“Jane…” He stepped forward to reach for my hand but I moved backward. “Bakit ka meron niyan?” Ulit ko sa nag-aakusang tinig. “Bakit?” Unable to utter a word, marahas niyang isinuklay ang mga daliri sa buhok kasabay ng marahas rin na pagbuga ng hangin. Tumingala pa siya, minamasahe ang pagitan ng mga mata. Nang bumalik ang tingin niya sa ‘kin, nangingislap ang luha sa sulok ng mga mata niya. Huminga ako ng malalim, nakatulala sa gilid ko. I was trying so hard to fight my tears back. I was trying so hard to control my emotion. At lumabas ang mga salita sa labi ko na hindi ko inakalang maitatanong ko sa kaniya. “May iba na ba?” “Wala… wala.” Umiiling na inilang hakbang ako ni Levi. Pain and guilt passed his eyes. Hinawakan niya ang mga kamay ko at paulit-ulit ‘yong hinalikan. “Sorr

