Tuloy-tuloy ako sa paglalakad. Naririnig kong tinatawag niya ako, pero bingi akong pumasok ng elevator. "Let's talk please..." Pakiusap ni Levi sa 'kin. Hinawakan niya ang pinto ng elevator bago iyon sumara at nagmamadaling sumakay. He kept on saying sorry and trying to hold my hand. Pero nanatili lang akong nakatingin sa unahan. Hindi ako nagsasalita hanggang sa huminto ang elevator sa floor namin. Hindi ko ugaling gumawa ng eksena sa public place. At lalong hindi ko ugaling maging nagger at makipag-away. Sumunod siya sa 'kin nang bumaba ako at maglakad papunta sa aking unit. Huminto ako sa pinto, still ignoring him while opening the door. Natigilan ako sa pagpasok sa unit nang pigilan niya ako sa braso. Bumaba ang tingin ko sa kamay at tumingala. Kitang-kita ko ang guilt sa mga ma

