Chapter 3

3289 Words
"Bakit?" I noticed just like me he's already in his uniform. Nakasabit sa balikat ang itim na back pack. Halatang bagong paligo. And he looks fresh and smells good... I want to pull my hair at that thought. Kailan pa ako nagkaroon ng pakialam sa itsura at amoy ng mga nakakausap ko? "Tungkol sa kahapon..." panimula niya sabay ipinamulsa ang mga kamay, kinagat-kagat ang gilid ng kaniyang ibabang labi. Gumilid siya nang lumabas ako ng unit. Ni-lock ko ang pinto bago pumihit paharap sa kaniya. Hindi ako nagsalita, kunot ang noong tinitigan ko lang siya. "Nakakatakot ka naman makatingin..." biro niya na bahagya pang natawa. Lalo ko naman siyang kinunot ng noo. Ganito naman talaga ako. Hindi ako masalitang tao, lalo na kung hindi ko pa kilala at hindi pa ako komportable. And his presence made me a little bit uncomfortable. I don't know why... Kumamot si Levi sa batok niya nang manatili akong walang imik. "Yung tungkol favor kahapon.. Remember?" Marahan akong napatango. "Uh, what about it?" "I told you if you need anything don't resitate to ask me, right? But I can see that you're not the type of person, na humihingi ng tulong sa iba..." I slightly raised a brow at him. "You think so?" He nodded and flashes a grin. "Yeah, kaya naisip ko na lang na i-treat ka kumain sa labas para makabayad ako." Whoa.. what made him think na sasama ako sa kaniya kumain sa labas? Sumabay siya sa 'kin nang maglakad ako papunta sa elevator. "I told you don't bother.." tugon ko na hindi lumilingon sa kaniya. "Hindi iyon utang so, hindi mo kailangang bayaran. Kahit naman sino nasa posisyon ko kung may nangangailangan, I'm sure they will help you." "Still.. I insist." I shooked my head and went inside the elevator. Sumunod pa rin siya sa 'kin at siya pa mismo ang pumindot ng ground button. "Harmless naman ako. Tanong mo pa si Genesis," pagpapatuloy niya. Gusto kong matawa sa sinabi niya, but I remained emotionless. I don't know.. I never dealt with a guy someone like him before. Hindi sa walang nagyayayang lumabas sa 'kin. There were few actually, na napagtyagaan akong yayayaing makipag-date kahit wala namang kaaya-aya sa itsura at personality ko. Pero kapag tumanggi ako ng isang beses, hindi na sila nangungulit pa. "What do you mean by that?" "Alin? Yung harmless?" Sumandal siya patagilid, paharap sa 'kin habang magka-krus ang mga braso sa dibdib. "Harmless, you know... hindi ako gagawa ng bagay na hindi mo gusto." Hindi ko pa rin siya nililingon. But I could feel his eyes staring at me. "I'm sorry I have to decline. May lakad ako mamaya," itinaas ko ang hawak kong paper bag. Buti pala dinala ko na 'to. May dahilan talga ko para tumanggi. Tamang-tama naman bumukas ang elevator. 'Di pa man siya nakakapagsalita lumabas na ako. Naglalakad na ako papunta sa university at imbes na lubayan ako at sumakay ng jeep o ng kotse niya kung meron man— sumabay pa rin siya sa 'kin sa paglalakad. "After ng gagawin mo saka tayo lumabas," kaswal pa na sabi niya. Sinulyapan ko lang siya saka binilisan ang hakbang ko. Bakit ba hindi na lang ibang babae ang yayain niya? I’m sure sa itsura niyang ‘yon walang tatanggi kahit isa. Dahil sa pagmamadali, hindi ko napansin na lumampas na ako sa white line ng kalsada at papasalubong sa 'kin ang bisikletang mabilis ang patakbo. Kamuntikan na lang akong mapatili nang bigla may mga kamay na humawak sa beywang ko. Hinigit ako niyon at sumubsob ang mukha ko sa matigas na bagay. "Tarantado nito, ah!" Rinig kong galit na sigaw ni Levi. "Ang aga-aga lasing ata yung gagong siklista na 'yon." Inilapat ko ang mga kamay ko sa dibdib niya kung saan sumubsob ang mukha ko, saka tumingala. Kitang-kita ko ang pagsasalubong ng kilay niya habang nakatingin doon sa papalayong bisikleta. "Okay ka lang?" May pag-aalalang tanong niya nang bumaba tingin sa 'kin. He was still holding my waist, tightly. Wala sa sariling sunod-sunod akong tumango. "Sure ka?" Hinawakan niya ang magkabilang braso ko para ilayo ako ng kaunti sa katawan niya saka sinuri ng tingin ang kabuoan ko. "Hindi ka ba nagalusan? Hahabulin ko yung gagong 'yon kung meron." Hindi ko alam kung dahil sa kamuntikan akong masagasaan ng rumaragasang bike o dahil sa sobrang lapit niya sa 'kin— hindi ko magawang magsalita. My heart felt like hammering inside my chest. I was just staring at him. "Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Tsk! Kamuntik ka pa masagasaan." I bit my lower lip. Shame on me and shame on him! I already declined his invitation pero makulit pa rin siya. Ayoko pa naman 'yong pinipressure ako. Pero kung hindi naman niya ako niligtas, edi nasagasaan pa sana ako at bumulagta sa kalsada... I sighed. "T-Thank you for saving me—" "Uy, si Levi 'yon di ba?" "Hala, oo nga! Yung nanalo last year doon sa bar na pinuntahan natin!" Natigilan ako at napalingon sa dalawang babaeng naglalakad sa gilid namin. Nagbubulungan na huminto sila habang patingin-tingin kay Levi. "Ang gwapo 'no?" Kinikilig na sabi nung isa. "Tara lapitan natin!" Nakita ko 'yong pagkakataon. Ipiniksi ko ang aking braso dahilan para bitiwan 'yon ni Levi saka ako tumalikod. Nabangga ko pa sa balikat yung isa sa dalawang babae na lumapit nang mabilis ako maglakad papalayo. "Jane! Magka-group tayo sa Principles of Marketing sabi ni Ma'am Ignacio. Nagawa mo ba yung chinat ko sa 'yo kagabi?" Bungad sa 'kin ni Belle na kaklase ko mula pa 1st year pagpasok ko sa classroom namin. Oo." Pumalibot sa 'kin ang mga ka-group ko pagkaupong-pagkaupo ko sa pwesto ko. I showed them the power point presentation I made last night. I asked them if they want to add in the information or change the design. But they fine with it. At wala na silang reklamo. "Oks na oks na yan! Buti ka-group ka namin! Thank you, Jane!" Tipid lang akong ngumiti. My classes finished around 2PM. Walang prof sa last subject kaya maaga kaming dinismissed. Sakto naman kasi dadaan ako sa mall para ipadala kay Lola yung package at mag-grocery na rin. "Ngayon ko po ipapadala yung package galing kay Mama, La! Nandiyan po ba si Stella? Siya po ang uutusan kong pumunta sa bayan!" "Ano kamo basket?! Bakit mo kailangan ng basket!" Tinawagan ko si Lola habang naglalakad ako sa university lane para iinform sa ipapadala kong package. Medyo bingi na siya dahil sa katandaan kaya kailangang malakas at malinaw ang boses kapag kausap ko siya. Ksama nila sa bahay si Stella na pinsan ko. Pinapasuwelduhan siya ni Mama para mag-asikaso kay Timmy at Lola. "Hindi po basket! Package, La! Package!" "Ah, package! Nandine si Stella! Sandali nga, tatawagin ko. Stella! Stella! Kakausapin ka daw ni Jane.” Kinausap ko si Stella pagkabigay ni Lola ng cellphone sa kaniya. Alam naman na niya ang gagawin dahil ilang beses na akong nagpapadala ng package. Tumawag lang ako para sure. "O, sige na. Alagaan mo si Lola at Timmy. Bye." Pinindot ko na ang end button at inilagay ang cellphone sa loob ng bag ko. Pagbalik ng tingin ko sa unahan, natigilan ako nang tumambad sa 'kin ang malapad na dibdib ng estudyanteng humarang sa harapan ko. I looked up and saw Levi again. "Hi," he greeted, smiling. "Kain tayo?" Iniligtas naman niya ako kanina. Mamaya isipin pa niyan isipin niya masyado akong hard to get, di naman ako maganda. Hindi rin masamang paminsan-minsan ay makipagkilala ako sa iba bukod sa mga kaibigan ko. I sighed and nodded. "Sige na nga." "Nice!" Napapitik pa siya sa ere saka sumabay sa paglalakad ko. "Tara may alam akong unli wings na malapit!" Pagkalabas namin ng university tumawid kami sa overpass at sumakay ng tricycle sa kanto ng subdivision nina Friday. “Gloria Diaz, Boss.” Sabi niya sa driver saka umupo sa tabi ko. Habang nasa biyahe ay tahimik kaming dalawa. Medyo masikip sa loob ng tricycle dahil malaking lalaki si Levi. I think he’s almost 6 ft. Pwede siya ihanay sa mga varsity ng Perps. He has a fair skin na namumula kapag mainit ang panahon tulad ngayon. He was in perfect shape too. His wavy chocolate hued hair, flew every time the wind blows. Pasimpleng umangat ang paningin ko papunta sa kaniyang mukha. Una kong napansin ay ang matangos niyang ilong, prominente ang panga, makapal ang kilay na pinaresan maamong mga mata na mahahaba ang pilik. But what really caught my attention was his lips… I don’t know, what kissable lips looked like until now… his lips was a little thick at the bottom and thin on the upper, it was moisture and perfect in color. Tumaas ang sulok niyon na nauwi sa isang pilyong ngiti. “Pumasa ba ako sa physical standard mo?” Damn! He caught me shamelessly dissecting him! Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang lumingon siya sa ‘kin. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-pretend na nag-scroll doon, nang marinig ko siyang mahinang tumatawa. Kunot noong binalingan ko siya. Nakangising bumaba ang tingin niya sa cellphone ko at nginuso ‘yon. “Ang galing ng talent mo, ah? Nag-ce-cellphone ng baliktad.” Sinundan niya uli ‘yon ng tawa. Huh? Bumaba ang tingin ko sa cellphone at namilog ang mata ko. My ghad! Baliktad nga! I’ve never been this embarrassed my whole life! What’s happening to me? Mabuti na lang huminto na yung tricycle na sinasakyan namin sa tapat ng King Of Wings. Pumasok kami sa loob at dahil past 2PM pa lang, wala masyadong tao. “Welcome back, Sir!” duet na bati nung dalawang babaeng nagseserve ng food. Huminto pa sila sa ginagawa at sinundan ng tingin si Levi. Pansin kong kinikilig sila habang nagbubulungan at nakatingin kay Levi na iniikot ang mata sa kainan, humahanap ng magandang pwesto, hindi aware sa atensyon ng mga babaeng nakatingin sa kaniya. Pumwesto kami sa may tabi ng nakabukas na bintana. Wala aircon pero may mga electricfan naman. Kaya lang katanghaliang tapat kasi kaya mainit pa rin talaga. “Ang init,” inilabas niya ang panyo sa bulsa ng pantalon at pinunasan ang pawisang braso at noo. “Badtrip, dapat pala nag-samgyup na lang tayo.” Bumaling siya sa ‘kin saka alanganing ngumiti at kumamot sa batok. “Sorry, ah. Di ka ata sanay na naiinitan..” Kumunot ang noo. “Hindi naman ako matutunaw kahit mainitan ako.” Naiiling kong sinabi sabay kinuha ang menu na iniabot ng lumapit na waitress. Di nawawala yung ngiti niya sa labi habang kinukuha ang order namin. I ordered garlic parmesan. Sweet and spicy naman kay Levi. Sandali lang kami naghintay, sinerve kaagad sa ‘min chicken wings na mainit-init pa. Kinuha at sinuot ni Levi ang plastic gloves niya pagkatapos ay bumaling siya sa ‘kin. Kinuha niya sa kamay ko ang gloves at siya mismo ang nagsuot sa ‘kin. “Teka, marunong ka ba kumain niyan?” I rolled my eyes. “Ano naman akala mo sa ‘kin? first time ko mag-chicken wings?” nakatitig sa kaniya na kinuha ko ang isang piraso ng wings. Gamit ang dalawang kamay, I tore it apart, pero lumipad yung kalahating parte papunta kay Levi. Natawa siya at sinalo yung manok. “Oh, buhay pa. Lumilipad pa, eh.” Pinamulahan ako ng pisngi. Pangatlo kahihiyan ko na ‘to ngayong araw. Nagsimula na kaming kumain. And while we were eating, the awkwardness I felt gradually lessen. Though, siya ang mas maraming tanong dahil hindi naman talaga ako yung tipo ng taong, inaalam lahat-lahat. I usually observed and analyze. Sa paraan na ‘yon unti-unti nakikilala ko ang isang tao. “Nabanggit sa ‘kin ni Genesis na Accountancy ang course mo? Edi, magaling ka sa math?” Napailing ako habang hinihimay yung chicken wings. “Alam mo ‘yan ang misconception ng mga tao sa accountancy or kahit anong course. Hindi naman dahilan na magaling ka math or English ay kukuha ka ng course na related doon. there’s things you need to consider aside from it. You know..” “Things like what?” “I don’t know.” I shrugged. “Budget kung kaya mo ba or ng parents mo ang expenses then, you also need to consider.. if in demand ba siya o magiging in demand here in our country or sa ibang bansa para may choices ka. “So, ikaw pala yung tipo ng tao na planado na ang lahat bago gawin or magdesisyon sa isang bagay?” patango-tangong sinabi niya. Nahinto ako sa paghihimay at binalingan siya. “Hindi. Ako yung taong maingat gumawa ng mga desisyon. Dahil ang maling desisyon, mali rin ang resulta, na mahirap na baguhin at balikan pa.” He stare at me for a moment. “But sometimes, we learned from our mistakes. Sabi nga diba, kapag nadapa, bumangon and be a better person than you were before.” Natigilan ako nang alisin niya ang gloves at tumaas ang kamay niya papunta sa gilid ng aking labi. He touched it lightly but enough to make my heart skips a beat. “May sauce,” he said, showing his thumb that he used to removed the smudge. Ilang sandaling nagtitigan kami bago parang napapasong nag-iwas ng tingin nang lumapit ang waitress at magtanong kung may oorder uli kami. “Gusto pa mag-try ng ibang flavor?” tanong ni Levi sa ‘kin. Umiling ako at tumingin sa wrist watch ko. 4PM na pala. Hindi ko napansin ang oras. “Hindi na. kailangan ko na rin umalis, eh.” Binalingan ni Levi yung waitress at sinabing magbabayad na kami. Pag-alis nung waitress, I took out my wallet inside my bag. “Half-half?” I offered my money. “Hindi.” Umiiling na sagot niya. “Sagot ko na ‘to,” sabay kindat. Napairap lang ako na ikinatawa niya. Siguro ganito ang tactics niya sa mga babaeng nakilala, kaya ang dami niyang fans. Nag-abang kami ng tricycle paglabas namin ng King Of Wings. Madali naman kaming nakasakay at tulad nung papunta magkatabi pa rin kami. “Ako na magbabayad sa pamasahe natin,” sabi ko pagbaba namin ng tricycle. “Ikaw na nagbayad ng food kanina.” Hindi ko talaga ugaling magpalibre. Syempre pareho kaming estudyante, paano kung allowance pala niya ng ilang araw yung ginastos sa pinangbayad sa food? Napakamot siya sa ulo at walang sabi-sabi na nag-abot ng bente pesos sa tricycle driver. Hindi na hinintay ang sukli, inilapat niya ang kamay sa likod ng beywang ko at iginiya ako palakad “Tara na,” he said seriously. Kunot noong palingon-lingon ako sa kaniya habang naglalakad kami. Kanina lang pangiti-ngiti siya, ngayon ang seryoso ng itsura. Teka, ano bang problema niya? “Salamat sa treat,” sabi ko nang marating namin ang kanto kung saan ako mag-aabang ng jeep papuntang mall. Tumango lang siya. Luminga-linga na ako sa kalsada para pumara ng jeep. I expected that he left, pero nagulat na lang ako nang humarang siya sa harapan ko. Nagtatakang tumingala ako sa kaniya. He looked so serious. Hindi ko naman siya matanong kung bakit. Baka sabihin ang pakialamera ko. "Saan ba ang punta mo?" "Diyan lang sa mall..." "Samahan na kita." I was about to answer him, nang parahin niya yung dumaan na jeep. "Tara na," sabay inilapat uli ang kamay sa likod at giniya ako pasakay ng jeep. Hindi pa naman ako pumapayag na isama siya, ah? "Kaya kong pumunta mag-isa ng mall," asik ko sa kaniya pag-upo namin. Instead na sumagot, dinukot niya ang wallet sa bulsa. Pero inunahan ko siya. Mabilis akong nag-abot ng twenty pesos sa harapan ko. "Bayad po! Dalawang SM. Estudyante." Binalingan nya ako. "Bakit ikaw nagbayad?" "Ano namang masama? You already paid for our food." He shooked his head and remained silent until we reached the mall. Kanina nawala na ang awkwardness sa pagitan namin, pero ngayon para na naman kaming strangers. I dont get him. Sasamahan niya ako pero parang wala rin akong kasama. Napapailing na nanguna na akong lumakad. Kahit hindi ko siya lingunin alam kong nakasunod siya sa 'kin pagpasok ko sa LBC. Habang nag-fi-fill up ako ng form, naupo at hinintay ko ni Levi sa bench. Pasulyap-sulyap ako sa kaniya at 'di nagbabago ang itsura niya. "Asan po yung ipapadala?" Tanong sa 'kin nung lalaking nagpoprocess ng mga package. I showed him the paper bags I was holding. Pagkatapos binigyan niya ako ng maliit na box para doon ko ilalagay ang laman ng paperbag. Inaayos ko na ang box nang lapitan ako ni Levi. Natigilan ako ng hindi nagsasalitang kuhanin niya sa 'kin yung box at siya na mismo ang nag-ayos niyon. "Boss, may tape kayo diyan?" Tanong niya sa lalaking nagbigay ng box sa 'kin. Nilagyan niya ng tape ang opening ng box at sinigurong secure 'yon bago binigay sa lalaki. Pagkabayad ko ng delivery fee at masabi kay Stella na pick-up-in sa bayan ang package, lumabas na kami ng LBC. We were walking going to the grocecy when I glanced at him. "Thank you..." I told him, hesistantly. Tumango lang siya at nanatiling walang imik hanggang sa matapos ako sa pamimili. Hindi na rin ako nagsalita pa. Even if I want to start a conversation, di ko na lang ginawa. Baka mas maging worst lang. Nag-book ako ng Grab car dahil marami-rami rin akong pinamili. Si Levi ang nagbaba at nagbuhat ng mga grocery ko paakyat sa floor namin. Paghinto sa tapat ng unit ko, sinenyasan lang niya akong buksan ang pinto. Sumunod ako at siya pa rin ang nagpasok ng box sa kitchen ko dahil may kabigatan 'yon. "Thank you again for helping me..." Hinatid ko siya may pintuan. Nakatayo siya sa labas ng unit ko. "No problem," tugon niya na tinanguhan pa ako bago tumalikod at umalis. Nasundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa pumasok siya sa unit niya bago ako bumalik sa loob ng unit ko. I changed into comfy clothes after I took a shower and then dialed Genesis's mobile. "Hey, whats up?" "Gene, hey..." I sat on my settee, combing my hair. "Can I ask you something?" "What is it?" I bit my lower lip. Siguradong aasarin niya ako oras na magtanong ako. Pero 'di naman ako mapapakali. "About... um..." "Yes? About what?" I could hear her smirked. "Levi." I said quickly. Narinig ko ang mahina niyang pagtili. "Niyaya ka makipag-date 'no?! I knew it!" "Hindi 'yon date... gusto lang niya makabayad sa favor na hiningi niya sa 'kin. Yon lang 'yon." Mariin kong sinabi. "Whatever, Jane. Anyway, what do you want do ask?" "I don't know... I feel like he got mad at me after kasi namin kumain." "Huh? Why do you think he's mad at you naman?" "Hindi ko nga alam." I sighed. "Bigla na lang hindi na siya nag-iimik. But prior to that, okay naman siya..." "Hmmm... that's weird. Anyway, mahirap pag-usapan ang love life over the phone! Mag-set ako ng sleep over with the girls!" "Hey, hindi naman 'to love life—" Pero bigla na lang nawala si Genesis sa kabilang linya. At mayamaya, sunod-sunod na ang chat messeges na dumating. Genesis: Girls, overnight sa Saturday. Sinong G sa inyo? Violet: Gora ako diyan. Samahan mo na ng alak, gurl! Friday: Okay. I'm in! Genesis: Janey? :) I sighed before I typed my reply. Jane: Sure. Ipinatong ko na ang cellphone sa bed side table pagkatapos namin mapag-usapn ang oras at mga dadalhin sa sleep over. Tumagilid ako ng higa at yumakap ng unan. Nakatitig ako sa labas ng balcony nang marinig ko na naman ang muffled music. The music was soothing to my ears, hindi ko na lang namamalayan na nakatulog na ako...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD