Second day ko na ngayon sa Black Pearl Hotel. Habang inaayos ko ang sarili sa harap ng salamin ay naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Napakagat-labi ako at mariin na napapikit sa sariling kahihiyan. Sana hindi ko gaanong na-offend si Mr. Mahmoud.
Nagsisisi talaga ako sa ginawa ko kahit na nainsulto niya rin ako kahapon. Tumatak kasi sa utak ko ang sinabi ni Ms. Janette na mabuting tao siya. Mukha namang totoo, kasi kung talagang masama ang ugali niya, baka sinipa na ako palabas ng hotel. Dito rin kasi ako tumutuloy sa isa sa mga staff rate rooms sa 4th floor. Binigyan ako ng discount kasi nga empleyado rin ako rito. Meron din namang staff quarters sa malapit bilang part ng employment package. Doon tumutuloy ang ibang staff kabilang na si Gabrielle. Libre lang doon.
Samantalang si Elisa ay stay out kasi doon siya umuuwi sa boyfriend niya. At ako, bago pa man ako lumuwas ng Manila ay nag-book na agad ako rito. Pansamantala lang habang hindi pa kami nagkikita ni Raven. Balak ko kasing magpatulong sa kaniya sa paghahanap ng malapit at safe na paupahan.
Nasaan na nga kaya iyon? Kahapon ko pa siya kinokontak pero unattended. Ang sabi ay vacation leave daw. Pero bakit hindi ko makontak?
Ngayon ko lang ulit siya naalala. Kagabi kasi, ang nangyari at si Mr. Mahmoud lang ang laman ng utak ko. Pati yung mga mata niya at pabango niya ay sumisingit sa alaala ko. Hanggang ngayon ay parang naaamoy ko pa rin siya.
"No! Erase! Erase!" Pumikit ako at iwinasiwas ang mga kamay. "Loyal tayo kay Raven, self, okay?! Si Raven lang ang iisipin natin."
Bumuga ako ng hangin saka ko tiningnan ang repleksyon ko. Kahit ano'ng pilit ko na isiksik sa utak si Raven, si Mr. Mahmoud pa rin ang naiisip ko.
Guilt lang ito. Yeah right, I'm just guilty.
"Huwag ka pong mag-alala, Sir Mahmoud. Babawi ako. Hihingi na rin ako ng sorry mamaya kapag nagkita tayo. Kaya please, patahimikin mo na ang kaluluwa ko!"
Maaga akong nag-duty, at suot ko na ang uniform namin. Isang puting blusa na may itim na neckline at denisenyuhan ng tatlong black pearl na nagsisilbing button. Crisp black skirt naman sa pang-ibabang kasuotan, it's above the knee, paired with elegant black high-heeled shoes. Meron din kaming suot na black cap na parang barkong nakapatong sa buhok naming nakapusod nang maayos. Pearl accented name tag sa kanang dibdib, at trainee badge naman sa kaliwa.
Dumiretso kaagad ako sa reception area at nag-log in.
"Taray, ang perfect ng itsura!" salubong sa akin ni Gabrielle.
"In fairness bagay sa iyo ang uniform. Morena girl pero napaka-sexy at napakaganda," gatong naman ni Elisa.
Napuno yata ako ng compliment sa araw na ito. Mula pa kanina paglabas ko ng room hanggang sa elevator at dito. Wala namang nagbago sa itsura ko. Nagsuot lang naman ako ng uniform at naglagay ng light make-up pero wala namang kakaiba. Baka good lang talaga ang morning ng lahat ng staffs.
"Ganda ng legs. Pang-beauty queen!" Tinapik pa ni Elisa ang hita ko. Ang hilig manapik ng babaeng ito. May lahi sigurong aswang at gustong manghawa. Tinapik ko rin siya. Natigilan na naman siya sa ganti ko. "Girl! Ang bigat ng kamay mo!"
"Sorry." Tinawanan ko siya.
"Sumasali ka ba sa beauty contest sa lugar niyo?" si Gabrielle.
"Hindi. Athlete ako sa lugar namin, napasama na rin sa mga palarong pambansa."
"Wow. Anong sport?"
"Swimming."
"Taray. Sana all marunong lumangoy. Ako kasi hindi."
Hinipo ni Gabrielle ang hita ko. Hindi na siguro nakatiis. Kanina niya pa kasi tinititigan. "Ang kintab ng legs mo. Naglagay ka ba ng floor wax?"
"Sira! Natural 'yan! Iyan ang isa sa dahilan kung ba't nabu-bully ako sa amin na barbeque daw ako. Sunog at oily."
"Pero mas mainam yung ganyan, ha. Hindi ka agad nagkaka-wrinkles pag oily skin."
Hinila ko pababa ang laylayan. "Masyado bang maikli ang skirt? Baka mapuna na naman ni Mr. Mahmoud."
Tinawanan lang ako ng dalawa. "Masanay ka na dun. Strict lang talaga iyon pero mabait naman 'yon."
"Speaking of Adonis, nag-request nga pala siya ng toothbrush sa suite niya. Nahulog daw kasi yung ginamit niya. Ikaw na ang maghatid." Kinindatan ako ni Elisa.
"Bakit ako? Gawain yan ng housekeeping."
"Walang available, yung isa ay isinugod pa sa clinic kasi biglang nahilo."
Naningkit ang mga mata ko sa dalawa. Hindi ko mapigilang magduda. Baguhan kasi ako, baka mamaya, pinagtitripan pala nila ako.
"Bakit pakiramdam ko binubugaw niyo 'ko?"
"Ayaw mo pa no'n, si Rizlan Mahmoud na yan, girl. Pangarap ng lahat!"
"Eh, hindi ko naman siya pinapangarap."
"Asus! Kunwari pa. O Sige, kunwari hindi namin napansin na natulala ka kahapon sa kakisigan niya."
"Hoy!" Hinila ko sila at inilapit. "Masyado ba akong obvious? Napahanga lang naman ako pero hindi ko talaga siya type, swear."
"Sige, kunwari naniwala kami."
"Bahala nga kayo!" Tinulak ko sila pareho.
Ang galing lang dahil two days pa lang ako rito pero feeling close na agad kaming tatlo. Akala ko pa noon, mahihirapan akong makisama sa kanila.
"Alam mo, mukhang type ka rin ni Sir. Never pa iyon nanglo-look back. Ikaw pa lang ang nilingon no'n!" gagad ni Elisa sabay halakhak.
"Hee! May boyfriend na ako! At loyal ako sa boyfriend ko. Hinding-hindi ko iyon ipagpapalit sa isang hot Daddy na daks at bilyonaryo, noh!"
"Talaga lang, ha? O, siya. Hatid mo na yung toothbrush kay hot Daddy!"
Dahil baguhan ay wala akong nagawa kundi ang sumunod sa utos sa akin ng mga nauna. Hinatid ko nga sa 25th floor ang toothbrush. Nagdadalawang-isip pa ako kung kakatok ba o magdo-doorbell. Alin man sa dalawa, pareho lang ding maiistorbo si Mr. Mahmoud.
Kumatok na lang ako. Nakailang ulit pa hanggang sa pinatunog ko na ang doorbell pero wala pa ring nagbukas.
"May tao kaya sa loob? O baka pinagtitripan lang talaga ako ng dalawang iyon?"
Tumingkayad ako at sumilip sa peephole ng pinto. Useless dahil hindi ko naman makita sa loob. Naghintay pa ako ng ilang segundo bago muling kumatok ngunit wala pa rin.
"Mr. Mahmoud! Toothbrush niyo po!" Idinikit ko ang tainga sa pinto at nakiramdam. "Sa'n na ba yung gurang na iyon?"
Pagod akong sumandal sa pinto at humalukipkip nang bigla na lamang itong bumukas. Napatili ako sa gulat sa pagkakabuwal ko at patihayang bumagsak sa sahig. Pikit-mata akong napakapit sa mga binti niya.
"What the hell!" bulalas ni Mr. Mahmoud kaya agad akong napadilat.
Sumalubong sa paningin ko ang kampana ng Notre Dame. Medyo madilim sa loob dahil may towel na suot pero kitang-kita ko ang nakalambitin.
"Get up, Miss!" nakapameywang niyang utos.
Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ang nakikita ko. I-itlog! Ang itlog at ilong ng elepante!
"KYAAAAH!" Taranta akong bumangon at nauntog pa sa kaniya.
"Agh! Fffuck!" sigaw niya.
Hindi ko alam kung saan tumama ang ulo ko, basta pag-angat ko ng mukha, nakaluhod na siya sa harap ko, nakayuko habang sapo-sapo ang kaniyang gitna na natatakpan ng puting towel. Sunud-sunod ang pagpakawala niya ng malulutong na mura.
"S-sir?" Hindi na siya kumibo.
Nakayuko lang siya. Parang hindi na nga humihinga. Patay, baka inatake ng high blood!
"Sir! Buhay pa ba kayo?"
Gumalaw siya, dahan-dahan na nag-angat ng tingin. My god, ang pula ng mukha niya, at hindi maipinta. "Sir, ok lang po kayo?"
"You naughty little woman! I'll make you pay for this!"
"Ho?!" Napaatras ako. "Ano po bang kasalanan ko? Hindi po ba't ako yung nasaktan dito?!"
"Sinuwag mo ang itlog ko! You little... Argh!" Gigil siyang napasigaw.
I don't know what to do. Damn, tinamaan ko pala siya sa bayag. Ang sakit non! Baka sesantihin na talaga niya ako. No! Hindi pwede!
Eh, kasi naman, Brittany! Ang sablay mo talaga! May pa-practice-practice ka pang nalalaman kanina kung paano mag-sorry tapos ito pala ang mangyayari? Busted!
Ngali-ngali kong nilapitan si Sir Mahmoud. "Sir! Sorry! Sorry talaga!"
Hindi ko alam kung hahawakan ko ba siya. Nakahubad kasi siya at tanging towel lang ang nakatabing sa kahubaran niya. Baka lalong magalit kapag dumampi ang palad ko sa kaniya. Sa huli ay pinanood ko na lang siyang dahan-dahan na tumayo at tumalon nang dalawang beses habang sapo pa rin ang kaniyang gitna.
"Bakit ba kasi ang kalat mong babae ka?!"
"S-sir, sorry talaga. Akin na po."
Napaangat siya ng tingin, kunot ang noo. "At anong gagawin mo?"
"Ah, ima-massage?"
"Massage what? My balls?"
Nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. Oo nga naman, Britt. Ang tanga mo naman para mag-offer ng massage sa betlog.
"Since you offered, go ahead and give me a massage."
"A-ano, sir?!" Parang luluwa na ang mga mata ko sa pagkabigla. Pinandilatan ko siya.
Umupo siya sa isang couch paharap sa akin. "Massage me."
"Ayoko nga!" Tinalikuran ko siya. Nang maalala ko ang toothbrush sa bulsa ng uniform ko ay humarap ulit ako saka ko initsa sa kaniya ang toothbrush. "O, ayan ang toothbrush niyo, sir. Kiskisin niyo na lang ang itlog niyo para gumaling. Po!" At mabilis akong lumabas ng silid.
***
Rizlan's POV
Sinundan ko ng tingin ang babae na nanakbo palabas ng aking suite, like she had a p***s chasing her.
That young woman has no sense of decorum at all. Kahapon sinagot-sagot ako, ngayon ay hinagisan ako ng toothbrush. Does she really think I'd let her massage my balls? Sinubukan ko lang naman siya kung papayag. At kung sakali man, ipapa-massage ko sana sa kaniya ang aking likod na nalamigan. Babayaran ko naman siya at ipapaalam kay Miss Janette. Kung anu-ano kasing naiisip. Kids these days, really. Tsk.
Maldita na nga, marumi pa ang utak.
"One more strike, Miss Dela Peña, and I'll teach you a lesson, wild as you are."