Chapter 3 -Tunay Na Akin

1802 Words
YESTERDAY ONCE MORE written by: Blackrose Chapter 3 -Tunay Na Akin ------,--'-,-'-{@ "Papa, ayokong magpakasal sa kanya! Ni hindi ko nga siya minamahal para magsama kami!" "Tignan mo yang asal mo Arthur Gray! Tama ba yan na sumasagot ka sa akin na ama mo?! Tell me!! Is this how we've raised you?! To become this disrespectful to me?!" "Pero Papa..." "Tama na anak. Wala naman patutunguhan ang pag-ayaw mo. Whether you agree with us or not, you'll still be married to Analyn Sta. Maria. Because we say so and because that is the right thing to do for our business." malumanay ngunit may diin na wika ng aking ina. "The more you don't agree with us, the sooner your marriage with her will be! Why can't you see this agreement in a positive outlook, Arthur Gray?! We are doing this for your own sake! Because soon, you will handle our business and you need a woman who also knew how to handle and manage a business! And Analyn Sta. Maria is the perfect woman for you!! She will be your partner in handling our business and their business as well!! Ngayon, will you agree or not?!" final na sabi ng ama ko. "Do I have a choice? Tss!! As if I do have a damn choice!! Wala naman diba Papa?!" then padabog na labas ko sa living room. "At talagang....!!!" "Hayaan mo na muna, Dear. Ganyan rin naman tayo dati noong panahon natin na pinagkasundo tayo nila Papa at Mama. Lilipas rin yan, let's just give him time to think things over and to realize our point." "Sabihan mo rin yang anak mo! Alam naman natin na kilalang angkan ang mga Sta.Maria sa larangan ng negosyo. Mas lalong titibay ang negosyo natin kung makakatuluyan ni Arthur Gray ang isa sa mga anak ng mga ito. Kausapin mo ulit ang anak mo Remedios." "Ako na ang bahala sa anak natin. Ang asikasuhin mo ay ang pag-aayos ng kasal nila. Gusto ko engrande ito at may media para mas lalo tayong pag-usapan ng lahat. Gusto ko ay maging sikat at pag-uusapan ang kasal ng anak natin. This is also for advertisement purposes.' Yun lang at sinundan na ako ng aking ina sa aking silid. Rinig na rinig ko ang pag-uusap nila. They don't care about what I feel, all they care about is our business. Tumuloy ako sa room ko at padabog na sinara ang pinto pero maya-maya lang as expected ko ay may mahihinang katok sa pintuan ng room ko. Nagpabangon ito sa akin mula sa aking pagkakahiga. Tumuloy si Mama at umupo sa upuan malapit sa bintana. "Anak..." "Mama. Alam ko na ang pakay mo kung bakit mo ako sinundan. Kukumbinsihin mo ako tungkol sa lecheng kasal na yan! Ayoko nga Ma! Please understand my part! I care for our business, I really do but is that damn wedding the only resolution para mas tumatag pa ang business natin?!" "Anak, makinig ka. Matanda na ako... kami ng Papa mo. Ang totoo niyan ay nalulugi na ang kompanya natin. Ayaw namin na dumating ang panahon na maghirap ka. Ikaw ang iniintindi namin, yun ang totoo. Kung sa akin lang ay kahit iba na lang ang pakasalan mo, kung sino ang tinitibok ng puso mo... Ang kaso ay kailangan natin ang karangyaan at ang pangalan ng mga Sta. Maria upang makaahon ang negosyo natin na balang-araw ay ikaw rin ang hahawak. Now please Son, if I need to beg to you just for you to agree sa mga plans namin ng father mo, gagawin ko." akmang luluhod na ito ngunit pinigilan ko. "Mama, you don't have to do that.' tinayo ko siya at hinarap. 'Bakit hindi niyo sinasabi sa'kin na ganyan na pala ang lagay ng business natin? Bakit kailangan niyo pang ilihim sa akin ang ganyang bagay kung balang araw ay ako rin naman ang hahawak ng business natin?' huminga ako ng malalim. Mahal ko ang mga parents ko at the same time ay mahal ko rin ang business na itinayo at pinaghirapan nila. 'I'll agree to your plans ni Papa, Ma. Pero huwag mong asahan na mamahalin ko ang babaeng yun dahil hindi naman lihim sa inyo na napaka-matapobre at ubod ng yabang ang isang yun." "Hindi mo siya kailangan mahalin anak. Pagdating ng araw na established na ang mga business natin, if you want, then file an annulment for all I care. But now, you have to help sa business natin. This is for your own good rin." sabay haplos nito sa buhok ko. "Okay Mama. I agree na sa inyo ni Papa. Para sa family natin... Para sa future ng Montereal, I'll marry that b***h! But I'll annul our marriage once na maging stable ang business natin! I don't want to be tied up sa babaeng ni katiting ay wala akong nararamdaman man lang na pagmamahal!' "That's good anak. That's good." yumakap ito sa akin. Nakatalikod ako kaya't hindi ko nakita ang pag-ngiti nito ng makahulugan. Kinabukasan, sa isang pagtitipon na ginanap sa malawak na hacienda ng mga Sta. Maria ay makikita roon ang samu't-saring uri ng tao sa paligid. Sa isang banda ay magkatipon ang mga magulang ko at ang magulang ni Analyn. Nag-uusap ang mga ito. Negosyo na naman... malamang. Samantalang ako naman ay kahalubilo ang mga kaibigan ko, nagku-kwentuhan kami ng mapansin ko si Analyn na bumababa mula sa balkonahe nila. "Excuse me for awhile." at mabilis kong sinalubong ang dalaga. "Arthur Gray, anong meron at naisipan mo akong lapitan?! As far as I remember, you despise me and hate my presence!" sarkastikang sabi agad nito ng magkadikit na kami. "Look here Analyn! More than you don't want this marriage to take place as I do but we don't have any choice. Parents na natin ang nag-decide for us. You are right, I despise and hate you to hell but I love my parents and I don't want to disobey them!' "Alam ko! Kaya nga masama ang loob ko sa kanila dahil hindi kita gusto! May mahal akong iba at nang dahil sa bwisit na business s**t na ito ay maiipit ako sa'yo! Oh please lang, pwede ba?! Ayokong makasama ka as well and I don't even have a thing on you! I hate your guts, your presence, your face and the whole you!" sabay irap nito sa akin. Hinawakan ko ang siko nito at pinihit paharap sa akin. "Hindi ko rin type ang mga spoiled brat na katulad mo! Ang mga maaarteng katulad mo! Mga matapobreng katulad mo lalo na ang mga bitches na kagaya mo! But I can't disobey my parents! So sorry ka na lang dahil sa akin ka parin mapupunta, sa ayaw man natin or sa talagang ayaw natin dalawa!" pagkatapos nun ay pinakawalan ko na ang siko nito at naglakad palayo rito. "Brut! Akala mo ang gwapo mo! Akala mo heartthrob ka?! Mayabang! Hambog! I hate your more Arthur Gray Montereal!" Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya. "Kaya nga tayo ang pinagtagpo ng tadhana kasi pareho tayong mayabang Analyn! Pareho tayong mapagmataas at pareho tayong maangas!" nginitian ko lang ito at tuluyan na akong naglakad palayo. Sa unang tagisan namin ni Analyn ay batid ko nang hindi magiging maayos at payapa ang buhay namin bilang mag-asawa. Subalit halos lahat naman ay pabor parin sa akin dahil lalaki ako. Sa ngayon ay sasayaw muna ako sa nais ng mga magulang ko pagkatapos ay saka ako kikilos kapag naayos na ang negosyo namin. Iyan ang tanging bagay na iniisip ko para matuloy ko ang gustong pagpapakasal ng mga magulang ko sa babaeng iyon. Mabilis lumipas ang araw, nagising na lang ako isang umaga na araw na pala ng pag-iisang dibdib namin ni Analyn. Tutol man kami sa lahat ng bagay ay tikom ang aming mga bibig upang magprotesta. Pagkatapos ng kasalan ay tumuloy na kami sa Baguio para sa aming honeymoon. Dapat lang na sa unang gabi namin ay may mangyayari sa amin ang kaso ay nag-inarte naman ang asawa ko. Kaya mas minabuti kong lumabas at mag-bar na lang. Pagbalik ko sa hotel na tinutuluyan namin ay tulog na ito ng datnan ko. Dahil sa tao lang ako na nakainom ng marami at alam kong may karapatan naman ako dito ay may nangyari parin sa amin. Pero hindi ko siya pinuwersa, I won't do that even if I am f*****g drunk. Tinesting ko lang kung aalma ito ng halikan ko siya sa leeg niya, subalit hindi siya pumalag kaya natuloy ang dapat na matuloy sa unang gabi ng aming honeymoon. Hindi na siya virgin at hindi narin ako nagtaka sa bagay na yun. Unang kita ko pa lamang sa kanya noon ay alam ko ng may mga lalaking naikama na siya dahil narin sa klase ng pananamit at pagsasalita niya. Saglit lang kami sa Baguio, after two nights ay bumalik narin kami sa Manila dahil sa mga negosyo namin na pinamahala na sa amin ng aming mga magulang the moment we said 'I Do' sa church during our wedding day. Simula ng magsama na kami sa iisang bubong ay puro kami negosyo ni Analyn. Minsan lang kami magkita sa bahay at yun ay tuwing Linggo lamang. Sabay naman kaming nagsisimba subalit pagkatapos noon ay may kanya-kanya na kaming mga lakad. Alam ko rin na kinikita parin niya ang lalaking pinakamamahal niya dahil minsan ay nahuli ko siyang kausap ito sa cellphone niya. Pero hindi narin ako nagalit dahil gusto ko naman talagang magkahiwalay kami. It's just a matter of time lang rin naman ay magfa-file na ako ng annulment. Napirmi lang ito sa bahay ng matagal nang isang buwan bago ito manganak. Yes, nabuntis ko siya sa unang siping ko sa kanya matapos ang kasal namin. Pero para naman palaging summer sa bahay namin noon dahil mainit pa ang ulo nito sa sikat ng araw sa tuwing magkikita kami. Nag-iba ang pananaw ko sa buhay ng manganak na ito. Aprilyn ang pangalan ng anak namin. Tuwang-tuwa ako dahil sa wakas ay ama na ako. Nagkaroon ng konting pag-asa sa puso ko na baka this time dahil sa may anak na kami ay magbabago na ang lahat sa pagitan namin ni Analyn. Na magiging pamilya na talaga kami. Patuloy akong umasa na mag-iiba na si Analyn subalit nabigo ako. Handa na sana akong maging isang mabuting asawa para sa kanya sa pag-asang magiging mabuting kabiyak rin ito sa akin. Pero hindi... Hindi nangyari ang nais ko para sa pamilya ko, hindi nangyari ang ninanais ko para sa aming mag-asawa. Everyday had been a very boring day for both of us and everyday had been more of a hell dahil sa kanya. Tanging si Aprilyn lang ang nagiging kasiyahan ko sa loob ng bahay namin. Ang anak ko lang ang tanging nagsilbing akin sa bahay na yun, ang matatawag kong tunay na akin. ------'--,-'-,-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD