Mabilis ko siyang hinila papunta sa pinakadulong bahagi ng Supermarket kung saan wala masyadong tao kasunod si Karen na tulak-tulak ang push cart kung saan nakasakay at umiiyak pa rin si Laura. "Bakit ka nandito?" I scratch the side of my head. Yung stress ko kanina, mas nadagdagan! Paano ko kung may nakakilala sa kaniya? Tapos dumugin siya rito! "Sabi ko sa 'yo sa apartment mo na lang kami puntahan, 'di ba?" "Bakit mo ba kasi pinaiiyak yung bata? Tsaka text ako nang text sa 'yo hindi ka sumasagot." Nilapitan niya si Laura na humihikbi. "Stop crying, baby.. daddy's here." Pagtingin ko sa cellphone ang dami nga niyang text. Hindi ko na napansin 'yon kanina dahil sa stress ko sa issue sa office kundi pa siya tumawag. Kunot noong tinitigan naman ni Laura ang ama, na hindi makilala dahil

