Chapter 7 -Everything For Her

1761 Words
YESTERDAY ONCE MORE written by: Blackrose Chapter 7 -Everything For Her ------'-,-'--,-{@ Nakarating sa akin ang nangyaring kahayupan ulit kay Jade ng asawa nito. Batid ko na alam niya na galit na galit ako dahil kitang-kita niya ang panginginig ng panga ko nung kinukwento niya sa akin ang kaganapan nung nagdaang gabi. Kailangan ko na talagang gumawa ng paraan para mailigtas ang babaeng mahal ko. Hindi na ako pwedeng manahimik pa at hayaan ang gagong yun na maltratuhin ang babaeng pinakamamahal ko. Nabanggit rin nito na after ng gabing babuyin siya ng Stephen na yun ay nasaktan rin siya physically nung sumunod na araw dahil raw sa hindi nakahain agad ang hapunan nang kakain na ito at ang masakit pa roon ay may kasamang mura pa. Napaka-walang kwenta talaga ng Stephen na yun. Wala siyang kwentang tao at wala siyang kwentang asawa para kay Jade. Hindi niya alam kung ano ang sinasayang niya, hindi niya alam kung gaano ka-precious ang babaeng sinasaktan niya. Hindi na pwedeng wala akong gawin, hindi na talaga pwedeng balewalain ko pa ang lahat at higit sa lahat ay hindi pwedeng tanggapin ko ng lang na binababoy ang babaeng sinasamba at minamahal ko ng isang lalaking tanga at gago. I don't care if magalit pa sa akin si Jade, I don't care kung mag-away kami if that I will interfere sa private lives nila. I just want to save her from the pain, from his husband's brutal treatment to her and from humiliation. I have to do something about this. Kung si Jade ay natitiis ang mga nangyayari sa kanya, pwes ako ay hindu. Napupuno rin ako at ngayon nga ay punong-puno na ako sa kahayupan ng Stephen na yun. Ang agenda ko today ay mag-seek ng legal help regarding sa situation ni Jade. I know na dapat ay kasama ko siya para sa kanya mismo manggaling ang lahat ng story but saka na yun, saka ko na siya isasama kapag buo na ang loob niyang makinig at sundin ang tama at ang nararapat. Kapag nalaman ko na ang dapat kong gawin ay kakausapin ko ulit siya regarding sa matagal ko ng sina-suggest sa kanya. Na hiwalayan at iwan ang asawa niya saka ang mag-file ng complain against dito. Pinuntahan ko ang bestfriend ko na abogado at sa kanya ako nag-seek ng help. According to him, after ko maikwento ang lahat ng nalalaman ko ayon sa kung paano sinabi sa akin ni Jade ang lahat, malakas daw ang laban ni Jade if ever she will decide na mag-file ng kaso laban sa asawa nito. Dahil una ay hindi naman sila kasal so legally ay walang karapatan ang asawa umano nito kay Jade. Second is that, even if they are married, that doesn't give the husband the right to maltreated his wife... physically, morally, mentally, emotionally and sexually. Kahit pa provider ang husband ay hindi ito batayan para gawin ang mga bagay na nais nito lalo pa kung masama ang dinudulot sa asawa or sa pamilya. Pina-black and white copy ko ang statement ng bestfriend kong abogado para maipakita ko ito kay Jade mamaya kapag nagkita kami. I need to urge and encourage her na mag-file ng case laban sa asawa niya para matapos na ang kalbaryo niya at para hindi na ito masaktan pa at maabuso ulit. Later after ng class niya kami magkikita sa usual na tagpuan namin. Tinignan ko ang watch ko and I'm 5 hours earlier pa sa time of meeting namin. Nagpasya muna akong pumunta ng Mall upang magpalipas ng oras. Walang masyadong tao ngayon sa Mall kasi patay na oras. I've decided na mag-stay sa isang coffeeshop para mag-coffee habang pinagmamasdan ang mga mangilan-ngilan na dumadaan sa aking paligid. Something caught my eye at napakunot pa ang mga kilay ko ng ma-confirm ko kung sino ito. I can't be wrong sa image na nakikita ko ngayon kaya I video it para may proof akong pang-hahawakan. He is sitting just like me dito rin sa coffeeshop but we are few tables away from each other while reading a newspaper. Hindi ko pa ito nakikita ng personal but from the pictures na nakita ko na before I am pretty sure na si Stephen Tuazon ang nasa harapan ko at this very moment. Ang hayop na asawa ni Jade. He doesn't know me kaya hindi ko kailangan na magtago sa kanya or magkubli. Ang pinagtataka ko lang ay dapat nasa klase ito ngayon dahil isa rin itong teacher sa University where Jade teaches. At hindi pa oras ng uwian para makita ang isang teacher sa loob ng isang Mall. Mas lumawak ang curiosity ko as to why this man is here where in fact ay dapat nasa school ito ngayon. Mas lumapad ang ngiti sa labi ko at the same time nag-ngitngit ang kalooban ko sa sumunod na eksena. May lumapit na babae sa kanya. From the looks of it ay talagang hinihintay ni Stephen ang babae dahil hindi ito nagulat or nagtaka man lang ng biglang umupo ang babae sa katabing upuan nito. If I'll calculate their movements and how they communicate, ang ending ng conclusion ko ay may ugnayan ang dalawa. Kitang-kita ko ang paghaplos ng kamay ng babae sa braso ni Stephen habang ang boobs nito ay nakadikit sa balikat ng lalaki. Nakita ko rin ang malagkit na tingin ng huli sa babae na halatang may pagnanasa rito dahil ganon rin ako tumingin kay Jade sa tuwing magkikita kami kaya alam na alam ko. Huling-huli ko rin nang patayo na sila ay ang biglaang pagdakma ni Stephen sa butt cheek ng babae na naka-mini skirt lamang sabay pisil rito na ikinatawa naman ng babae. Siguro mga nasa 24 to 25 lang ang age ng babaeng kasama nito kasi bakas pa rito ang batang-bata mukha at kutis. Nang makalayo sila ng kaunti ay pumulupot ang isang kamay ng babae sa bewang ni Stephen at umakbay naman ang huli sa balikat nito. Malamang ay tutungo ang mga ito sa isang pribadong lugar. I immediately check my watch again, almost 3 hours pa bago kami magkita ni Jade. Sasagarin ko na ang pagiging detective ko today, sinundan ko ang mga ito ng palihim. Making sure that they won't notice me following them. At tama nga ako, sa gilid ng Mall mga ilan establishments lang ang pagitan ay may isang Motorist Inn. Doon tumuloy ang dalawa. Patuloy parin ang pag-vivideo ko sa mga ito kahit pa naglalakad ako. Nang pumasok sila ng Inn ay pumasok rin ako. Kunwari ay mag-iinquire lang ako habang palihim ko silang kinukuhanan ng video. Kitang-kita ng mga mata ko ang paggalaw ng kamay ni Stephen sa katawan ng babaeng kasama nito. Narinig ko na mag-che-check in sila ng 3 hours. Sabi pa nga ng babae ay bitin raw yun ngunit sumegunda naman si Stephen na sa Linggo raw ay whole day raw sila rito kaya solve-solve daw sila at matagal ang oras nila. Sabay pang nagtawanan ang dalawa at mabilis ng umakyat ng hagdan habang magka-holding hands pa. That's the time that I stop my video footage. Everything was caught on camera. Now I have a much deeper proof for Jade to truly make up her mind of leaving Stephen. Ipapakita ko ito kay Jade para mas madali ko siyang makumbinse na tuluyan ng kasuhan ang asawa niya at maging malaya na siya sa piling at pananakit nito. After kong magkunyaring magtanong sa receptionist ay lumabas narin ako ng Motorist Inn. Hindi ko na inabala pang sundan ang dalawa hanggang sa itaas dahil alam ko na naman ang mangyayari sa kanila doon. Bumalik ako ng Mall, nasa plano ko talagang bumili ng bulaklak para kay Jade kaya sa flower shop ako dumeretso. Pinili ko ang paborito nito na long-stemmed red rose, two dozens ang binili ko at pina-arrange ko narin. Lumabas muna ako ng flower shop tutal ay inaayos pa naman. Tumuloy ako sa sweets section, paborito rin ni Jade ang mga chocolates kaya I bought her few rin para naman matuwa ito sa akin. May roses na at chocolates para sa mahal ko pero parang may kulang pa. Mabilis kong tinungo ang Shining For Ladies Jewelry Shop. Pinili ko ang isa sa mga mamahaling necklace na meron ang shop na ito. Simple lang ang design na napili ko, which is I believe ay bagay na bagay kay Jade. After kong bayaran ay binalikan ko na ang flower shop at umalis na ng Mall patungo sa tagpuan namin ni Jade. Excited na akong makita siya dahil bukod sa miss na miss ko na siya at alam kong matutuwa iyon sa mga gifts ko to her ay pihadong matutuloy na ang pagsampa nito ng kaso sa asawa nito na matagal ko ng sinasabi at dinudulog sa kanya. Ngayon pang bukod sa legal statement ng abogado ko ay may mas matibay pang basehan si Jade upang iwan ang walanghiyang asawa nito, ang video footage ko ng pagtataksil ng asawa niya sa mas batang babae. Ahead akong nakarating sa restaurant na tagpuan namin ni Jade. As always ay umorder na ako ng favorite dishes nito and to make it more special ay inarkila ko yung isang guitarist nila to serenade us later sa whole time namin dito sa resto. Wala naman occasion kaming sine-celebrate ngayon, I just want my love to smile and be at peace even for a short period of time lang. Then after dito ay uuwi muna kami sa lovenest namin para maka-relax naman kami ng mahal ko. She deserves to be happy and to be pampered. Kung ako lang siguro ang naging asawa niya, never itong luluha at maghihirap sa piling ko. Never ko siya pahihirapan at magbubuhay reyna siya kasama ko. I will do anything for her, everything for her. If I can just give her the whole world and lay it at her feet ay buong puso kong gagawin para lang mapasaya ko siya. Mahal na mahal ko si Jade at ayokong nahihirapan siya as much as possible. I just hope that she will be awaken sa mga ipapakita ko sa kanya dahil gusto ko ng maging malaya siya mula sa asawa niya. Not because of any reasons, but because she doesn't deserve ang ganoong klaseng treatment. Walang babae or kahit sinong nilalang, mapa-tao man or mapa-hayop, ang dapat sinasaktan in any way possible. Dahil malaki ang epekto nito hindi lang sa personalities nila but also sa future nila. So I really do hope and pray na sana, sana this time ay matauhan na si Jade dahil para rin ito sa kanya at sa mga anak niya. -----,-'--,-'-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD