Chapter 2 -Lavander Jade Del Pieros

2252 Words
YESYERDAY ONCE MORE written by: Blackrose Chapter 2 -Lavander Jade Del Pieros ----'-,--'-,-{@ Pagpasok ko sa bahay ay nabungaran ko ang dalawang anak ko na nanonood ng tv. Si Lady Chris ang panganay ko at si Stephanie Gayle ang bunso. Parehas silang tutok na tutok sa pinapanood nila kaya hindi nila namalayan ang pagdating ko. Dumeretso na ako sa kwarto namin ni Stephen, naligo ako at muling lumabas. Pagpunta ko sa kusina ay inabutan ko pa ang mga hugasin sa lababo. Kaagad kong nilinisan ang paligid dahil ayaw na ayaw ni Stephen na madumi ang paligid kapag dumadating siya. Pihadong iinit at magagalit na naman yun kapag naabutan na may kalat. Maya-maya lang kasi ay andito na siya at ayokong magalit na naman siya kung marumi ang dadatnan niya. May get together itong pinuntahan kasama ang mga co-faculty teachers niya sa Department Of Business Administration. Nagbilin ito kanina na huwag na itong tirahan ng pagkain at pihadong kainan raw ang pupuntahan nila. Pagkatapos kong maglinis sa kusina ay dumeretso ako sa sala kung saan naroon ang mga anak ko. "Hep! Kamusta ang schools niyo today?" tanong ko sabay upo sa single seater na sofa na kabila lang kung saan sila nakaupo. "Ako Mama, okay lang. Wala akong assignments today." unang sagot ni Steph. "Tapos na ako sa assignment ko Ma." dugtong naman ni Lady. "Buti naman. Nagtext na ba ang Papa niyo? Pauwi na raw ba siya?" "Nag-text Ma pero mamaya pa raw siya uuwi, may konting session daw." sagot ni Lady. Sa narinig ko ay napabubtong hininga ako, nanghinayang ako. Sayang at nagmadali pa kami ni Arthur kanina. Kung alam ko lang sana na gagabihin ng uwi si Stephen, siguro ay mamaya pa kami naghiwalay ni Arthur. Nawalan na ako ng gana kaya pumasok na ako sa kwarto namin. Humiga sa kama saka pumikit. Nanumbalik sa alaala ko ang pinagsamahan namin ni Arthur kanina. Napangiti ako dahil nakasama ko ulit ang mahal ko. Naalala ko kung paano nito sambahin ang pagkatao ko, kung paano nito sambitin ang pangalan ko ng buong pagmamahal at kung paano nito ipatikim sa akin ang langit na hindi ko nararanasan matagal na sa piling ng asawa ko. Alam kong mali ang kung anong meron kami ni Arthur, alam ko naman yun na subalit masaya ako sa kung anong mayroon kami ngayon. Masaya ako patakas man or panakaw... pero lumiligaya kami sa bawat sandali na magkasama kami kahit na panandalian lamang. Alam kong masama ang tingin ng lipunan sa mga lalaking nangangaliwa at sa mga babaeng kumakabit sa lalaking may asawa pero... Alam ba ng lipunan kung bakit mas pinipili ng iba ang magkaroon ng bawal na relasyon? Alam ba ng lipunan kung ano ang pinagdaraanan ng mga taong mas pinipili ang relasyon na mali? Alam ba nila ang puno't-dulo ng pagtataksil nila sa mga kaparehas nila? Hindi. Hindi nila alam at wala silang alam. All they did is to accuse couples na masama ang pagtataksil where in fact, ang mga kaparehas naman talaga nila ang may nagkukulang kung kaya mas pinili nila na maghanap ng iba. Pero kahit paano pa ito i-justify ng mga nangangaliwa at ng mga nagtataksil, the reality still stands na mali ang ginagawa namin which I don't deny. Ako nga pala si Lavander Jade Del Pieros, 32 years old at may dalawang anak. Maaga akong namulat sa responsilibidad dahil maaga kaming nagsama ni Stephen. Siya ang unang nobyo ko at pinanindigan niya ako dahil nabuntis niya ako. Ngunit sa totoo lang ay hindi kami mag-asawa sa legal na aspeto nito. Hindi kasi naniniwala si Stephen sa kasal dahil ang mga magulang nito ay kasal sa simbahan ngunit matagal ng hiwalay. Maging ang mga kapatid pa nito ay pawang katulad ng kapalaran ng mga magulang nila. Kaya Del Pieros parin ang gamit ko samantalang ang dalawang anak namin ay sa apelyido na niya which is Tuazon. Dapat ay Lavander Jade Del Pieros Tuazon ako pero okay narin yun dahil sa ayaw niyang maikasal ay nanatili akong Del Pieros na mas gusto ko narin dahil nga sa mga nangyayari sa amin ngayon ni Stephen. Parang may pinaghuhugutan ba? Sa totoo lang, marami. Marami akong pinaghuhugutan. Lumaki ako sa isang buong pamilya. Sa pamilyang hindi nagsasakitan at hindi nagmumurahan. Pinuno kami ng mga magulang namin sa pagmamahal, respeto at kabutihang asal. Ako at si Ate Magenta Jade ay lumaking sagana sa mga bagay na hindi nabibili ng pera, lumaki kami ng mangaral at buo. Since nagtrabaho ako ay nalayo na ako sa pamilya ko na nasa probinsya at doon ay nakilala ko nga si Stephen Tuazon. Una ay nagpakitang gilas ito sa akin at sa pamilya ko. Ubod ito ng bait na madalas sabihin ng aking ama na hindi raw makabasag ng pinggan ang isang kagaya niya. Magalang rin siya at masipag, bagay na hinangaan sa kanya ng aking mga magulang. Nagsimula ang lahat kalbaryo ko nang magkaroon kami ng anak. Doon ko naranasan na sa likod ng kabaitan na pinapakita niya at ng mala-santo niyang mukha ay may nagtatagong sungay at buntot pala. Sa mga unang buwan ng pagbubuntis ko kay Lady ay nagsimula na niya akong sigawan hanggang sa nakukuha na nitong murahin ako lalo na tuwing lasing ito at lango. Ang masaklap pa doon ay nagsimula itong mag-iba ng pakikitungo sa akin pagdating sa pagsisiping niya na talagang halos magka-phobia ako sa tuwing yayayain ako nitong makipagsiping sa kanya. Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon ay nasa mood ako na pagbigyan siya at everytime na umaayaw ako ay marahas niya akong sisipingan na para bang ibang babae ako sa rahas niya. Nang maging dalawa na ang anak namin ay doon na nagsimula ang pananakit niya sa akin ng physical. Minsan ay pumapasok ako sa school na may pasa sa braso or sa hita saka may galos sa labi dahil sa suntok at sampal na inabot ko. Konting hindi niya magustuhan, suntok or sampal na may kasamang mura ang inaabot ko. Sinabihan ako ng nanay at ate ko na hiwalayan ko na raw si Stephen tutal ay hindi naman raw kami kasal kaysa ginagawa akong punching bag na kahit kailan ay hindi nila nagawa sa aming magkapatid. Subalit ayokong lumaki ang mga anak kong walang ama at ayokong masira ang pamilya ko. Gusto ko ng buong pamilya na kalalakihan ng mga bata. Kaya kahit madalas ay ganoon ang nangyayari sa akin, tinitiis ko na lang ang lahat as long as hindi ang mga bata ang nakakantiin ng asawa ko. Hindi na bale na ako na lang ang saktan niya physically, emotionally at psychologically basta huwag lang ang mga anak namin. Ganito siguro talaga ang buhay may asawa, sangkaterbang tiis ang kailangan at maraming tyaga. Pero minsan naman ay nanunumbalik ang kabaitan at pagiging mapagmahal ni Stephen. Ewan ko ba bakit siya ganoon. Hindi ko alam kung dahil ba sa magulang niya or sa mga kapatid niya or dahil sa stress. Kaya one time na may nakilala ako sa canteen kung saan ako nagtuturo at napatawa niya ako sa sandali namin  pagkakakilala, unti-unti ay nahulog ang loob ko rito. Kabaliktaran ito ng asawa ko although malaki ang agwat ng edad namin. Lahat halos narito na bilang isang ideal na lalaki.... Maganda ang tindig, gwapo, mabait, magalang, palatawa, may sense kausap, malambing at sinsero. Yun nga lang ay may asawa na ito at may anak narin. Ang anak nito ay nag-aaral sa school kung saan ako nagtuturo, yun nga lang ay Grade 6 na ito samantalang ako ay Grade 5 naman ang tinuturuan ko. Nakilala ko na ang anak nito, katulad ni Arthur ay ubod rin ng bait ang bata saka magalang at pala-ngiti. Ang asawa naman nito ay nakita ko lang sa picture. Maganda at mukhang kagalang-galang ang kanyang asawa. Mukhang bata para ito kahit sa edad na 40 years old. Kung masalimuot ang buhay may asawa ko, kay Arthur naman daw ay boring ang married life niya according to him. Minsan nga napag-kwentuhan namin na what if kaming dalawa ang talagang nagkatuluyan noon. Pihado raw na magiging successful ang married life namin. Alam ni Arthur ang buong kwento ng buhay ko lalo na pagdating sa asawa ko at sa sitwasyon namin. Minsan nga pinayuhan ako nito na magreklamo raw ako sa pulis kasi battered wife daw ako and against the law. Kaso ayoko ng eskandalo. Ayoko ng gulo. As much as possible ay gusto ko tahimik lang ang paligid ko, payapa ba at iwas atensyon sa mga mata ng iba. Subalit talaga sigurong kasama na sa buhay ko ang sitwasyon na meron ako ngayon. Siguro nga ay kapalaran ko na ang maging battered wife. Siguro nga ay ito ang nakatadhana sa akin. Hindi naman ako nagkulang sa mga pinapakita at pinadarama kong pagmamahal para sa asawa ko kaya nagtataka talaga ako kung bakit ganito na lang trato nito sa akin. Minsan napapaisip ako kung bakit hinayaan ng Diyos na ganituhin ako ng asawa ko. Mabuti na lang nariyan ang dalawang anak ko. Sila na lang ang dahilan kung bakit until now ay nagtitiis akong makasama si Stephen and why until now ay sa iisang bubong parin kami nakatira. Sa kanila na lamang ako humuhugot ng lakas ng loob na ipagpatuloy ko ang buhay. Nahinto ang pag-iisip ko ng maramdaman ko na may kamay na gumagapang sa dibdib ko. Agad akong nagmulat ng mga mata at nakita ko ang lasing na mukha ng asawa ko. Langong-lango na naman ito sa alak at ngumi-ngisi pa. Alam ko na ang gusto nitong mangyari kaya hinanda ko na ang sarili ko. Ganito naman palagi siya kapag nalalasing, lumalabas ang kasamaaan niya kapag may alak na ang sistema niya. Marahas nitong hinubad ang damit ko pagkatapos ay kaagad na pumatong sa akin ng basta-basta. Napakarahas ng ginagawa nito sa akin na halos lumubog ako sa kama sa tindi ng pwersang ipinapamalas niya. "Ayaw mo ba sa akin putangina ka?! SAGOT!!! Naliliitan ka ba sa kargado ko?!" sabay sabunot niya sa buhok ko na nagpangiwi sa akin. Hindi pa siya natuwa sa ginawa niya kaya mabilis niya akong sinampal sa pisngi at dinuduro. "Ano?! Naliliitan ka ba kaya para kang tuod ha?!" "Gus...to Ste..phen." kahit magsinungaling ako ay gagawin ko huwag lang niya akong saktan muli. "Dapat lang! Dahil kung hindi.... mati..tikman mo ang sakit na hindi mo pa nara...ranasan!" sabay marahas ulit na pagbaon niya sa akin at paulit-ulit na pagmumura. Naluha ako sa ginagawa niya. Ang baba ng tingin ko sa sarili ko sa tuwing ginaganito niya ako. Para akong isanh bayarang babae kung tratuhin niya, masahol pa nga siguro sa isang puta kung galawin niya ako. Wala man lang romansa bagkus ay karahasan at kalapastanganan ang ginagawa niya. Tiniis ko na lang ang bawat halik at ang mga marahas niyang pagbaon. Inaalala ko na lang si Arthur sa isip ko. Ang mga pinagsaluhan namin kanina. Ang pagmamahal nito sa akin. Kung ang asawa ko ay ganito makipagsiping sa akin, si Arthur naman ay halos sambahin ako at ilagay sa mataas na pedestal. Maya-maya pa ay bumagsak na ito sa tagiliran ko hudyat na tapos na ito sa makamundong kahayupan niya. Napaka-hudas talaga niya! Napaka-hayop! Tinignan ko muna kung nakatulog na siya at nang masiguro ko ay dali-dali akong lumabas ng kwarto matapos ayusin ang sarili ko. Tumuloy ako sa banyo saka ilan beses na nagbuhos ng tubig. Kinuskos kong maigi ang katawan ko. Kasabay ng pag-agos ng tubig ay ang piping pag-iyak ko kasama ang panalangin na sana maalis ng tubig ang sakit na nararamdaman ko. Hanggang kailan kaya ako bababuyin ng asawa ko? Hanggang kailan kaya niya ako tatratuhin ng ganito? Hanggang kailan kaya niya ako pahihirapan at aabusuhin? Diyos ko... Bigyan niyo po ako ng ibayong lakas pa at katatagan. Bigyan niyo po ako ng marami pang pasensya na sana ay makayanan ko pa po ang lahat-lahat para sa mga anak ko. Matapos kong kuskusing maigi ang katawan ko dahil narin sa pandidiri ko sa muling kahayupan ng asawa ko ay lumabas na ako ng banyo saka muling bumalik sa kwarto. Pero labis ang pagkagulat ko ng basta na lang dumikit ang likod ko sa dingding ng kwarto. Masidhing takot ang naramdaman ko sa nanlilisik na mga mata ni Stephen na nakatingin sa akin habang nakasakal ang isang kamay sa leeg ko. 'SAAN KA GALING?!! SAGOT!!! MAY PUPUNTAHAN KA ANO?!! MAY KIKITAIN KANG LALAKI ANO?!!' inalog niya ang katawan ko kaya mas napaiyak ako. Alam kong maaaring makatikim ako ulit ng pananakit sa kanya kaya takot na takot talaga ako. 'H-Hindi... S-Stephen... Na-Naligo lang ako at...' malakas niya akong sinampal na nagpakapal ng pisngi ko. 'BAKIT KA NALIGO?!! NANDIDIRI KA SA'KIN?!! GANON BA?!!' hindi ako sumagot dahil ramdam na ramdam ko ang sakit ng pagkakasampal niya. 'SUMAGOT KA!!' muli niya akong sinampal saka ako kinaladkad papunta sa kama. Tinulak niya ako saka marahas na hinaklit ang twalyang nakatapis sa katawan ko na siyang tanging takip nito. 'Stephen... Huwag... Maawa ka sa'kin!! Please!!' 'MAAWA?!! MASASARAPAN KA RIN NAMAN EH!! DAPAT NGA MAGPASALAMAT KA PA AT PINAGTYATYAGAAN PA KITA KAHIT NA TUOD KA SA KAMA!!' Wala na akong nagawa nang ikulong niya ang dalawang kamay ko sa itaas ng aking ulo gamit ang isang kamay niya. Masakit at marahas niya akong ginamit ulit. Humahalakhak pa siya habang patuloy niya akong ginagalaw. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak ng umiyak at piping nagdasal na sana ay matapos na siya sa kamunduhan niya ng sa ganon ay tigilan na niya ako. Arthur... Mahal ko. Ang tanging naisip ko habang nagpapakasasa ang asawa ko sa katawan ko. -----'-,--'-,-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD