Ang tatangkad na at ang gaganda nila! Si Zariya na kung tamang ang bilang ko na eight years ay halos hanggang dibdib ko na. Habang 'yong kambal na parehong twelve years old, kaunti na lang ay maabutan na nila ako. Mukha pang mga manika dahil sa foreign features plus their mom was also really pretty. Namana nila yung bilugang mata at malalagong eye lashes, tulad ng kay Levi na syempre namana rin ni Laura ko. “Na-surprise ka ba, Mahal?” Nakangiting tanong ni Levi na yumakap mula sa likuran ko. “Oo.. Ang tatangkad at ang gaganda na nila, Love.” Namamanghang baling ko kay Levi saka binalik rin ang aking tingin sa tatlong batang, nangingiti sa amin. “Kumusta na kayo? Naalala niyo pa ba ako?” Nangungunang sumagot si Zariya na talagang pinaka-pabibo at madaldal sa tatlong bata. “Syempre

