8th chapter

1551 Words
"Britt, sa housekeeping ka raw muna." "Ha?" Nagtataka akong napatingin kay Gabrielle. "Ano'ng gagawin ko dun?" Nagkibit-balikat ito. "Ewan." "Ayoko nga! Receptionist inaaplayan ko taz itatapon nila ako sa housekeeping?" "Eeeh, iyon ang sabi ni Ms. Janette." Binalingan ko si Elisa. "Ikaw, may alam ka ba?" "Tanungin natin mamaya si Ms. Janette o kaya yung manager." Manager? Natigilan ako nang maalala si Raven. Bigla akong napasimangot. Kagagawan ba ito ni Cheska? "So kayong dalawa lang dito mamaya?" baling ko kina Elisa at Gabrielle na kapwa matamlay. "Oo. Miss ka na nga naming ka-chikahan tapos pinalipat ka pa." "Bakit kaya?" May kutob ako pero hindi ko na kinwento sa kanila. Ayoko ng maraming isyu. Basta ba huwag lang magkakamali si Cheska na saktan ako—well, sinaktan na niya ako, emotionally. Pero ang saktan ako physically, hindi ko talaga mapapalampas! Nagtungo ako sa housekeeping department at nadatnan sa kaniyang office table si ma'am Lara Dela Paz, ang housekeeping supervisor. "Hello po, ma'am Lara." "Brittany!" Sinalubong ako nito ng besu. Medyo komportable na kaming dalawa dahil minsan na rin naming nakahalubilo noon si ma'am Lara sa staff hall. Mabait siya, kwela at go with the flow. "Ayos ka lang ba sa trabahong ito?" nag-aalalang tanong niya. "Tutulong ka sa paglilinis ng mga room." "May choice pa po ba ako? Eh, hindi naman kasi nila hiningi ang sagot ko, diretso na agad nila akong itinapon dito. Hindi naman sa ayaw ko yung trabaho, nabigla lang po talaga ako. Tsaka, nasa kontrata ko ho, receptionist ako, asan ang hustisya dun?" "Hayaan mo na. Kapag hindi mo kaya, ako mismo ang kakausap sa HR manager, ok?" Pumungay ang mga mata ko kay ma'am Lara. "Ang ganda niyo po, ang bait pa. Kaya kayo inanakan nang inanakan ng asawa niyo, eh." Muntik niya na akong mabatukan. Tatawa-tawa kami nang biglang ipatawag si ma'am Lara ng taga-HR. Naiwan akong mag-isa sa opisina niya. Habang wala pang ginagawa ay dumalaw muna ako sa front desk. "Kumusta si ma'am Lara?" tanong ni Elisa. "Ayun, mabait pa rin! Kaya pinagpala!" Hindi ko naman sinadyang iparinig pero kasi dumaan si ma'am Cheska at biglang napatingin sa akin, napasimangot ito. Pakanta-kanta naman akong umiwas ng tingin. "Bato-bato sa langit. Metemeen wag megelet! Alam naman natin kung... Sino ang tuso!" Halos mag-usok na ang ilong nito. Binati pa ito nina Elisa pero hindi sila pinansin. Nagulat tuloy at nagtataka ang dalawa. "Bad mood yata ngayon si ma'am," si Gabrielle. "Hindi. Ugali niya talaga iyon. Gano'n ang totoo niyang ugali." Napatingin ang dalawa sa akin, nagtatanong. Ngumisi lang din ako. "Malay niyo, diba?" "Brittany, may lilinisin ka raw. Sa room 202, 11th floor," sabi ng isang taga-housekeeping na nagmamadali pa yata sa pagbaba para lang sabihin iyon. "Pakibilisan." Nagmadali rin ako. Pagkabukas ko ng pinto ng nasabing room ay sumalubong ang nakakasulasok na amoy. Amoy sinuka! Kandaduwal ako. Sa pintuan pa lang ay nagkalat na ang mga suka. Ang asim ng amoy. May halo pang amoy ng alak! Lasing yata ang guest dito kagabi. Ang daming kalat! Bedsheet, pillows, leftovers, pati tissues na manilaw-nilaw ay nagkalat sa sahig! "Ano ba yung naka-check in dito sa hotel? Raccoon? Ang dugyot! Salaula!" Inuna kong ayusin ang kama pero napatigil ako nang may nakapa. "What's this?" Itinaas ko ito para lang mapaduwal. Jusko, condom! May tamud pa mga mareee! Hinagis ko ito sa kung saan at nagtungo ako sa banyo para sana doon sumuka, kaso umurong yung laman ng bituka ko nang makita ang toilet bowl na hindi pa nai-flash! Ang taba! "Juskoooo! Sino ang umukupa rito kagabi at isusumpa ko?!" Nanakbo ako palabas ng room, dumiretso ako sa lavatory at doon naghugas nang kamay nang pitong beses! "White flower!" Bumaba naman ako sa reception at nanghingi kina Elisa ng white flower. "Bakit ka namumutla? May nangyari ba?" "Sino yung naka-check in kagabi sa room 202?" hingal kong tankng. Nahihilo ako! "Bakit ang dumi-dumi sa loob? Nakakabaliw ang kadugyutan! Walang kapatawaran!" "Dalawang lalaki 'yon," si Gabrielle na chineck ang record. "Bading yung isa." "Eew! Ibig sabihin, mat take yung condom?! Bwisit sila! Nahawakan ko!" Inireklamo ko iyon kay Ms. Janette para sana maaksyunan at pagbayarin sa karumihan yung dalawang dugyot na guests. Pero mukhang deadma lang din si Miss. Wala ba talaga siyang gagawin? Ako na lang kaya ang mag-report sa HR? Nag-attempt ako pero sa elevator pa lang umurong na ang paa ko. Pagkabukas kasi, bumungad si Raven. Mag-isa lang siya sa loob, mag-isa lang din akong naghihintay. Hindi ko inaasahang hilahin niya ako papasok. Muntik na akong mapasigaw sa gulat. Kaagad niyang isinara ang elevator door saka niya ako hinarap, ikinorner sa dingding. "Brittany," namungay ang mga mata niya nag humarap sa akin. Kinabig niya ako at niyakap nang mahigpit. Yung puso ko. Akala ko bato na sa galit pero bakit gano'n? Bigla na lang natunaw, nanghina. Namalayan ko na lang, pumatak na pala ang luha ko. "I missed you so much, Britt." Napabuka ang labi ko para lumanghap ng hangin. Naninikip na kasi ang dibdib ko. Naalala ko yung nakita ko, yung narinig ko... At bumalik yung sakit. "B-bakit... Bakit mo yun ginawa? Ba't mo 'ko pinagpalit, Raven?" Biglang nanigas ang likod niya sa tanong ko. Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ang mukha ko. "Britt..." Tiim-bagang ko siyang tinitigan. Nanginginig ang labi ko at pinipilit ko lang na pakalmahin ito dahil gusto kong magsalita. Gusto ko siyang sumbatan. "N-nakita ko kayo... N-narinig ko lahat..." Humikbi ako kaya hindi ko na natapos. Nandilat naman ang mga mata niya, namutlang bigla ang mga labi. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at balisang tumingin sa akin. "Huwag mong paniwalaan lahat. Ako ang paniwalaan mo, ikaw ang mahal ko! Ikaw lang!" Tinulak ko siya nang makaipon ng lakas saka sinampal. Hindi ko alam kung gaano kalakas, basta matunog iyon at pumaling ang mukha niya. "Sinabi mo rin yan sa kaniya! Sinabi mo rin na siya ang pipiliin mo!" Hindi siya nakapagsalita. Umigting lang ang panga niya at kumukuyom ang kamao. "Sinungaling. Manloloko!" "Brittany, inaamin kong nagaksala ako. But believe me, please. Ikaw ang totoong mahal ko!" Niyakap niya ako, sobrang higpit upang hindi ako makawala. Lalo pa niyang higpitan nang magpumiglas ako. "Bitiwan mo 'ko! Sinungaling ka! Sinungaling!" "I'm sorry! I'm sorry, Brittany! Pero maniwala ka sa'kin, mahal kita. Ikaw ang gusto kong pakasalan, maniwala ka!" Tinulak ko siya nang malakas. Kumukulo ang dugo ko sa kasinungalingan niya. Ginawa ko ang lahat para makawala sa kaniya ngunit sa halip na bitiwan ako ay isinandal niya ako sa dingding at hinalikan. Pinigilan ko siya, buong lakas na ang ginamit ko para itulak siya kahit na ang totoo, namimiss ko na ang halik niya. Miss na miss ko na siya. Mahal ko siya. Pero bakit niya ako niloko? Biglang bumukas ang elevator door. Napalingon kami roon at parehong nanigas nang makitang nakatayo na sa harap namin si ma'am Cheska. Hindi na mailarawan ang mukha nito, pulang-pula na at ang luhaang mga mata ay nanlilisik sa galit. "B-babe..." usal ni Raven nang makabawi at akmang lalapitan si ma'am Cheska pero bigla na lang itong sumugod sa akin at mabilis na inabot ang buhok ko. "Malandi ka! Malandi!" sigaw nitong patuloy akong sinasabunutan. Pinipigilan ito ni Raven pero hindi nito binitiwan ang buhok kong nadakma nito. Patuloy ako nitong hinahatak, halos matuklap na ang anit ko. Hindi rin ako makaganti dahil hinaharangan ako ni Raven. "Umalis ka diyan, Raven!" sigaw ko na pinipilit namang abutin si ma'am Cheska pero hinahawi ni Raven ang kamay ko. "Ano ba!" gigil kong sigaw dahil ang sakit-sakit na sa anit. Hindi man lang ako makaganti kahit kunti lang sana! Nahihila na ako ni ma'am Cheska palabas ng elevator habang si Raven ay napapagitnaan namin. "Maharot kang babae ka! Malandi! Mang-aagaw!" "Cheska, tama na!" sigaw ni Raven at pinilit na kalasin ang mga daliri nitong nakakapit sa buhol-buhol ko nang buhok. Nang nagtagumpay ay agad niyang inilayo si Cheska, yakap-yakap niya ito para pigilan sa muling pag-atake. Pinagtitinginan na kami ng ilang guests na napadaan, pati ng housekeeping na galing sa nililinis nilang room. "Malandi yang babaeng iyan! Mang-aagaw!" duro sa akin ni Cheska. Halos lumuwa na ang mga mata niya sa sobrang gigil. Hindi ako nakapagsalita. Para akong nanigas nang malamang may mga audience na kami at lahat sila ay hinuhusgahan ako sa tingin. Tiningnan ko si Raven, nakikusap sa mata. Wala man lang ba siyang sasabihin? Hanggang tingin na lang ba siya sa akin? Yung tingin n'yang nakikisimpatiya pero wala namang ginawa! "Ano ba 'yan, alam na ngang ikakasal Yung tao, nilandi pa." "Oo nga, manager pa talaga at ang may-ari ng hotel. Ang lakas ng loob." "Baka makapal ang mukha kamo!" Napatingin ako sa mga nagbubulungan na taga-housekeeping. Masama ang tingin nilang lahat sa akin. Hindi ko man lang magawang ipagtanggol ang sarili ko. Hindi ko magawa dahil alam kong hindi ako ang papanigan ni Raven. Mabilis akong tumalikod bago pa man magbagsakan ang mga luha ko. Naiyak ako sa inis, sakit at hiya. Wow lang. As in wow na wow! Ako pa talaga ngayon ang nang-agaw at nanlandi?! At yung gagong Raven na iyon! Yung gagong iyon, hindi man lang ako ipinagtanggol. Kasasabi niya lang kanina na ako ang mahal niya at ang pakakasalan niya, pero bakit wala siya sa tabi ko? Bakit hindi niya ako denepensahan? "Napakasinungaling niya! Sinungaling!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD