“Tara na, Mahal.” Pinagmasdan ko pa ang nakalahad niyang kamay bago ko ‘yon tinanggap. Hindi naman pwedeng paulit-ulit ko na lang siyang iiwasan. Paulit-ulit na tatakbuhan ang kinatatakutan ko. Tanggap ko na rin naman, eh. Tinanggap ko nang… may iba na. I was ready for it. I was prepared for it. Kailangan… kailangan para umusad ako, para umusad kami. Magkasukob sa payong na naglakad kami papunta sa terminal ng tricycle. Nasa balikat ko pa ang braso niya. Dahil malaking tao si Levi at pang isahang tao lang ang dala niyang payong, ibinigay pa niya sa ‘kin ang cap at jacket— kahalating katawan niya ang nauulanan kaya basang-basa siya nang makarating kami sa condo. “Ang lakas ng ulan.” Pinagpag ni Levi ang tubig sa braso niya pagkatapos isandal sa gilid ang payong para patuyuin.

