Hindi pa kami umuwi sa apartment tulad ng balak namin. May nadaanan kasi kaming night market at biglang nakaramdam naman ako ng gutom. Kanina pa rin ako uhaw na uhaw kaya bumaba kami ni Levi para humanap ng makakainan. Umikot pa kami sa mga food stall bago pumwesto sa harapan ng napili naming kainan. Pag-upo ko pa lang sa kahoy na silya, inalis ko kaagad ang wig ko. Pawis na pawis na kasi ang anit ko mula pa sa pagsasayaw namin doon sa venue. Tapos nagkagulo pa at pumunta sa presinto, humulas na rin tuloy ang foundation sa mukha ko. Kinuha ko na lang ang wipes sa bag ko. Pinupunasan at kinukuskus ko ang aking mukha nang bumalik si Levi dala-dala ang mga inorder. Inilapag niya ang mga pagkain sa table at umupo sa harapan ko. Maganda ang lugar at ambiance dito. Konti na lang ang tao k

