KABANATA 2

1840 Words
NAKANGANGA at hindi makapaniwala si Ianah habang nakatitig sa malaki at bakal na gate ng Mansion De Guzman. Kararating lang niya, at ito agad ang bumungad. Alas sais pa lang ng umaga. Dahil sa kaba at sabik sa unang araw ng trabaho, halos hindi siya nakatulog kagabi. Bahagya niyang sinilip ang loob ng property. Makikita ang mahaba't malawak na daan, at sa magkabilang panig nito ay mga nakahilerang pine tree. Samantalang sa pinakadulo at sa pinakagitnang bahagi ay matatanaw ang isang malaking modernong mansion na may kremang pader at abong bubong. Sa istruktura at disenyo pa lang, sumisigaw na ng karangyaan. Kapansin-pansin din ang malalawak na wall glass, at inisip niya na mas kahanga-hanga ito sa gabi kapag naka-ilaw na. Naputol ang kanyang pagmamasid nang may paparating na golf cart, sakay ang isang driver at isang maid. “Mukhang hindi nga exaggerated ang sinabi ni Manang Julie kahapon,” bulong niya sa sarili. Naikwento kasi ni Manang Julie na ang Mansion De Guzman ay isa sa pinaka-kilalang mansyon sa lugar. “Kayo po ba si Ms. Ianah Gamboa?” Tanong ng maid nang makalapit ito sa kanya. Tantya niya ay nasa 30s ito, naka-pusod ang buhok nito at maaliwalas tingnan sa suot na uniporme. Tumango siya. “Yes po. Ako nga po iyon,” sagot niya, may tipid na ngiti. Ngumiti rin ang maid. “Ako nga pala si Lea, isa sa mga katulong dito. Please follow me, Ms. Ianah.” Agad naman siyang sumunod, manghang-mangha habang sumakay sa golf cart. “Inaasahan kong ipinaalam na lahat ni Manang Julie ang mga dapat mong gawin,” ani Lea, habang siya ay abala sa pagsulyap sa paligid. Habang papalapit sila sa mansion ay mas lalo niyang nakikita ang pagiging malawak ng buong property. Sa kanang bahagi ay may natatanaw siyang isang maliit na playground. Samantalang sa may bandang kaliwa ay isang mini-garden na may nakahilerang kulay pink na rosas. May matatanaw ring isang water fountain sa gitna. Para siyang mini-park dahil may mga light post pang nakatayo sa gilid ng benches. Umihip ang malamig na hangin, sabay takip ng ilang hibla ng kanyang buhok sa mukha. "Ms. Ianah?" pagtatawag ni Lea sa kanya nang hindi siya sumagot. "A-ah, Oo." Sagot niya habang inaayos at inipit sa likod ng magkabilang mga tainga niya ang sumabog na buhok. Nakita niyang tumango naman si Lea. Nang marating nila ang mansyon, hindi niya maiwasan na muling mamangha. Malinis at maaliwalas ang loob. May hagdan na mahaba rin na patungo sa ikalawang palapag. Nag-aagaw din ang kulay krema at abo sa paligid, mula sa mga muwebles hanggang sa mga palamuting naka-display. Kahit ang granites tiles, ay halos ikinahiya niyang apakan sa takot na madumihan ito o magasgas. "Kailangan na nga pala nating gisingin ang mga bata para ayusan ang mga ito at para makapag-agahan kasama si Sir Gerode. Pero puntahan muna natin ang magiging silid mo para mailagay iyang mga gamit mo." Sabi ni Lea sa kanya. Napatigil naman siya sa kakasuyod ng tingin sa paligid saka tipid na tumango. Mahigpit niya ring hinawakan ang strap ng itim niyang duffle bag. Lumapit sila sa isang kulay red-brown na pinto, hindi ito nakakalayo sa b****a ng hagdan. Saka maingat na binuksan ito ni Lea. “Ito pala ang magiging kwarto mo. Mas pinili ni Sir Gerode na malapit ka sa hagdan para laging handa sa mga bata. Habang malapit naman ang maid quarters sa may dining area. Kaya kung may kailangan ka ay pwede mo lang kami puntahan doon.” Tahimik lamang siyang nakikinig kay Lea at sumunod na ring pumasok sa silid. Maingat niyang inilapag sa isang may kalakihan na kama ang kanina pang bitbit na duffle bag. Hindi niya maiwasang ikumpara ang silid sa maliit niyang inuupahan—mas maluwag, mas maaliwalas, at may sariling banyo ito. Simple lang din ang disenyo ngunit ang mas nakakakuha sa atensyon niya ay ang isang flat screen tv na naka-dikit sa dingding at kaharap ng kama. "Halika kana muna, Ms. Ianah. Mamaya mo na ayusin ang mga gamit mo, baka mahuli pa kasi ang mga bata." Untag sa kanya ni Lea. Agad naman siyang sumunod. Pilit na pinapakalma ang sarili dahil sa excitement na naramdaman. Pero nang umaakyat na sila sa hagdan, bumigat ang dibdib niya. Naalala niya ang problema: wala siyang karanasan sa pag-aalaga ng bata, lalo pa't lumaki siyang only child. "Sa totoo lang, masaya ako na maaga kang dumating ngayon, Ms. Ianah," ani Lea. "Aya nalang po," sabi niya rito. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon. "At sana talaga ay magtagal ka at makayanan mo ang lahat ng magiging trabaho mo dito." Makahulogang pagpapatuloy sa pagsasalita nito. Puno nang pagtataka niya naman itong tinignan. "Bakit?" Lumingon muna ito sa paligid. Ngayon ay nasa malawak na hallway na sila at walang katao-tao. "Hindi ko alam kung sinabi sa’yo ni Manang Julie, pero... hindi madali pakisamahan ang mga batang aalagaan mo. Ilap sila sa ibang tao. Kaya sana hindi mo dibdibin ang lahat. Dahil sayang din ang magiging sahod." Tipid itong ngumiti. Hindi maiwasan na mamutla dahil sa sinabi nito. Magtatanong pa sana siya nang huminto sila sa tapat ng isang kulay pink na pinto. Sa hallway na kinaroroonan nila, may tatlong pinto ang makikita, at bawat pinto ay may iba't ibang kulay. "Ako na ang gigising kay young lady Alessandra at kay young master Allendrex. Magkatabi lang naman sila ng silid at mas madaling gisingin, kaya ikaw na yung gumising sa panganay na si young lady Alisha." Hindi pa naman siya pumapayag ay muli itong nagsalita. "Sa kaniya nga pala yung kulay abong pinto na nasa pinaka-dulo rito." Sa pagkakaalam niya, si Alessandra ang pinakabunsong babae, habang may kakambal itong lalaki na si Allendrex. Samantala, si Alisha ang nakatatandang kapatid. Bumuntong hininga siya at tumango. "Good luck, Ianah," makahulogang sabi sa kanya ni Lea. Akmang tatanungin niya sana ito kung para saan ang sinabi nito nang kumatok ito sa pinto saka tuluyang pumasok sa loob ng silid ni Alessandra. Sa kawalang magawa, maingat at mabilis niyang tinungo ang silid na nasa pinaka-dulo. Bumuntong-hininga siya. Hindi niya maiwasan na kabahan. Parang ewan rin talaga ang Lea na iyon, parang nanatakot pa sa kanya. Pagkarating niya sa pinaka-dulo ng hallway. Maingat na kumatok siya ng tatlong beses sa pinto. "Young lady Alisha, si Ianah po ito. Bagong Nanny niyo po." Pagpapakilala niya sa sarili. Wala siyang narinig na ingay mula sa loob kaya muli siyang kumatok. "Papasok na po ako," aniya at maingat na pinihit ang doorknob. Napakunot noo siya nang mapagtantong naka-locked ito. "Young lady, Alisha. Kailangan niyo na pong gumising at maghanda para makapag-agahan po," muli niyang pagsasalita. Hanep, unang araw pa ngalang ay sinampal agad siya sa katotohanang hindi magiging madali ang trabaho niya. Parang gusto niya tuloy sabihin kay Manang Julie na nagkamali siya ng desisyon at gustong umatras. "Young lady?" "She won't hear you. Her room was soundproof." Isang mababang boses ng lalaki ang narinig niya mula sa kanyang bandang likuran. Napatayo siya ng tuwid. Huminga muna siya ng malalim bago ito nilingon. Agad na bumungad sa kanya ang nakaayos at tila nakahanda ng pumasok sa trabaho na si Gerode. Hindi niya sana ito makikilala at malalaman na amo niya ito, kung hindi niya minsan itong nakilala mula kay Marie at kay Manang Julie. Naamoy niya rin ang pamilyar na mabangong amoy nito na pinaghalong mint and cool kaya may refreshing effect. Nagkandaugaga naman siyang bumati. "Good morning po, Sir De Guzman. Ako nga po pala si Ianah Gamboa." Pagpapakilala niya habang hindi magawang tingnan ito nang diretso sa mata. "I know," tipid nitong sagot. Mariin niyang itinikom ang kanyang bibig sa kawalan ng masabi. Bahagya niyang nahigit ang sariling hininga at nanigas sa kanyang kinatatayuan nang walang babala itong humakbang palapit sa kanya. Halos mawalan siya ng balanse sa sobrang taranta. Mabilis siyang tumabi sa isang tabi. Nang tumayo si Gerode sa harap ng pinto ng anak. Tahimik pero matigas ang tindig itong kumatok. Hinintay niyang magsalita ito ngunit agad niyang naalala na naka-sound proof pala ang silid ng dalaga. Subalit, 'laking gulat niya nang wala pang minuto ay agad itong bumukas. "D-dad." Isang tinig ng batang babae ang narinig niya. Halata sa boses nito ang gulat at mahihimigan ang konting kaba. Mabilis na napatingin siya mula rito. Nakita niya ang isang maganda na labing-isang taong gulang na batang babae. May kasingkitan ang kulay asul na mga mata nito. May maliit na mukha, bagay-bagay sa maliit at may katangusan na ilong at maliit na pinkish heart shape na bibig nito. Bahagyang magulo ang itim na buhok galing sa pagtulog. Kasalukuyang nakasuot ito ng isang set na kulay abong sleepwear. “Why didn’t you open the door? Are you really going to be rebellious because of what happened yesterday, Alisha?” malamig ngunit may bigat ang tanong ni Gerode mula sa anak. Tahimik naman siyang nakikinig at nanood sa isang tabi, hindi magawang mag-salita o bumati man lang sa batang babae. Nakita niya ang inis na dumaan sa mukha ni Alisha, ngunit agad din itong pinawi at itinago sa walang ka-ekspresyon na mukha. "I just woke up, Dad. I didn't hear it," walang emosyon nitong tugon. Sa mga oras na iyon ay makikita niya nang mabuti ang pagkahawig ng mag-ama. Kitang-kita niya ang pagiging small version ni Alisha mula rito. Mula sa may kasingkitan at kulay asul nitong mga mata hanggang sa kawalan ng ekspresyon sa mga mukha at ang pag-uugali ng dalawa. Doon niya rin napansin kung gaano katikas ang pangangatawan ni Gerode. Gwapong-gwapo ito sa suot na corporate suit, katulad sa parating sinasabi nila Manang Julie at Marie sa kanya. May kakapalan ang pormadong kilay. Matangos ang ilong—na malinaw niyang nakikita, lalo na't bahagyang naka-side view ito sa gawi niya. Natural din ang mamula-mula na mga labi nito. Kung hindi lang niya ramdam ang bumibigat na tensyon sa pagitan ng mag-ama, baka mas pipiliin niya na lang maghanap ng mangunguyang popcorn habang pinapanood ang dalawa na parang eksena sa isang pelikula. Pero bago pa lumala ang sitwasyon, naglakas-loob na siyang sumingit. "Good morning po, Young Lady Alisha. Ako nga po pala si Ianah, ang bagong Nanny niyo." Nakangiti at kalmado niyang pagpapakilala kahit nanginginig at nagpapanic na sa kaloob-looban niya. Saglit lang siyang tinapunan ng tingin ni Alisha, saka muling tumingin sa ama. "What's with that attitude, Alisha? You're being rude." Hindi natutuwang pagpuna ni Gerode sa inasta ng anak. "Ayos lang po, Mr. De Guzman. She didn’t mean to be rude po. She just woke up... baka groggy pa kaya hindi agad nakapagsalita." Pagtatanggol niya agad sa batang babae. Hindi siya sigurado kung nakatulong ba siya o lalo lang pinalala ang sitwasyon. Lalo na't nakita niya ang iritasyon sa mukha ni Alisha, halatang hindi natutuwa dahil sa ginawa niya. Mariin niyang itinikom ang kanyang bibig upang pigilan ang sarili mula sa pagsasalita. Mukhang lalo niya lang pinasama ang sitwasyon. Pero ano'ng magagawa niya kung wala siyang karanasan pagdating sa ganitong sitwasyon at tanging sa librong pinagpuyatan niyang basahin kagabi lang siya bumabase kung paano mag-alaga at mag-handle ng bata?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD