Who is this damn hot Daddy?!
"Daydreaming?" halos pabulong na tanong ni Mr. Mahmoud.
He smells expensive. High-end cologne malamang ang gamit. And his breath? It was warm and minty. Ang sarap sa ilong.
SNAP!
Napakurap ako sa biglang pagpitik ng kaniyang daliri sa harap ko. Yumuko siya sa aking mukha at napaatras ako ng wala sa oras. Halos mapigilan ko ang paghinga sa kaba. Nate-tense ako sa titig niyanh sobrang diin, tagos hanggang kaluluwa.
Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa kaniyang gwapong mukha. Ano bang nangyari sa akin? Si Raven lang ang gwapo sa mga mata ko, wala nang iba! Kaya Britt, please, umayos ka. Huwag kang cheater.
Pasimple kong tinampal ang sarili para mahimasmasan. Nang magbaba ako ng tingin ay di sinasadyang matuon ito sa malaking bukol sa ilalim ng pantalon niya. Namilog ang mga mata ko. Lumala yung nararamdaman ko. Bakit ganito? Nakita ko lang na daks, parang may nagkilitian na agad sa sistema ko.
"Miss."
Tumingala ako nang marinig ulit ang malalim niyang boses. Sumalubong naman agad sa akin ang kaniyang mga mata. Hazel eyes. Wow. Nag-contact lens ba siya?
Nangunot ang noo niya. "Bakit ganyan ka kung makatitig?" Umiwas agad ako. "Bago ka ba sa Manila? You came from the province?"
"Yes. Island girl, sir," proud kong sagot.
Tumaas naman ang kilay niya. "Well, just a piece of advice, Island girl... Huwag kang tumuwad kung saan-saan, baka makulam ka at umuwi na malaki na ang tiyan."
Nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaasar. Sa huli ay tinawanan ko na lang. Kahit na alam kong namumula na ako sa inis sa nakakaasar niyang banat.
"Ah, sir. Pinulot ko lang naman ang nahulog na ID. Malay ko bang naka-flag ceremony ka pala sa likod ko. Next time din kasi, huwag kang basta-bastang tatayo sa kung kani-kaninong likod, baka makasaksak ka ng pwet. Kawawa naman yung taong matetano mo."
Napasinghap ang mga kasamahan ko. Si Ms. Janette naman ay tumikhim at pasekreto akong kinalabit sa likod, sinasaway. Pero hindi ko ito pinansin. Nanatili akong nakatutok kay MR. Mahmoud. Nanggigigil ako pero itinago ko lang iyon sa isang matamis na ngiti. Mahaba ang pasensya ko, pero kung babastusin ako ng ganito, huwag nilang asahan na tatahimik pa rin ako.
Tumaas ang kilay ni Mr. Mahmoud sa sinabi ko. Medyo nawala ang lamig sa mga mata, napangiti pa nga nang kaunti. Aliw na aliw? Ano bang nakaka-amuse sa sinabi ko?
"Ms. Santos," baling niya kay Ms. Janette.
Aligaga naman na sumagot ang supervisor namin. "Y-yes, Mr. Mahmoud?"
"Is she the new receptionist you hired?"
"Yes, sir."
"Uh. That explains." Tumango si Mr. Mahmoud at muling humarap sa akin. Nakataas ang kilay. At habang tinititigan niya ako nang mariin ay lalong humihigpit ang paghinga ko sa kaba.
Nakahinga lang ako nang maluwag nang tumalikod siya, pero wala pa nga yatang dalawa segundo ay bigla niya akong hinarap. At agad na bumagsak ang tingin niya sa palda ko, paakyat sa mukha ko. Bahagya pang kumuyom ang panga niya bago nagsalita.
"Don't get me wrong, Miss. Concerned lang ako. Masyadong maikli ang suot mo."
Umigtad ang kilay ko. "Salamat sa concern, sir. Pero inayon ko lang naman ang suot ko sa uniform ng receptionist dito. Bakit big deal sa iyo ang pagtuwad ko? Hindi ko naman kasalanan kung may nagising akong ahas diyan sa pantalon mo."
Umawang ang labi niya, mukhang sasagot pa pero hindi itinuloy at sa halip ay dinilaan na lang niya ang kaniyang labi saka siya napailing. At bakit ang hot kapag siya ang gumagawa nang gano'n? Bagay na bagay kasi, parang hunk model ng alak.
Tumalikod ako at humarap sa desk para makahinga. Habang ang mga kasamahan kong sina Elisa at Gabrielle ay kunwari abala sa pag-intertain sa bagong check in na guest pero nakikinig din.
"Ah, Mr. Mahmoud," si Ms. Janette na hindi na nakatiis at biglang pumagitna. Napalingon na rin ako sa kanila. "Pasensya na po. Kasisimula niya pa lang kasi sa araw na ito. Pero huwag po kayong mag-alala, I'll train her properly. By the way, your executive suite is ready, sir."
"Thank you, Ms. Janette."
Bago tumalikod si Mr. Mahmoud ay tinapunan niya muna ako ng isang mabilis ngunit mainit na sulyap. Kita ko pa ang pagkinang ng hazel eyes niya. At dahil dun, naging abnormal na naman ang t***k ng puso ko. Yung klase ng t***k na hindi ko pa naranasan sa boyfriend kong si Raven. Pinipigilan ko nga, eh dahil ang pangit isipin, parang nag-cheat na rin all sa kasintahan ko.
"Gagi! Eeeeeck!"
Parang mga kuliglig ang mga kasamahan ko nang makaalis si Mr. Mahmoud. Nagtitilian bigla ang mga ito at parang mga kiti-kiti sa pwesto.
"Girl, pinatulan ka niya!" sambitla ni Elisa.
Tinapik pa ako sa balikat. Feeling close? Gumanti rin ako ng tapik sa kaniya, mas malakas kaya napatigil siya.
"Alam mo bang madalas hindi namamansin ng empleyado 'yang si sir Mahmoud?" seryosong sabi ni Gabrielle.
"Na-magnet yata siya sa iyo at pinatulan ka niya! Eeeck!" tili na naman ni Elisa na halos pumalakpak na sa tuwa.
Very entertaining ba ang nangyari kanina at nagwawala siya nang ganyan?
"So dapat mag-celebrate kasi pinansin niya ako?" nakangiwi kong tanong. "Nakakainsulto kaya ang mga binitiwan niyang salita sa akin. Kaninong Daddy ba 'yon? Kulang yata sa aruga. Ang sungit!"
"That's the father of the hotel owner," sabad ni Ms. Janette. Tiningnan ko siya at tinaasan niya ako ng kilay. "Daddy ng may-ari ng hotel na pinagtatrabahuan mo."
"H-ha?"
"You heard me. And not just that, Ms. Dela Peña, he's the CEO of Philippine Petroleum Corporation, a leading energy conglomerate in the Philippines, and the sole heir to his father's global empire. He's a respected figure. He's strict, and arrogant sometimes, but he's a good person at heart, known for being helpful, especially to homeless people. So, next time you run into him, show some respect, gumamit ka naman ng po, kausapin mo siya nang may paggalang at humingi ka ng patawad bago ka pa niya paalisin dito."
"Yes, Ms. Janette." Nakayuko kong sagot.
"First day on the job and you're already showing attitude? That's not the kind of behavior I expect from my receptionists on the team. Kapag nandito kayo, ayusin niyo ang ugali ninyo sa lahat ng guests dito, kasama na diyan ang mga may-ari nitong hotel. Your behavior reflects on this hotel, so let's keep it classy. Alright?"
"Sorry, Ms. Janette. Hindi na mauulit. Nadala lang ako ng inis kanina. Huwag po kayong mag-alala, sasanayin ko na rin ang sarili ko sa paggamit ng po at opo. Hindi po kasi... uso sa amin ang paggamit ng gano'n. Pasensya na talaga."
Tumango siya.
"Elisa, Gabrielle, kayo na ang bahala kay Ms. Dela Peña. Ipabasa niyo sa kaniya ang rule book ng hotel."
"Yes, Ms. Janette."
Nakangiwi kong sinundan ng tingin ang paglayo ni Ms. Janette. Ako pa tuloy ang nagmukhang bastos ngayon. Well, tama naman siya. Bakit ko pa kasi sinagot-sagot si Mr. Mahmoud? Guest or not, I shouldn't have talked to him that way. Kabago-bago ko pa lang, hindi pa nga kami nagkita ni Raven pero nanganganib na agad akong masibak.
Kinagat ko ang ibabang labi at mahinang nagmura.
"Nagalit yata si Ms. Janette sa iyo, girl," sabi ni Gabrielle.
"Loyal kasi iyan si Ms. Janette sa pamilyang Mahmoud. Isa ang nanay niya sa natulungan nila."
Wala akong pakialam kung gaano sila kaloyal sa mga Mahmoud. Ang paki ko lang ay ang trabaho ko at si Raven.
Humarap ako sa dalawa. "Ahm, Gabrielle, Elisa. Paano ba humingi ng tawad kay Mr. Mahmoud na siguradong tatanggapin niya? Tips naman, o? Gusto ko sanang bumawi dahil sa inasal ko kanina."
Nagkatinginan ang dalawa. Pagkatapos ay nagsingisihan. Ewan ko ba, bigla na lang akong kinutuban... at kinabahan.