7th chapter

1407 Words
Mabuti na lang day off ko at hindi ko makikita ang mga taong iniiwasan ko. Buong maghapon akong nagkulong dito sa room na tinutuluyan ko sa Black Pearl Hotel. Kain-tulog lang, minsan ay inaasar ako nina Gabrielle at Elisa sa internal phone. "Good afternoon, room 0-3-7, this is the front desk." "O, ano na naman?" yamot kong sagot sa phone. "Kinakumusta lang naman yung panga na nag-lock kagabi." Sabay tawa nila. Napahilot ako sa noo ko. Mga asungot talaga. "Gaano ba kasi kalaki yung saging at nag-lock ahahaha!" "Pogi ba yung lalaki? Kilala mo ba? Nakuha mo ang number?" "Britta! Baba ka nga. Kwentuhan mo kami sa maswerteng lalaki na nalawayan mo." "Chee!" singhal ko. Sumasakit batok ko sa dalawang 'to. "Britt, may nagungumusta nga pala sa'yo kanina. Yung isa pang jumbo saging, si Mr. Mahmoud. Kumusta ka raw! Ayeeeh!" Tawanan na naman sila. Pumipintig na ang sentido ko. Kanina pa ako may headache dahil sa hangover, plus yung aftershock yata sa nangyari sa panga ko kagabi. Tapos dinagdagan ng mga asungot na 'to. "Wala ba kayong trabaho diyan? Magpunas kaya kayo ng counter!" Kumunot ang noo ko nang biglang nanahimik ang mga bruhita sa kabilang linya. "Oh? Ano? Nahuli na ba kayo diyan ni Ms. Janette na nagchichikahan? Buti nga sa inyo, sana ma-penalty-han kayo!" "Ahm, yes po. Nasa room niya siya." Narinig kong sinabi ni Elisa. May guest yatang nagtanong. Pagkatapos no'n ay binaba na ang phone. Nakahinga ako nang maluwag. Makakapagpahinga na rin ako. Nagbanyo lang ako at babalik na sana sa kama nang biglang may kumatok sa pinto. Kunot ang noo ko na binuksan ito. Unang sumalubong sa akin ang expensive men's cologne, pagkatapos ay ang gwapo't preskong mukha ng isang matangkad na lalaki. "Hi." Nanlaki ang mga mata ko at kaagad na isinara ang pinto pero mabilis niyang naiharang ang kaniyang paa. Napaungol pa siya dahil medyo malakas yung pagkakatulak ko sa pinto. Nasaktan marahil siya. Shems, hindi pa ako handa na harapin siya! "Ms. Dela Peña!" "S-sir!" Napilitan akong pagbuksan siya. Umiigting pa ang panga niya habang pasimple na iginagalaw ang kaniyang naipit na paa. "S-sorry po, sir!" Tiningnan niya ako nang matalim. "You know what, I'm not even surprised anymore. I've gotten used to the fact that whenever you're around, something bad happens to me." Napangiwi ako. So yung nangyari sa atin kagabi, sir. Bad luck din ba yun? Nilukob ng init ang buong mukha ko nang maalala ang ginawa ko kagabi. Kinain ko siya! My goodness! Ano'ng hangin ba ang pumasok sa utak ko kagabi? Nakakahiya ang ginawa ko! Hindi ko na siya kayang tingnan kaya yumuko ako. "Kumusta na nga pala?" "Ok lang po." "Kumusta ang panga mo?" Napapikit ako nang mariin. s**t. Nakakahiya talaga! Pinilit kong ngumiti sa kaniya. "Ok na po." "Sabihin mo lang kung may kailangan ka. I'm here to help." "Sus, gusto mo lang yatang umulit, sir," bulong ko. "What?" "Sabi ko po, 'Salamat, Sir'." Sinalubong ko ang magagandang uri ng kaniyang mga mata na seryosong nakatitig sa akin. Saka ko siya nginitian. Mr. Mahmoud is ripped and fit. He doesn't look like he's in his forties. Sobrang pormal din niya para maging Daddy ng isang mang-aagaw na babae. Mukha siyang nakakatakot sa pagiging cold nya, but he's actually really nice. Ako lang talaga itong asungot na nagbibigay ng malas sa buhay niya. "I'll go ahead," sabi niya pero hindi naman umaalis. Nakatitig lang siya sa'kin. "Ahm, may kailangan pa po kayo, Sir" "Ah," tumikhim siya. Baka gusto niyang umisa nahihiya lang aminin. Naku last na yun, sir! Ayoko na! "Nagkausap na ba kayo ni Raven?" Natigilan ako. Hindi ko yun inaasahan, ah! "H-hindi pa po. Hindi na rin kailangan." Mapait akong ngumiti. "Ikakasal na raw sila ng anak mo, bahala sila." "I'm sorry." "Ba't kayo nagso-sorry, hindi naman kayo yung nangloko." Hindi siya umimik. Siguro nagso-sorry siya para sa anak niya. O baka gusto nya akong kumbinsihin na itikom na lang ang bibig tungkol sa katotohanan? Malaking kahihiyan nga naman iyon kapag nalaman ng iba. "Ah, yung panyo niyo nga pala sir!" dali-dali akong tumakbo sa may bintana at kinuha ang nakasampay roon na maliit na tela. Tinupi ko iyon at binigay kay Mr Mahmoud. "Heto po. Salamat nga pala. At pasensya na, medyo amoy kulob yan. Sa may bintana ko lang kasi sinampay." "It's fine." Tinanggap niya ang panyo pero dahil sa mukha ko siya nakatingin kaya yung kamay ko mismo ang nahawakan niya. As soon as our palma touched, para akong nakuryente. May pagsabog na naganap na nagpabilis ng t***k ng puso ko. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang paglunok niya. Gano'n din kaya ang nararamdaman niya? "Dad!" Mula sa hallway ay narinig ko ang boses ni ma'am Cheska. Kumabog agad ang dibdib ko. Hindi ako lumingon, pinakinggan ko lang ang tunog ng takon nito. Do Sir naman ay napaatras ng kaunti. Habang papalapit ay lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. Hindi lang yata si ma'am Cheska ang paparating, may kasama pa ito. "Hey, sweetie." Nag-angat ako ng tingin at hindi sinasadyang matuon sa kasamang lalaki ni ma'am Cheska. Para akong nakalunok ng malaking bato nang magtama ang paningin namin. Nagulat siya pero hindi nagpahalata. Bahagya pa siyang namutla at panay lunok. Samantalang ako kay nanlalamig habang naninigas sa kinatatayuan. Raven... Tiningnan ko ang gwapo niyang mukha. Ang linis niyang tingnan sa suot niyang corporate suit. Bagay sa kaniya. Kagalang-galang. Pero taksil at panloloko pala! Masakit pa rin sa dibdib. Syempre, sariwa pa dahil kagabi ko lang nalaman ang lahat. Naghalu-halo na yung emosyon ko ngayon. Hindi ko na maintindihan kung alin ang mas nangingibabaw ngayon. Galit ba, pagkamuhi, pandidiri, o ano? Ano ba dapat ang mararamdaman ng babaeng nakikita ang mahal niya na may kasamang iba? Gagi, nagsimula na namang mag-ulap ang mga mata ko. "Mabuti naman at nandito ka, Raven. Pwede ba kitang makausap?" biglang sabi ni Mr Mahmoud sa seryosong tono. Muling napalunok si Raven, at lalo pang namutla. "T-tungkol saan, s-sir?" "May itatanong lang," hindi na hinintay ni Mr. Mahmoud na makapagsalita ito si Raven. Inakbayan niya na ito at isinabay sa paglakad. Balak pa sanang umangal ni ma'am Cheska pero biglang natuon ang atensyon niya sa akin. Tinaasan niya agad ako ng kilay. "Ano'ng sinabi mo kay Daddy?" "Wala po, ma'am." tugon ko na pinapakiramdaman siya. "Inaakit mo ang dad ko? " "Ha?" Inaamin kong sumagi iyon sa isip ko, pero wala na yun ngayon. Dala lang iyon ng galit, sakit at kalasingan ko kagabi. "If you're planning to seduce my Dad to get revenge on me, save yourself the trouble. You'll just get hurt." Diretsahan niyang sinabi sabay halukipkip sa harap ko. "Lots of women have tried to get with him, but no one's ever succeeded. Once Dad gets done with you, you'll be left in tears like all the others. Never pang na-in love si Dad sa iba dahil umiikot lang ang mundo niya sa Mom ko. At ikaw? Wala ka sa kalingkingan ng mom ko." Namangha ako. Hindi ko akalaing ganito pala kamaldita ang anak ni Mr. Mahmoud. Ibang-iba siya sa ipinakita niya noong araw na nakita namin siya sa hallway. "Ma'am," sabi ko nang makabawi. "Wala ho akong gusto sa Daddy ninyo." "Really? The way you looked at him?" "Tamang hinala lang ho kayo." Umigtad na naman ang kilay niya. "I know you heard us last night. Sinadya ko talagang sabihin iyon para marinig mo. I know you were following us, kaya sinadya kong iparinig sa iyo ang totoo. Raven and I are getting married." Nagtagis na ang bagang ko. Proud pa talaga siya sa ginawa niya? Hindi man lang niya kino-konsedira na nasasaktan ako? Hindi man lang ba siya magso sorry? Hihingi ng tawad? Ipangangalandakan nya talaga ang pang-aagaw niya kay Raven? "Alam nyo po, ma'am? Sayang yung ganda at ang narating nyo sa buhay para lang ibaba nyo ang sarili niyo nang ganyan." Natigilan siya at napakurap. "What did you say?" "Salamat po pala at inalis nyo ang dumi sa buhay ko. Sa inyo na po si Raven. Isaksak niyo ho sa kili-kili niyo. Day off ko nga pala ngayon kaya hindi mo muna ako empleyado. Guest nyo ako rito, kaya huwag niyo ho akong bastusin nang ganyan. Now if you'll excuse me, magpapahinga pa po ako." Binagsakan ko siya ng pinto at sumandal ako sa likod nito. Ano na'ng gagawin ko ngayon? Hindi pa nga ako nakakabangon, tapos mukhang pag-iinitan pa ako ng may-ari ng hotel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD