Chapter 2

3019 Words
Ilang sandaling tinitigan ko ang nakalahad niyang kamay pero imbes na tanggapin 'yon, bumalik ang tingin ko sa kaniyang mukha. Hindi naalis ang kunot sa 'king noo. I don't want to have any skin to skin contact with this man. Hindi sa maarte ako. I just want to be careful. What if may pampatulog pala sa kamay niya. Or may kasama siya somewhere at bigla na lang pasukin ang unit ko. Or you know, bigla akong i-hypnotize? Yes, morbid na at paranoid ako. Pero maraming napapabalita sa news ngayon. Hindi pa rin ako sure sa tunay na kailangan niya. Kung si Genesis kasi ang kailangan niya, why don't he message her, right? Imposibleng hindi sila magka-follow sa mga social media accounts. I cant just give him her address too. That's too risky. Tulad ko ay mag-isa lang rin si Genesis sa condo niya. "Do you need anything? Si Genesis ba ang kailangan mo? You can just chat her.” I said rapidly, still holding tightly on my doorknob. The guy scratches his head. "Ah.. actually.. hindi si Genesis ang kailangan ko." "Huh? Eh, sino?" "You..." he said, pursing his lower lip. Parang tangang tinuro ko pa ang aking sarili. "Ako?" "Oo. Kasi... kasi..." nag-aalangan na hindi niya maituloy ang sasabihin. Wala akong time ngayon. I need to go to the mall. Baka naroon na yung pinapa-meet-up sa 'kin ni Mama. "Kasi ano?" I urged him to speak up. He shooked his head and took a deep long breath. "I just wanna to ask you for a favor..." Favor? I never expected that. I mean, we just met last week. And it doesn't mean that we're friends. At saan naman niya nakuha ang ideyang papayag ako kung sakali man sa favor na hihingin niya? "Anong favor?" Tinanong ko pa rin siya. "I was in a hurry earlier. Late ko na nalaman na naiwanan ko pala yung susi sa loob ng unit ko." Napangiwi siya. "I just live in the unit next yours." Sinulyapan ko ang katabing unit na itinuro niya. Kaya pala familiar ang itsura niya noong ipinakilala siya ni Genesis sa 'min nung party. Malamang ay madalas kaming magkasalubong dito sa building. Di malabong mangyari dahil magkapitbahay kami. Well, I wasn't interested and paying attention to the people around me. Wala akong naging kabatian man lang dito sa building ko. It's not that I care. Masaya na ako sa kakaunting kaibigan na meron ako. "Tapos?" I asked curiously. Anong kinalaman ko sa susi ng unit niya? "Plano ko sanang tumawid sa balcony ng unit ko... I left the door there unlock.. but to do that, I need to use your balcony. If it's okay with you." Lumingon ako sa loob ng unit ko pagkatapos ay bumalik sa kaniya ang aking tingin. Kung papapasukin ko ba siya sa apartment ko, anong kasiguraduhan na 'di siya gagawa ng masama? "Don't worry. I assure you, hindi ako masamang tao. Sa Perps rin ako nag-aaral. Promise." Itinaas pa niya ang kanang kamay. "Cross my heart hope to die." Napakamot siya sa ulo nang mapansing na-we-weirduhan akong nakatitig sa kaniya. "I'm sorry," he sigh. "It just so happened that my friend living next door is currently out of town.. wala akong choice kaya kinapalan ko na ang mukha ko para katukin ka," he pursed his lips again, staring at me hesistantly. “Pwede tayo magpunta sa landlady para sa duplicate ng susi unit mo…” “Uh, actually I already went to her. Pero sabi nung anak niya na nakausap ko, bukas pa daw babalik yung nanay niya. He didn’t know where she put the key. Hindi naman daw niya ma-i-text kasi sinabihan siyang huwag iistorbohin. Nasa seminar or team building ata.” “Oh,” patango-tango kong usal. Ilang sandaling tinitigan ko siya, inaalam kung nagbababi ba siya ng totoo bago ako marahang tumango. Mukha namang totoo ang sinasabi niya. Hindi rin naman siya mukhang gagawa ng masama. And if ever he tried to do something, I'm sure may information si Genesis ng lalaking 'to na pwedeng gamitin ng pulisya para mahuli. Niluwagan ko ang bukas sa pinto. "Okay. Pero pakibilisan lang kasi may pupuntahan pa ako." “Oh, right,” atubili niyang sinabi. “Thank you.. thank you..” Iniwanan kong nakabukas ang pintuan kaya sumunod siya sa 'kin sa loob. Kahit hindi ako nakatingin, ramdam kong pasimple niyang iniikot ang paningin sa loob ng unit ko. Binuksan ko ang sliding door papunta sa balcony bago ko siya hinarap. Mabilis niyang binaling ang tingin sa ‘kin mula sa pag-iikot bago alanganing ngumiti. “We have the same unit interior…” Tumango lang ako bago gumilid para makadaan siya. Maliit lang ang balcony na kakasya ang dalawang tao. Halos isang hakbang lang ang pagitan niyon sa katabing balcony ng unit niya. Pinagmasdan ko siya habang hinuhubad ang Nike na sapatos niya pati medyas. Isinabit rin niya ang towel na nasa balikat sa railings ng balcony ko. "Are you sure about that?" Hindi ko napigilang itanong nang sumilip ako sa ibaba. Nasa 6th floor ang unit namin. Kung magkakamali siya ng hakbang or hawak, siguradong hindi siya bubuhayin niyon. "Oo." Patango-tangong lumingon siya sa 'kin. Tumutulo ang pawis sa gilid ng kaniyang pisngi. Dahil maputi ay namumula ang balat niya dahil sa mainit na klima pati singaw ng AC. "Nagawa ko naman na 'to dati. Madalas ko maiwanan ang susi sa loob ng unit ko." He winced and shooked his head. "Oh, okay..." I crossed my arms over my chest, leaned against the railing and watched him. Inilabas niya ang binti sa railing at itinapak ang paa sa makipot na gutter. Isinunod niya ang isa pang binti habang kitang-kita sa braso ang mga ugat at muscles sa mariing pagkakahawak ng mga kamay niya sa railings. Sumulyap pa siya sa ibaba at huminga ng malalim bago tumalon sa kabilang balcony. Napadiretso ako ng tayo at nakahinga ng maluwag nang makita kong safe siyang naka-landing sa balcony niya. Bumalik na ako sa loob ng unit ko nang pumasok siya sa unit niya. I was about to go out pero naunahan ako ng sunod-sunod na katot. When I opened it, It was Levi again. Smiling from ear to ear. Hindi pa siya man lang nagpalit ng damit. "Thank you, Jane. If you need anything... anything to repay your kindness just tell me." "Okay lang," sagot kong lumabas ng aking unit at ni-lock ang pinto. "Don't bother" "Still thank you." Tipid siyang ngumiti. Tumango ako at tumalikod saka naglakad papalayo. Huminto ako sa harapan ng elevator at lumingon sa kaniya. He was still standing there. He waved his hand and smiled at me. I just nodded before I went inside the elevator. Naghihintay na sa harapan ng building ang Grab car pagbaba ko. Sumakay kaagad ako at bumiyahe na kami papuntang North kung saan kikitain ko yung kasamahan ni Mama sa trabaho. May mga pinadala raw siya para sa 'min ng kapatid at lola ko. Hiyang-hiya ako pagpasok ko sa loob ng Yabu. Ang usapan kasi namin ay 2PM pero dahil na-traffic pa ako sa Edsa at sa pabor na hiningi ni Levi, 4PM na ako nakarating ng SM North. "Tita, pasensya na po." Hinging paumanhin ko habang umuupo sa vacant seat sa harapan ni Tita Gina. "Na-traffic po kasi ako." "Okay lang. Umikot-ikot rin naman ako habang hinihintay kita." Nakangiting iwinasiwas niya ang mga kamay. "Teka, kumain ka na ba? Umorder muna tayo. Anong oras na pala, oh." Itinaas niya ang isang kamay para tawagin ang waiter. Pinapili niya ako sa menu. At dahil nalipasan na ako ng gutom, small meal na lang ang inorder ko. Habang hinihintay ang order namin at nang maihatid 'yon, walang tigil sa pag-kukwento si Tita Gina. Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya habang kumakain. Dati namin siyang kapitbahay sa Batangas na natulungan ni Mama na mag-abroad noon kaya isa na siyang domestic helper sa Singapore ngayon. "Nakakatuwa naman. Huling kita ko pa sa 'yo high schools ka noon, di ba? Ngayon tamo nga naman ang bilis-bilis ng panahon! Anong year mo na nga pala, iha?" "Third year na po," tipid na sagot ko at tumusok ng kapirasong chicken katsu, isinubo 'yon saka marahang nginuya. "Nabanggit sa 'kin ng Mama mo na varsity ka daw kaya halos wala siyang binabayaran sa tuition mo?" Tumungo ako. "Opo. Athlete scholarship po sa Perpetual Help." "Anong sports?" Curious na tanong niya. "Volleyball po." "Ay, kaya pala fit ka! Ang galing-galing naman!" Tuwang-tuwa at manghang komento ni Tita Gina. "Tapos accountancy ka pa. Nakuuuu, ikaw talaga ang magpapayaman sa Mama mo! Alam mo bang proud na proud 'yon sa 'yo! Tuwing may get together kami ng mga pinay doon sa Singapore— walang bukam-bibig kundi ang panganay niya! Aba, sino ba namang hindi magiging proud? Kung matalino, masunurin, mauunawain na ay maganda pa!" Nag-init ang aking pisngi at bahagya akong napangiwi. Hindi sumagi sa isip ko kahit kailan ang mga adjective na 'yon patungkol sa 'kin. Hindi ako tulad ni Friday na feisty and fierce. Ni Genesis na gorgeous and smart. At ni Violet na vivacious and I'm always the simple and unnoticeble Jane. "Salamat po, Tita Gina..." mahina ko na lang na sinabi. "Ay, oo nga pala! Ipakikilala kita sa anak ko. Teka, nasan na ba ang batang 'yon! Na-traffic rin ata, ah." Kinuha niya ang cellphone sa bag pero di pa nakakapagtype, nang bigla ay may tinanaw ito at kinawayan. "Oh, ayan na pala! Anak, dito!" Lumapit ang isang binata na nakasuot ng STI uniform. Naupo siya sa bakanteng silya sa harapan ko at katabi naman ni Tita Gina. "Jane, anak ko nga pala si Jerome. Rome, si Jane. Anak ni Tita Elsie mo.. naalala mo yung dati nating kapitbahay sa Balayan?" "Ma, ang dami nating kapitbahay doon..." kunit noong sagot tugon niya kay Tita Gina. "Yung naging kaklase mo sa Kinder garten. Yung crush mo noon. Yieeeee!" Napakamot sa pisngi si Jerome at hiyang-hiyang nag-iwas nang tingin pagkatapos akong sulyapan. "Ma, ang daldal mo. Nakakahiya." "Kuuuu! Lagi ka ngang nagpapabili noon sa 'kin ng Cloud 9 at Honey, kamo bibigay mo kay Jane—" "Ma!" Inis na awat ni Jerome sa Mama niya. Nakangising inakbayan siya ng Mama niya. "Mahiyain talaga 'tong anak ko, Jane. Pero totoong crush ka niya noon—" "Ma!!!" Hindi ko napigilan ang matawa kay Jerome at Tita Gina. I wish, my relationship with my mom was like that. Hindi kasi affectionate si Mama, medyo strict pa lalo na pagdating sa 'kin dahil panganay ako at nasa edad daw na mapusok at padalos-dalos sa mga desisyon. Though, kahit minsan ay hindi siya nagkulang sa mga pangangailangan namin ni Timmy. Hindi rin nakakalimot na mangumusta at tumawag. PAGKATAPOS kumain at maibigay ang dalawang paper bag na padala ni Mama, nagpaalam na ako kay Tita Gina. Ipinipilit pa niyang magsabay na kami ni Jerome, dahil nagdodorm pala ang lalaki malapit sa apartment ko. But I refused. Ma-bo-bored lang siyang kasama ako sa mahabang biyahe. Nag-book na ako ng Grab car. Nawala na sa isip ko ang dumaan sa grocery. Wala na rin naman talagang time. Gagabihin ako sa daan. Bukas na lang ako mamimili. Napapaidlip na ako sa byahe nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone sa bulsa ko. Kinuha ko 'yon at nakitang tumatawag si Mama. "Hello, Jane? Nakuha mo ba yung mga pinadala ko sa Tita Gina mo?" Bungad niya sa 'kin pagsagot ko. "Opo, Ma. Nakuha ko na po." Niyuko ang dalawang paper bags sa paanan at hinalungkat. Puro 'yon damit ko at laruan ni Timmy. "Two paper bags, right?" "Oo. Bukas ipadala mo na 'yan sa Lola mo. Mag-se-send rin pala ako ng pera sa bank account mo para sa allowance nila. Nakausap ko ang Lola mo may babayaran daw si Timmy sa school." "Yes. May fieldtrip daw sila Tim sabi ni Lola." "Ikaw ba? May allowance ka pa?" Sumandal ako sa upuan at tumanaw uli sa labas ng bintana. "Meron pa po." Hindi ako magastos kaya yung pinadala ni Mama na allowance ko for a month ay madalas umaabot pa sa susunod na buwan. May natitira pa at naiipon ko. As much as possible, ayokong humihingi palagi. Pera lalo na ang material things. Madalas si Mama pa ang nagpupumilit na bilhan at bigyan ako ng kung ano-anu. Tulad na lang ng cellphone. Nagagamit ko pa naman 'yong luma, pero binilhan pa rin ako. Yung latest pa na iphone na pagkamahal-mahal. "Jane, baka naman masyado mong tinitipid ang sarili mo," may paninitang sabi Mama. " "Meron pa talaga kong allowance, Ma. Hindi naman kailangang monthly mo akong bigyan. Idagdag mo na lang para kina Lola." "May nakalaan para sa kanila at para sa 'yo. I told you. Mag-enjoy ka rin paminsan-minsan. Baka puro aral ka na lang at training. Wala namang masama doon, pero mahirap kapag na-burn out ka." "Yeah... I know, Ma... don't worry, I'll be fine." "O siya, mag-iingat ka sa biyahe. Ichat mo ako kapag nakauwi ka na." Ibinaba ko na ang tawag at pumikit uli. Hindi pa nagtatagal sa pagpikit ang mata ko nang mag-vibrate ulit ang cellphone. I picked it up and saw the notifications. You have received 50,000 to your bank account. Jerome Magsilang started following you. Levi Vasquez started following you. Kumunot ang noo ko sa huling notification. I clicked his Socmed and carefully scrolling through it. Levi Vasquez | BS Marketing | 12450 followers Ang simple ng bio niya pero ang daming followers. He's quite famous. Matataas ang likes na ng mga photos niya lalo na yung medyo daring, showing his perfect muscular body. Marami ring comments at majority galing sa mga babae. I noticed some pictures from different male pageants and some unknown brand shoot. Teka, bakit naman niya ako finollow? Natigilan ako sa pag-scroll nang mag-pop up ang chat box icon. Genesis: Janeeey! Jane: hey, wala pa ako sa apartment. Gene: Oh, it's okay.. hintayin na lang kita. Anyway, nandito ako sa apartment ni Lev. He followed you! Hinanap ka pa talaga niya sa account ko! My brows furrowed. Hindi pa ako nakakapag-type ng reply ko nang mag-chat siya ulit. Gene: iba na ‘yan! Yiiiiiieee! I rolled my eyes, typing a reply. Jane: It's nothing, okay... Humingi lang siya ng favor kanina. Gene: Yeah, he told me. And why you sounded so defensive, dear? XD. Jane: I'm not. I gotta go. Bye. See you later! Tinapos ko na ang usapan namin dahil sure ako, hindi titigil si Genesis sa pang-aasar, baka mauwi na naman 'yon na mapilit akong makipag-blind date. I agreed once, and that was a huge mistake na ayoko nang maulit. I arrived in my apartment and immediately chatted Genesis. Nakapagpalit na ako ng pambahay nang kumatok siya. When I opened the door, hindi lang Genesis ang nandoon. Kasama niya si Levi. "I already introduce the two of you, right?" Bungad ni Genesis na naglilipat ang tingin sa 'min. Halatang nagpapatay malisya pero kitang-kita ko ang lihim at mapang-asar niyang ngiti. "Yeah," sagot ni Levi na bumaling sa 'kin, namulsa siya sabay ngumiti. "Hey..." "Hey..." I looked up to him. Pero kaagad rin akong nag-iwas ng tingin para balingan si Genesis. "Kadarating ko lang. Kanina ka pa naghihintay?" "Medyo. It's fine. Levi is a good company," ngumisi siya at pumasok sa unit ko. "Gotta, bro. Thanks!" Tumango si Levi, sumulyap pa siya sa 'kin bago nagpaalam at umalis. Nang maiwanan kami ni Genesis, she opened up about her family and long time boyfriend. Growing up with a silver spoon in her mouth, getting the material things she wanted and having a good looking and ideal boyfriend, I thought Genesis's life is perfect. But the truth is, it's actually from that... I say you cannot have everything in life, kahit mayaman ka pa. Hindi na rin nagtagal si Genesis dahil parehas pa kaming may klase bukas. When she left I did my skin routine and sat on my bed, reading a book. Nagpapaantok na ako nang umilaw ang cellphone ko na nasa ibabaw ng night table. Kinuha ko 'yon at binasa ang bagong message. It was from unknown sender. Unknown: Sleeptight, Jane :) My brows furrowed. Tulalang napatitig ako sa screen ng cellphone. Nagdadalawang isip kung rereplyan ang unknown sender. Napalingon ako sa pader na sinasandalan ko, where I could hear the muffled music from Levi's unit. Napabuntong hininga ako at pinatay na ang lamp saka humiga at tumitig sa kisame. Impossibleng siya yung unknown sender. Nasa rule naming magkakaibigan na bago ibigay ang number sa kung sinoman, you must asked first. At bakit naman niya hihingin ang number ko? He already thank me... Napapailing na tumagilid ako ng higa at pumikit. Nakatulog na lang ako na iniisip sino ang unknown sender na 'yon. THE next day I woke up my usual routine. My class started at 9AM. So, I took a bath and wore my uniform. Kagabi pa naghanda na ako ng baon ko kaya kinuha ko na lang 'yon sa ref. I put it in the microwave. While waiting for the food, I comb my hair and fix my things. Pinalitan ko ang ginagamit kong shoulder bag na palagi kong ginagamit ng Aldo back pack, kasama sa mga pinadala ni Mama. Bigla naalala ko yung ipapadala ko nga pala sa lola ko. Sinulyapan ko 'yon sa corner. Saka dinampot. Balak ko sanang balikan na lang after class pero ang hassle pa. Though, malapit lang naman itong apartment ko sa university, pede ngang lakarin. Pero baka magkayayayaan kumain sa labas then may training pa ako. Pagtunog ng microwave kinuha ko na ang baon ko at nilagay sa bag. I looked my self in the mirror for the last and satisfied with the way I look. Uniform, no make up just power and pony tails. Yep, that's me on a daily basis. I picked up my key and went to the door, but before I could opened it, naunahan ako ng mga pagkatok. Kunot noong binuksan ko 'yon at bumungad sa 'kin ang malapad na likod ng isang lalaki. Pumihit 'yon paharap. "Good morning..." Levi greeted, flashing his boy-next-door smile. My brow furrowed, staring at him. What does he want from me... again?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD