Pagkapasok sa room na tinutuluyan ko ay dahan-dahan akong ibinaba ni Mr. Mahmoud sa aking kama. Napasilip pa siya sa panga at leeg ko. Siguro ay kanina niya pa napansin yung kalmot ng anak niyang may sa pusa. "May galos ka." Agad kong tinakpan ang bahaging iyon ng aking leeg at nginitian siya. "Who did that?" "Ahm, wala 'to. Nakalmot ko lang." "You sure?" Parang laser beam ang tingin niya na naglakbay sa aking buong mukha. Pakiramdam ko ay napapaso ang bawat balat na nadadaanan ng tingin niya. "Yes po, sir," tugon ko pa na pilit nilalabanan ang mainit niyang mga mata. "Wala lang po 'to." "Hmm." Tumango siya at kaagad na lumipat ang kaniyang tingin sa aking binti. "How's your leg? Masakit pa ba?" Ngumiwi ako, kunwari ay nasasaktan habang marahan na minamasahe ang sarili. "Mas

