Bagong sahod ako at day off ko pa ngayon kaya nagtungo agad ako sa malapit na mall para mag-grocery. Set aside ko muna ang mga wants ko, kailangan kong magtipid, eh tsaka gusto kong maambunan sina nanay ng unang sahod ko. Kahit pang-lechon manok lang. Baka umay na naman si bunso ng puro isdang ulam. Kuripot pa naman ni nanay pagdating sa ulam. Pagkatapos kong mag-grocery ay iniwan ko muna sa baggage counter ang mga pinamili ko para maglibot. Nagtingin-tingin lang at nang mapagod ay tumambay muna ako sa isang cafe at nag-meryenda ng doughnut at cappuccino. Gutom na gutom ako kaya unang tikim ay napalaki ang kagat ko. Sakto namang paglingon ko sa salaming dingding ay nakita ko si Mr. Mahmoud na prenteng nakatayo roon. Nagtama ang mga mata namin. Sandaling nanigas ang panga ko. Paano ba ib

