Chapter 6 -Two Sides Of Him

1820 Words
YESTERDAY ONCE MORE written by: Blackrose Chapter 6 -Two Sides Of Him ------,--'-,--'-{@ "Happy Mother's Day Mama!!!" magiliw na bait ng dalawang anak ko. Kagigising ko lang at pagpunta ko sa kusina upang maghanda sana ng almusal namin ay ang masayang mukha ng dalawang anak ko ang bumungad sa akin. "Salamat Ate Lady! Salamat Steph!" maluha-luha ako nang iabot nila ang isang card sa akin. Habang binabasa ko ang card ay may yumakap sa akin. "Happy Mother's Day Sweetheart!" sabay abot ng isang bouquet of flowers naman ng asawa ko. Hinalikan niya ako sa labi sabay sabi ng 'I love you'. "Ahh.. Thank... You... Stephen. Hindi ka na sana nag-abala pa. Maraming salamat." although nagulat ako sa surprise nito ay hindi ko na lamang pinahalata. Nasa mabait na mode ang asawa ko ngayon, hindi siya beastmode at wala siyang topak ngayon. "Huwag ka ng magluto ng almusal Sweetheart, nag-order na ako ng almusal natin. Maya-maya lang ay nandito na yun. Tapos mamaya, pagkatapos natin mag-almusal ay maligo na kayo at may pupuntahan tayo." sabay hawak nito sa kamay ko. "Talaga Pa? Kasama ba kami ni Ate jan?" "Aba oo naman, syempre kasama kayo! Kaya pagkakain ay maligo na kayo ng Ate Lady mo." Aba himala! Ano kayang nangyari dito at napakabait niya ngayon?! Question ko sa isip ko. "Pupunta tayo sa paboritong lugar ng Mama niyo." "Yehey!!!!!" sabay na sigaw naman ng dalawang bata. Maya-maya lang ay dumating na ang mga inorder nito. Half bilao na spaghetti, fried chicken, barbeque at sapin-sapin. Hindi lubusan ang kasiyahan ko dahil medyo duda parin ako sa kabaitan na pinapakita niya ngayon pero natutuwa ako. Nagulat talaga ako sa effort ni Stephen. Nagulat ako sa kabaitan niya, nagulat ako sa pinapakita niyang ugali today. Lahat ng inorder niya ay mga paborito kong pagkain. Siya pa ang naghain sa mesa at naglagay ng pagkain sa mismong plato ko. Sana ay parating ganito na lang ang asawa ko. Sana ay parating may occassion para mabait at maasikaso ito sa amin. Sana buong araw ay manatili siyang ganito para naman payapa at matiwasay ang maghapon ko. Matapos namin kumain ay nagsabi na ito na maligo na kami at gumayak na raw, siya na raw ang bahalang mag-imis ng pinagkainan which is really very very unusual of him. Very unusual ang kinikilos nito ngayon pero masaya narin ako. Kung tatagal man or not ang kabaitan na pinapamalas niya, ang mahalaga ay tahimik ang araw na ito sa isang kabanata ng buhay ko. Makalipas ang isang oras ay lulan na kami ng taxi. Sa daan na binabagtas ng sasakyan ay parang alam ko na ang destination namin. Dito ako madalas dalhin ni Stephen dati noong wala pa kaming mga anak, kapag namamasyal kami sa tuwing may occassion sa aming dalawa. Pagkahinto ng taxi ay buong galak na bumaba na ang mga bata. Andito na kami sa Manila Ocean Park. Tulad ng unang reaction ko noong una kong punta rito ay ganon rin ang naging reaction ng mga anak ko. Masaya ako dahil labis ang saya nila Lady. Si Stephen naman ay palaging nasa gilid ko lang na kung hindi nakahawak sa kamay ko ay naka-akbay sa akin. Kung titignan kami ay larawan kami ng isang perfect couple na wagas na nagmamahalan at bihira kung magtalo. Ito yung mga panahon na kapag nangyayari ay labis-labis ang pasasalamat ko sa Diyos. Siguro kung ganito lang talaga si Stephen, yung hindi nananakit at hindi nang-aabuso, malamang walang kami ni Arthur. Siguro ay napakasaya ko bilang may bahay nito at malamang ay wala na akong hihilingin pang iba. Ang kaso ay hindi siya parating ganito. Daig pa nito ang babaeng may buwanan na dalaw sa pagiging moody nito. Napaka-unpredictable niya. Matapos namin sa Manila Ocean Park ay tumuloy naman kami sa Mall. Kumain muna kami sa isang kilalang fastfood. Mula ng magkaanak kami ni Stephen, ngayon lang kami kumain ng buo ulit sa labas, as in one happy family talaga. Habang maganang kumakain sila Steph ay pinagmamasdan ko sila pati na si Stephen. Diyos ko, sana po ay tuluyan niyo ng baguhin ang asawa ko. Gusto ko na pong maging buo ang pamilya ko. Mahal ko man po si Arthur pero willing akong kalimutan siya kung magiging okay po ulit ang pagsasama namin ng asawa ko. Dasal na sambit ng isip ko. Perfect father talaga si Stephen. Todo ang asikaso nito sa mga bata lalo na kay Steph. Nang matapos kaming kumain ay sa department store naman kami tumuloy. Binilhan niya ng tig-isang dress ang mga bata at bagong sandals ang mga ito. Tapos ay sa jewelry section naman kami dumeretso. Laking gulat ko ng kinuha niya ako ng isang gold necklace na may rose pendant. Halos maiyak ako ng isuot nito sa leeg ko ang necklace. Nang mabayaran niya ito ay saglit niya kaming iniwan at magsi-CR lang daw ito subalit ng makabalik ay may bitbit na itong isang hindi kalakihan na paperbag. Bago kami tuluyang umalis ay kumain ulit kami ng meryenda dahil gusto raw ng mga bata ng pizza. Nag-take out pa kami para if ever daw na gutumin kami mamaya sa bahay ay hindi na kailangan pang magluto. Walang mapaglagyan ang kaligayahan ko ng mga sandaling iyon. Daig ko pa ang nanalo sa sweepstakes sa sobrang saya ko. Ni hindi nga nagtagal sa isip ko si Arthur dahil para sa akin ay napaka-perfect ng araw na ito para sa pamilya ko at para narin sa akin. Pagdating sa bahay ay nagpalit na kami ng damit ng mga bata samantalang si Stephen ay nagpaalam naman na sasaglit daw muna sa kumpare namin na nakatira lang sa kabilang kalsada. Nang tumungtong ang alas-syete ay nagpasya na kaming kumain nila Lady at Steph nang wala parin si Stephen. Yung pizza na bitbit namin at ang mga natirang pagkain ng almusal ang siyang hinapunan namin. Nakatulog na ang mga bata sa sobrang pagod ay hindi parin dumarating si Stephen. Nagpasya na akong mag-shower at magpalit ng pantulog tutal ay may sarili naman itong susi sa pinto namin. Nang pahiga na sana ako ay bigla na lang nagbukas ang pinto ng kwarto namin at niluwa nun ang pigura ng asawa ko. Sa tindig pa lamang nito ay halata na rito na nakainom siya. Nakainom na naman ito dahil kahit malayo pa sa kinaroroonan ko ay amoy na amoy ko ang amoy chico mula sa kinatatayuan niya. Napalunok ako ng ilan beses. Nilukob na naman ako ng matinding kaba sa posibleng mangyari na naman sa akin ngayon gabi dahil nga sa lasing na naman ito. Naalala ko na naman ang mga panahon na tuwing nakakainom ito at lasing. Naalala ko kung paano niya ako saktan at babuyin kapag lasing siya at lango sa alak. Diyos ko po, huwag naman po Diyos ko. Huwag naman po sana na saktan niya ako. Tanging usad ko ng isip ko. Dahan-dahan itong naglakad papunta sa kama na pasuray-suray at ngingisi-ngisi. Huminto ito sa tapat kung saan ay nakaupo ako. Bitbit pa nito ang paperbag na dala nito sa Mall kanina. Yung binili niya. "Isuot mo ito!" yun lang ang sinabi niya pagkahagis ng paperbag sa kama at umupo sa couch na malapit sa tulugan namin. "Gusto ko ay isuot mo yan ngayon gabi! Gusto kong makita na suot mo yan ngayon!!" "Pero..." "Pero ano?!! Huh?!!! Pero ano?!" patayo na ito kaya dali-dali akong tumayo. Nanginginig ang kalamnan ko sa takot at matinding kaba dahil iba na naman ang paraan ng pagsasalita niya. At dahil sa takot ko ay agad kong kinuha ang paperbag at lakad-takbong lumabas ng pinto. Hindi niya pinasara ang pinto at pinagmamadali pa ako. Agad akong nagbihis sa loob ng CR namin. Nanlaki ang mga mata ko ng tuluyan kong maisuot ang kapirasong saplot na tanging laman ng paperbag. Isa itong nighties na itim. Walang tela ang nighties na ito. Puro ito laces na black mula sa dibdib hanggang sa laylayan nito na lagpas lang ng konti sa pwetan ko. Kinilabutan ako sa suot ko, para akong hostess sa suot-suot ko. 'ANO NA?!! HINDI KA PA BA TAPOS DIYAN?! KAKAPIRASO ANG ISUSUOT MO ANG TAGAL MO PA!!! DALIAN MO!!" Mas kinilabutan ako sa sigaw na nanggaling sa kwarto namin. Dali-dali akong lumabas ng CR at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto namin. Sinarado ko ang pinto dahil ayokong makita kung sakali ng mga anak namin ang maaaring gawin sa akin ng tatay nila. Mabuti na lamang ay mga tulog mantika ang mga bata kaya wala silang naririnig sa ano man komosyon sa kwarto namin. "Lumapit ka sa akin!" mando nito na siyang ginawa ko kaagad. Takot na takot talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya pero base sa mga mata nito ay may kahayupan na naman itong gagawin sa akin. Sinabihan niya akong magsayaw sa harap niya ng isang malanding sayaw na syempre ay sinunod ko naman dahil ayokong masaktan nito. Napausog ako pabalik ng tumayo ito at lapitan ako. "Bagay sayo yan... para kang babaeng bayarin sa isang class na club!" hinapit niya ang bewang ko gamit ang isang kamay niya habang tumatawa samantalang ang isa ay marahas niyang hinawakan ang pisngi ko. "Ste...phen, nasa...saktan a...ko... aaa..ray.." "Binayaran na kita ngayong araw kaya gagawin ko ang gusto ko sa'yo! Paligayahin mo ako! Gusto ko sambahin mo ang katawan ko!" pagkakasabi nun ay parang manyakis nitong hinaklit ang nighties na suot ko at nang masira nito ang nighties ay tinulak niya ako sa kama. Tumulo na ng kusa ang mga luha ko. Eto na naman ang kinakatakutan ko. Eto na naman ang mga gabi na pinagdarasal kong huwag maulit. Demonyo na naman ang asawa ko. Sinakmal ako ng takot dahil sa mga mata niya ay parang hindi ito ang asawa ko. Para itong rapist na hayok na hayok sa pita ng laman. Namumula ang mga mata niya na sa tingin ko ay hindi lang dahil sa alak na ininom niya. "Ste...phen..." sambit ko habang umiiyak. "Gusto ko yan! Sige umiyak ka pa para mas masiyahan ako sa gagawin ko sa'yo! Ang sarap mong tignan habang umiiyak ka!! You look so helpless and so vulnerable! Umayos ka dahil bayad ka na!! Kung ayaw mong ulanin ko ng suntok ang walang kwentang katawan mo!" at nakangising lumapit na ito sa akin na parang isang hayop na gutom. "STEPHEN!" yun lang ang nasabi ko nang maramdaman ko na ang marahas niyang paghawak sa magkabilang hita ko at sapilitan na ibinuka ito ng padarang. Nasaktan ako sa ginawa niya kaya napaiyak ako ng malakas. 'HAHAHAHAHA!!! GANYAN NGA!! GANYAN ANG GUSTO KO!!! IYAK PA!' tuluyan na niyang winasak sa tanging saplot ng nakatakip sa katawan ko. 'STEPHEN...' Tanging ingay at ungol niya pati narin ang malakas na hagulgol ko ang naghari sa loob ng kwarto namin. Piping saksi ang kwarto namin sa kahayupan niya sa akin, sa marahas na paniniig niya sa akin. Eto ang two sides of him na hindi ko mawari kung bakit. ------'-,-'--,-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD