Chapter 5 -Can't Protect Her From Hurting

2046 Words
YESTERDAY ONCE MORE written by: Blackrose Chapter 5 -Can't Protect Her From Hurting -----,--'-,-'-{@ "How's your day Arthur?" Tumingin ako mula sa pinanggalingan ng tinig and there I saw her walking demurely towards me. Ano kayang nakain ng isang ito para kamustahin ako ng ganito? That is very odd of her. Very seldom kaming magkaroon ng matinong conversation nito, madalas ay wala nga talaga. Then what does she wants from me now? "How much do you want Analyn?" sabi ko rito ng hindi inaalis ang tingin ko sa binabasa kong reports here at my library. "How much agad? Do I look like I am going to ask money from you? Nangangamusta lang ako, for Christ sake Arthur! Bawal na bang kamustahain ko ang ASAWA ko nowadays?!" "Really now?! Alright! I'm fine! Now what do you want from me?!" "Damn you! Until now, you never change Arthur! Here sign this!" pahagis na binigay niya sa akin ang isang envelope, it landed infront of me. That's the only time na binaba ko ang monthly reports na binabasa ko. Tumingin ako sa kanya bago ko kinuha ang envelope na nasa harap ko. Naglalaman yun ng isang dokumento kung saan ay isa itong titulo ng lupa as what I've seen sa head title ng papel. From the looks of it, she is buying another property and she needs my signature to encash a huge amount of money from the bank. Just as what I've assumed, may kailangan na naman siya sa akin. Usapan kasi namin legally at kasama sa pre-nuptial agreement namin that we need our partner's signature if we will be needing na mag-withdraw ng huge amount of money from our conjugal bank account. We have a bank account na pera namin bilang mag-asawa but just like her, may sarili rin akong bank accounts na sa akin lang at personal uses ko. "You're buying another property Analyn? For what?! Marami ka ng properties na nasasayang lang! Para saan na naman ang isang ito?! Ang ibang properties mo ay natutulog lang sa kangkungan yet here you are na bibili na naman ng panibago?! Where's your brian, Analyn?! Nagtatapon ka ng pera sa mga walang kwentang bagay!" "Never ask too much questions on me Arthur because I never question you kapag nag-iinvest ka ng pera sa babae mo!! Conjugal ang pera natin sa bank! I need your signature para lang sa agreement natin! Now f*****g sign it!" malditang sagot nito habang nakapamewang at nag-aabang sa harapan ko. Nakataas ang kilay niya at halatang nagtitimpi lamang siya. Yes alam niya. Alam ng asawa ko ang extra curricular activities ko. Nung una hindi pero ng lumaon ay natuklasan narin nito ang lahat. I can still remember how it happens... **Flashback** It was Sunday evening. Almost two weeks na kaming hindi nagkikita ni Jade at syempre lalaki lang ako na may pangangailangan rin. Matapos kong mag-shower ay tinungo ko ang aming kwarto. Inabutan ko si Analyn na naglalagay ng lotion sa katawan niya. Tanging manipis na nighties lang ang suot nito sa katawan. Dahil sa lalaki lang ako, I still have urge when I see woman who is almost naked at isa pa ay asawa ko naman siya. Lumapit ako rito at sinubukang romansahin ito. Noong una ay hinahayaan lang nito ang ginagawa ko hanggang sa ready na ako. Nang ilalabas ko na ay saka naman ito nag-inarte at umiwas sa akin. "Will you stop this nonsense Arthur?! You know that you don't turn me on!" sabay tayo nito at punta sa kama namin. "Even just for tonight." usal ko rito. "Even if you drool over and beg Arthur, hindi mo na ako matitikman pa! Tama ng binigyan kita ng anak, that's it and you should be thankful pa nga dahil may anak ka sa akin!" "You b***h! Kung ayaw mo, hahanap ako ng iba na pupuno ng needs ko at pahahalagahan ako! Huwag kang magtaka if one of these days hindi na ikaw ang pupuntahan ko! Walang sisihan!" sabay na labas ko ng kwarto at deretso sa bar counter ng bahay ko. **End Of Flashback** And that's how it all started. That's how she knew about my affair with my other woman when I started na hindi na siya lapitan tuwing gabi. At first ay nagalit at nagwala siya lalo pa when she saw kiss marks sa parts ng exposed skin ko. Pero ng tumagal na ay naging common na ito sa kanya. Hindi na niya ako binubungangaan nor sinisita. She made me do it! She was never a wife to me when it comes to that aspect! Kaya kasalanan niya if bakit ako naghanap ng iba na pupuno sa pangangailangan ko. "What's taking you so long for you to sign it?! It's just a single paper, damn it!!" Nanumbalik ang diwa ko sa kasalukuyan. Without reading it further, I sign the damn paper then throw it away papunta sa kanya. Matapos niyang tignan saka ibalik sa envelop ang papel ay nilubayan na niya ako at lumabas. Ganito naman siya sa akin, this is not new to me. Sanay na sanay na ako sa ugali at style niya. Lumalapit lang ito at kinakausap niya ako kapag may kailangan akong pirmahan na documents or kapag may gusto itong bilhin na kakailanganin ng malaking pera at kung may ipag-uutos ito sa akin. She was never a wife to me and yun lang ang tanging bagay na pinagsisisihan ko sa buhay may asawa ko. "Dad? Are you and Mom fighting again?" mula sa likuran ay narinig kong sabi ng anak ko. "No Princess." I smile sweetly at my daughter. "Don't deny it Dad. Mom told me one time that the only thing that binds you together is me. Because of me kaya kayo nagsasama." umupo ito sa lap ko at yumakap sa akin. "Aprilyn, I'm sorry that our family is like this. Unlike your classmate's family. But you know that Daddy loves you very much. More than anything else in this world. Don't forget that alright Princess?" "I know that Daddy. I just wish that I have a much better Mom. Like that lady in our school... Who is she Dad? That teacher in Grade 5 section Prosperity?" "Miss Del Pieros?" "Yes! Miss del Pieros! I wish she's my mom instead, ang saya ko siguro if ever. I can see that she is loving and kind plus she's beautiful and friendly. When will we see her again Dad?" Muli kong niyakap ang anak ko. Hindi ko ito masisisi kung hangarin nito na si Jade na lang ang maging ina niya dahil napakabuti ng pinakita ni Jade kay Aprilyn noong una silang nagkakilala. "She has her own family Princess. She can't be your Mom because she already have two beautiful daughters. Beautiful and bright just like you." "Still! If ever you'll get marry again Daddy, if ever that you will divorse ni Mom... Can you marry her instead so that she can be my Mom as well? I want her to replace Mommy if ever it is possible." "Don't say that Sweetheart, especially if your Mom is here. Hahahaha. Do you understand me? The dragon in her will come to life. Hahahaha!" "Yes Dad, I won't voice that out baka masampal na naman ako ni Mom if ever." napatingin ako sa kanya. "She what?!" tumaas ang boses ko sa narinig ko. "Your Mom slapped you?! When?! Why haven't I've been informed about that Aprilyn?!" "It's my fault naman Daddy. Makulit kasi ako to her and asking so many questions. She got irritated that's why she slapped me." 'Kahit pa! I'm gonna talk to her about that incident, Sweetheart. Kahit na it was your fault or not, she doesn't have the right to hurt you even if she is your Mom." niyakap ko siya ng mahigpit. "Lalaki lang ang away niyo Daddy ni Mom. Let it pass, hindi na naman naulit Daddy." she smile at me then kiss me sa cheek ko. "I'll go to my room first, I'll do my homeworks." "Okay you go to your room now and do your homework. I'll be out in awhile." tumayo na ito at ganon rin ako. Nagtext si Jade, nais nitong makipagkita sa akin. After 30mins.... Umiiyak na naman siya sa dibdib ko. Hindi na nito kailangan pang sabihin sa akin ang dahilan kung bakit umiiyak na naman siya. Haplos ng isang kamay ko ang pasa sa kaliwang braso niya tanda na sinaktan na naman siya ng asawa niya. Sa tuwing nagkikita kami, bihira ko siyang makitang masaya kahit pa pinipilit niyang ipakita sa akin na ayos lang siya. Palagi itong malungkot at lumuluha sa akin and I hate it dahil wala akong magawa since it is still her decision afterall. "Tama na Jade, hush now. Sabi ko naman sa iyo diba, i-report mo na sa pulis dahil hindi tama ang ginagawa sa iyo ng Stephen na yan." mahinahon kong sabi subalit nanggigigil ang buong katawan ko sa inis at galit. Sinaktan na naman ng lalaking yun ang babaeng iniingatan ko ng husto. "Iniisip ko kasi... Ang mga bata. Paano sila? Hindi ko naman kakayanin na ako lang ang bubuhay sa kanila." paliwanag niya sa pagitan ng pag-iyak at paghikbi. "I am here Jade. Para saan pa at minahal kita kung hindi kita tutulungan? Para saan pa na nandito ako kung wala akong gagawin? Kasama ang mga anak mo sa mga minahal ko sa'yo. So don't think that I will let you down or won't help you because you know that I will do anything for you. Everything for you Jade because I love you so much." "Thank you Mahal pero hindi pa ako handa para iwan ang asawa ko. Baka kasi hindi yun pumayag na dalin ko ang mga anak ko. Hindi ko kayang mawalay sa mga anak ko, hindi ko kakayanin Mahal." muli itong humagulgol sa dibdib ko. "Okay sige, huwag na muna natin pag-usapan ang bagay na yan. Just don't cry, Mahal. I hate to see you like this. It breaks my heart everytime I see you like this. Parang gusto ko ng puntahan si Stephen at patayin ang gagong yun for doing this to you. Hindi na kasi tama at hindi dapat!" "Huwag Arthur! Pihadong lalo akong gulpi sarado sa kanya kung malalaman niya ang tungkol sa atin! Please Mahal huwag na. Pakiusap." "I won't do that Jade dahil ayaw mo at sinabi mong huwag na. Nabanggit ko lang dahil sa sobrang galit ko sa kanya. But I won't make a move without your consent Mahal. I respect your decision so much kahit na against ako rito. But please, alagaan mo naman ang sarili mo. Umiwas ka sa kanya if possible and don't let him hit you again. Ayokong umiiyak ka. Ayokong nasasaktan ka ng ganito. You don't deserve this! Damn it!" I paused then wipe her tears away. "Gusto mo ba na magsama na tayo, Mahal? Iwan mo na ang asawa mo, ilalayo kita. Hindi mo na kailangan magtrabaho dahil bubuhayin kita. Kayo ng mga anak mo. Just say it. Just say the word at kahit bukas na bukas rin ay gagawin ko yan for you." hinaplos ko ang mahabang buhok niya. "Salamat Mahal. Thank you for loving me this much but like what I've said... Kaya ko pa naman tiisin. Basta nandito ka lang sa tabi ko at maayos ang mga anak ko, lahat kakayanin ko." yumakap siya sa akin at hinalikan ako. We've stayed sa meeting place namin in an hour then I've decided to take her home sa kanila. Bago siya tuluyang makababa ay buong pagmamahal ko siyang niyakap at hinalikan. Umalis na ako ng makababa siya ng sasakyan. Habang nasa daan ay patuloy kong iniisip si Jade. Mahal na mahal ko siya pero hindi ko magawa ang nais kong mangyari para sa kalayaan niya at para protektahan siya dahil ayaw niya ang binabalak ko. Ang plano ko ay ang mag-file siya ng complain against her husband. Hanggang kailan siya magpapaka-martyr para sa family niya? Hanggang kailan siya magtitiis? Kapag huli na ang lahat at may mangyaring masama sa kanya dahil sa pananakit ng asawa niya? I need to do something. Hindi pwedeng tumahimik na lang ako at saktan ng Stephen na yun ang babaeng pinaka-mamahal ko. Kailangan magising na siya sa katotohanan because I can't protect her from hurting. -----,-'-,--'-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD