapaalala ko lang sayo Gustav na tinanggihan ko na ang mga alok mo." paliwanag ko pa. "I know. I just want you to come." sagot niya lang sa akin at agad na pinutol ang tawag mula sa kabilang linya. Haist! Saan ba kasi kami pupunta at kailangan naming lumabas ngayong gabi. Napatayo na ako mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama at agad na ulit akong nagbihis. Matapos kong ayusin ang aking sarili. Ilang sandali pa akong napatitig sa salimin at pagkatapos ay lumabas na agad ng kwarto ko. "Saan ka pupunta ngayon Zhan? Gabing-gabi na at lalabas ka pa?" bungad na tanong sa akin ni Mama. Hindi ko alam kung ano ang ipapalusot ko sa kanya. "Pupunta ako sa opisina. May emergency meeting ngayon ang boss ko doon at kailangan kong pumunta." pagsisinungaling ko. "Alam mo naman siguro na secretary niya ako diba?" paliwanag ko. Ilang sandali lang siyang napatitig sa akin at tila ba hindi naniniwala sa aking sinabi. Maniwala ka naman sana Ma oh? "Okay." sagot niya lang habang napatitig pa rin sa akin. "Siguraduhin mo lang talaga na sa opisina ka pupunta ha. Osiya mag-ingat ka at umalis ka na." "Bye Ma." paalam ko pa sa kanya at agad na akong lumabas sa loob ng apartment. Buti nalang talaga at marami pa ring dumadaang sasakyan ngayon kaya hindi ako mahihirapang pumunta doon sa opisina. Ilang minuto lang ang aking binyahe at agad akong dumating doon. Kita ko agad ang kotse ni Gustav sa harapan ng company building kung saan nakita kong nakasandal siya sa kanyang kotse. Agad akong lumapit sa kanya. "Ilang oras na akong naghihintay sayo dito." narinig kong sabi niya sa akin. "I know you're coming." dugtong niya pa. "Sino ba naman ang hindi pupunta. Pinilit mo ako." paliwanag ko. "I have no choice but to come here tonight." ani ko habang nakita kong napatayo lang ito ng maayos. "Shall we?" tanong niya sa akin at hindi lang ako sumagot sa kanya. Pumasok siya sa mula sa pintuan ng driver's seat. Pumasok din ako sa loob ng pintuan ng front seat at napaupo. "We're going to the club tonight." Nagulat ako sa kanyang sinabi. "What?" hindi ko makapaniwalang sabi. Pero kahit na anong gagawin ko, wala na akong magagawa sapagkat pinaandar na niya ang sasakyan. Haist!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD