Chapter 1

2101 Words
Maingay ang buong MOA arena. No could hear a thing due to the loud cheers of the students supporting their school. Some brought their own balloons and placards. Others were waving their banners, screaming. "Another chance here to attack for the Perpetual Help University. Arevallo on the runway! Gets a point!" "Peralta goes to Arevallo, Kanlas to Agustin, puts it away! Another point for Perpetual Help!" Nagtilian at naghiyawan ang mga estudyante ng Perpetual Help subalit hindi nagpatalo ang estudyante ng Arellano. Tinumbasan ng mga ito ang tilian at hiyawan ng kalabang koponan. Nagpapalitan lang ng puntos ang dalawang team. Sa unang set ay nanalo ang Perpetual Help. Sa pangalawang set naman ay ang Arellano. Uminit ang laban sa pagtuntong ng huling set kung saan lumalamang na ang Arellano. "Now serving, Fiasco Lizel from Arellano,” sabi ng announcer na nagsasalita sa microphone. Bumalik kami sa posisyon nang pumwesto ang player na mag-se-serve ng bola. Humanda ang kabilang team. Isa sa magagaling na setter ang nasa linya kaya alisto kaming lahat. Natuon ang mata ko sa bola nang ma-i-serve ‘yon at pumasok sa net. Kumilos ako at tinapik ang bola papunta kay Agustin. Humanda ang isa pa naming kasama sa pag-spike. Pigil ang hiningang sinundan namin ang bola sa ere at nanlumo nang tumama iyon sa antenna. The ball fell out and the Arellano students gone wild... "It's okay, guys! It’s okay! Bawi tayo sa susunod! What important is you did a great job." "Tama! Tama!" Nagyakapan kami ng mga team mates ko nang sabihin 'yon ni Coach Shella. Katatapos lang ng game at natalo kami sa Arellano. They were the last years champion at mukhang balak nilang gawing back to back. Mas pinatindi nila ang depensa at nilinya ang magagaling na setter. And they also have promising rookies. As for us, puspusan rin naman ang trainings namin. Halos inaabot nga kami ng gabi— kung minsan ay hanggang madaling araw pa. But just like any other game, only one might win. At hindi kami 'yon. "You may go home. Take a rest. Training will resume on monday.“ Inayos ko ang sintas ng aking sapatos bago isinabit sa balikat ang adidas duffel bag ko at lumabas ng locker room. Sa main exit ng MOA Arena ako dumaan. Mayroong private bus para sa mga varsity pero dahil magkikita-kita kami ng friends ko ‘di na ako sumabay. "Janeyyy!" Sinalubong ako ng yakap Friday. She's the grumpy and feisty among my friends. But she's also the clingy one. Baby kasi namin 'to. Bukod sa inosente, mas bata rin siya ng ilang buwan sa'min ni Violet. While Genesis was a year older than us. “Don’t worry sasamahan ka naming mag-luksa! Iinom natin ‘yan, Sis!” Umakbay naman sa ‘kin si Violet. They were both still wearing their uniforms. After class ay dumiretso na sila dito. "Im fine... alam ko naman tagilid talaga kami. Malakas ang Arellano, eh." Lumibot ang aking tingin. "Wait... nasaan si Genesis?" Ngumuso si Violet sa gilid kung saan may kausap si Genesis na dalawang babaeng nakasuot ng San Beda uniform. Wala atang hindi nakakakilala kay Gene kahit sa ibang university. Laman kasi siya ng mga clubs and parties. Marami ring connections at socialite friends dahil parehong business man ang parents niya. "Girls! Hang out tonight." Tumitiling lumapit siya sa'min. "At Topher's place— oh, Jane!" At nag-aalalang natigilan nang mapalingon sa ‘kin. "Sorry. Are you okay?" Ngumiti ako. "OA kayo. Okay lang ako. Ang mahalaga we did our best." “Yeah and you enjoy the game,” pag-sang-ayon ni Friday. “Tomoh! Kaya tara na! iinom na natin ‘yan!" Sumunod na kami kay Violet na nangunguna nang lumakad papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ni Genesis. “I wonder, siguro alak na dumadaloy sa ugat niyan ni Violet,” Friday whispered to me, pouting. Bahagya akong natawa at marahan siyang tinapik sa braso. I’m sure war zone na naman kasi kapag narinig siya ni Violet… . . 7PM nakarating kami sa sinasabing party ni Genesis. Dumaan pa kami sa condo niya para mag-palit ng outfit. I’m wearing a white floral button down mid rib puff sleeves crop top partnered it with high waisted denim jeans. Then I tied my hair in a pony tail as usual. Violet was wearing a red mini spaghetti strap dress that hugged her body perfectly, showing her voluptuous figure. Genesis on the other hand chose to wear her classic partying ootd— satin wine hued halter tie crop top partnered with black flare pants. While Friday was looking cute wearing a rose gold off shoulder top tucked in under a skater skirt. I looked up at the huge modern type house infront of us. The exterior was made of glass and mahogany. Nakaparada sa harapan niyon ang mga mamahaling sasakyan at labas-pasok ang mga bisita. Sumunod kami kay Genesis nang senyasan niya kami. Halos sumabog ang eardrums ko sa lakas ng party music pagpasok namin sa loob. Nasa living room kami kung saan naka-pwesto ang DJ kaya naging dancefloor na doon. Some of the faces were familiar to me. Ang ibang mga bisita ay naka-uniform pa. Nagsama-sama na rin ang amoy ng alak, sigarilyo, pabango at pawis. “Hoy, mga ses! Grabe kayo gumiling! Hinay lang!” Inis na reklamo ni Violet nang mabangga kami ng mga nagsasayaw. “Gosh! They didn’t even apologize! And at them! Ewwww!” Tinulak ni Friday ang mukha ng lalaking bigla na lang sumayaw sa harapan nito sabay pinalo ng bitbit na bag. “Mga zombie ba ‘to! Going here is a stupid idea!” “Girls, come on! Doon tayo sa backyard!” Lumingon sa ‘min si Genesis bago binuksan ang sliding door. Although marami pa ring tao, mas fresh at mahangin naman dito sa labas. Hindi rin gaanong malakas ang music. Kumuha kami ng drinks at pumwesto sa may couch malapit sa swimming pool. "Wait... si Brix ba 'yun? OMG! Siya nga!" "Huh? Sino ba diyan? Yung kalbo na puro tatts at hikaw? My god, Vi! Mukha namang mabaho 'yan!" "Tanga! Hindi kasi 'yan! Ayun, oh! Yung matangkad na nakasuot ng growling tigers! Varsity 'yan sa UST. Ang gwapo!” Nilingon ko si Friday at Violet na naririnig kong kanina pa nagbubulungan sa ‘king tabi. "Hindi ko pa rin type! Ayoko sa mga basketball player. Babaero mga 'yan!" Umiirap at nanghahaba ang ngusong sagot ni Friday. "Ayaw rin naman nila sa'yo!" Tumawa si Violet. Naiiling na pumagitna na ako at inawat sila. Knowing these two, palaging nagtatalo. Pero palagi pa rin namang magkasama. "Hey, nasaan na naman ba si Genesis?" Tanong ko. I looked around. "Ewan ko dun. Pupuntahan daw yung Topher— Oh, ayan pala!" Sinundan ko ang direksyon na tinitingnan ni Violet at Friday. Palalapit sa'min si Genesis at may kasama siyang dalawang matangkad na lalaki. Mukhang mga model at parehong nakasuot ng designer clothes. "Girls, I want you meet my friend!" binalingan ni Genesis ang mga lalaki. "Toph, Levi, these are my friends..." bumalik ang tingin niya sa 'min. "Violet, Friday and Jane. Girls, this is Levi and Topher." The guy wearing a black jacket and black denim, extended his hand to us. "Hi I'm Topher, nice to meet you," he said in a friendly tone. Unang nakipagkamay si Violet sa kaniya na parang kinikilig pa. Then the other guy wearing a navy blue sweater with the expensive brand print on the sleeves partnered with denim pants did the same. Namumula ang pisnging inabot naman ni Friday ang kamay nang nagpakilalang lalaki. Then he looked at me and flashed a boy-next-door smile. "Levi nga pala," he said casually. Bahagyang kumunot ang aking noo bago tumango at tanggapin ang kamay niya. This guy seems familiar to me. Nagkita na ba kami before? The two guys joined our group. May mga dumagdag pang hindi namin kilala from different university. Past 8PM nang magyayang umuwi si Friday. Susunduin kasi siya ng Kuya niya sa Perps. "Uuwi na rin ako," paalam ko kay Genesis. "Too early! Wala ka naman curfew, ah?" "Napagod ako sa game kanina," I said tiredly and sleepy. "Gusto ko na rin magpahinga talaga saka walang kasama si Friday.” Tinanaw ko si Friday na naghihintay sa 'kin sa may sliding door papasok sa bahay. Kasama niya yung isa sa dalawang lalaking pinakilala ni Genesis sa'min. He volunteered himself to take us home. "Okay... just text me when you get home. Ibinilin ko naman kayo kay Levi." "Thanks. Gotta go." Nakipag-beso ako kay Genesis pati kay Violet at pinuntahan na si Friday. Gamit ang sasakyan ni Genesis, inihatid kami nung lalaki. Unang bumaba si Friday sa may waiting shed ng Perpetual Help. Tinuro ko naman ang daan papunta sa apartment ko. "Varsity ka Perps?" Bahagya kong sinulyapan yung lalaking nagmamaneho. Nakatutok ang paningin niya sa daan. I was sitting at the back seat so, hindi ko nakikita ang mukha niya. What's his name again? Hindi ako magaling mag-memorize ng mga pangalan, lalo na kapag bagong pakilala lang. "Oo," tipid na sagot ko at ibinaling uli ang aking tingin sa labas ng bintana. Nalampasa na namin yung McDonalds pati condo ni Gene. "Volleyball?" He asked again. "Yes." I nodded. "Accountancy ka, right?" Kumunot ang noo. Bakit ang dami niya atang alam tungkol sa'kin? Wala naman akong imik kanina, ah. Hindi ko na sinagot ang tanong niya dahil huminto na ang sasakyan sa harapan ng apartment ko. Bumaba ako at walang lingon-lingon na pumasok sa building. “Dadaan muna ako sa grocery. Mamayang hapon pa ang balik ko. May inuutos kasi sa ‘kin si Mama. Okay. See you later.” I pressed the end call button and went to my dresser to fix my hair. That was Genesis. And since saturday ngayon at wala akong klase, balak niyang pumunta mamaya dito sa apartment ko. Madalas talaga siya dito dahil walking distance sa condo niya. Sa'kin rin siya madalas mag-open up tungkol sa lovelife lalo na sa family. I’m living on my own. I grew up in Batangas. Since middle to high school varsity na ako. One of my coach told me to apply athlete scholarship here in Manila. At para makatipid si Mama na isang OFW sa Singapore, sinubukan kong mag-apply dito sa Perps. Suwerte naman at natanggap ako. Bukod sa tuition, libre rin ang apartment na tinitirahan ko. May space wasn't small nor big. Just enough for one-two person. Pagpasok mo, makikita kaagad ang pintuan ng bathroom then small kitchen and dining area. Kasama na sa apartment na ito ang mga furniture. Tulad ng table for two and small refrigerator. Dahil studio type ang apartment ko, walang bedroom. Naglagay na lang ako ng book shelf para gawing divider. I have a double size bed and a cute study table near the balcony door. Nakakapanibago noong unang mga taon ko dito sa Manila. Na-mi-miss ko kasi ang lola kong nagpalaki sa'kin at ang kapatid kong si Timmy. Pero unti-unti nasanay naman ako lalo na noong maging kaibigan ko na sina Genesis, Friday at Violet na tinuring ko nang parang pamilya. I have few friends, mabibilang lang sa daliri. And I'm contented with it. Tinapos ko na ang pagsusuklay sa ‘king buhok. Itinali ko ‘yon at sinuot ang sandals ko. I was about to pick up my body bag on the table when I heard knockings on the door. Tinungo ko ang pinto at binuksan. Kumunot ang noo nang mabungaran doon ang isang lalaki. He's wearing a black Nike T muscle shirt and gray sweatpants. Mamasa-masa pa ang buhok niya, maging ang mga braso habang may nakasabit na towel sa balikat. Wait... sino ba 'to? The guy smiled at me awkwardly. "Hi." Lalong lumalim ang kunot sa noo ko. "Sino ka? Anong kailangan mo?" Umiral ang pagiging paranoid ko. Hello, mag-isa lang ako dito. Paano kung akyat bahay gang pala ‘to? O di kaya budol? Imposible kasing rapist, wala siyang mapapala sa ‘kin. Bukod sa hindi ako sexy, hindi rin ako maganda. I’m just… you know? Plain Jane. Naging alerto ako at humigpit ang hawak sa door knob. Ilang sandali niya akong tinitigan na parang ‘di siya makapaniwala bago nagsalita. "I'm your neighbor.. and we've already met...” Met? Kailan? It was like, he has a some kind of mental telepathy. Nabasa niya ang nasa isip ko. “Last week… at Toph’s party.” Bumaba ang tingin ko sa nakalahad niyang kamay. “Levi nga pala.” So… he was the guy from last week, na ang daming tanong... What does he want from me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD