bc

Marrying Mr. Billionaire

book_age16+
6.5K
FOLLOW
27.6K
READ
possessive
contract marriage
independent
drama
comedy
twisted
sweet
bxg
coming of age
first love
like
intro-logo
Blurb

Hindi naging maganda ang takbo ng buhay ni Katarina simula nang maghiwalay sila ng kaniyang nobyo sa dahilang mag-iibang bansa na ito at sa kaniyang paniwala ay may ibang babae na ito. Kaya naman ay hindi niya nagawang ipasa ang board exam ng pagiging guro dahil sa hindi siya makapagfocus.

Dalawang taon ang nakalipas ay pumanaw ang kaniyang nag-iisang sandalan, ang kaniyang ama. Kaya naman ay mas lalo lamang nawalan ng gana sa buhay si Katarina at nabaon pa sila sa utang.

Isang araw, sa isang hindi inaasahang pangyayari, nagawa ni Katarina ang isang bagay na kailanman ay labag sa kaniyang loob, at ito ay magnakaw sa isang mansyon sa pamumuno ng maimpluwensyang si Boboy.

Pero tadhana yata ang nagtagpo muli sa kanilang dalawa nang ang inaakyatang bahay ni Katarina ay bahay pala ng kaniyang dating nobyo, si Ashton.

Maibabalik pa kaya ang bitin na pagmamahalan? Paano kung isang araw magugulat ka na lamang na kasal ka na pala?

How did Katarina end up Marrying Mr. Billionaire?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Hija, pasensya na pero kailangan ko na 'yong pera na inutang niyo sa 'kin na pina-ospital niyo sa ama niyo. Ilang buwan na rin ang nakalipas at alam ko kung gaano kasakit mawalan ng ama, pero kailangan ko na rin ang pera na 'yon lalo na't may negosyo kami. Pinahiram ko lang naman iyon sa inyo kasi naawa naman ako." From here, I saw my sister talking to Aling Marites and I knew what they were talking about. Nagka-utang kasi kami sa kaniya and we borrowed money from her six month's ago and until now, hindi pa rin namin nabayaran. Sobrang gipit kasi namin no'n at desperada kaya umutang kami ng malaking halaga para lang maipagamot si Papa. But it was too late, lala na ang sakit ni Papa. Umabot din ng milyon ang gastusin namin sa Hospital kaya umutang din kami para lang mabayaran ito. But then, money didn't save my father's life. Sumuko rin ang katawan niya at gusto ko siyang sisihin kasi hindi niya pinaalam sa 'min ang sakit niya. Sa Ospital lang namin nalaman na malala na ang kaniyang sakit. I swallowed hard and tightened my grip on the curtains. "A-Aling M-Marites..." My sister's voice trembled. "W-Wala pa kasi kaming sapat n-na pera para m-mabayaran ang u-utang. Maybe—" Napatalon ako sa gulat nang tumaas ang boses ni Aling Marities. Naikuyom ko na lang ang kamao ko dahil kitang-kita ko sa mata ni Ate na nasaktan siya sa sigaw nito. "Ano?" She exclaimed in disbelief. Wala na naman, Kalla?" Her voice thundered. Hindi ko maiwasan ang masaktan para sa Ate ko. If I was just brave enough to face Aling Marites, ako na lang sana at hindi ang Ate ko. "Ilang beses na akong pabalik-balik dito!" She shook her head. "Hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo nagbabayad!" "But I promise I will pay—" "Puro na lang kayo pangako!" She cut her off. "Magkita na lang tayo sa presinto!" Nanlaki ang mata ko sa narinig. My sister panicked and immediately held Aling Marites' hand. My heart hurt because my help was not enough and my sister needs to beg for another week. Hindi kami ganito, hindi kami basta-basta nagmamakaawa. We did our best to save our beloved father, but then he still left in this world. He left us. "Sige!" Huminahon na ito. I clenched my fist while looking at them. "Isang linggo! May isang linggo pa kayo, Kalla. At kapag hindi niyo pa rin ako nabayaran, sa presinto na lang tayo magkita!" She turned around and slammed the door of our gate. Alala ang unang naramdaman ko nang makita ko na bumagsak ang balikat ni Ate. Na-iwas na lang ako ng tingin at umupo sa sofa dito sa sala namin. Bumilis ang t***k ng puso ko at totoo na kulang pa ang naipundar naming pera para lang mabayaran ang utang. Nang pumasok si Ate sa loob, I saw her eyes watered. Agad-agad akong lumapit sa kaniya at hinila para yakapin. Humagulhol si Ate at wala akong ibang ginawa kundi ang yakapin siya at pilit pinatahan. My sister did everything. At parang ako pa ang walang kwenta at pabigat sa bahay na ito. I caressed her hair and hugged her even more. "Ate, we will pay Aling Marites," I said softly. "Please don't cry." I bit my lower lips para pigilan ang sarili ang maiyak. "Paano natin mabayaran? Ang laking halaga no'n at wala pa sa kalahati ang naipundar natin," she said in between her cries. My chest tightened as I realized that we were having a hard time just to pay our debt. Marami na rin akong raket at mga side lines pero kahit ilang pawis pa at kahit sumuka pa ako ng dugo, hindi pa rin basta-basta ang milyon na pera. Tahimik kaming nagyakapan ng ilang minuto. Ang tanging narinig ko lang ay ang mahinang hikbi ng Ate ko. Malakas ang Ate ko kumpara sa akin. Na kahit may problema na kami ay hindi niya naisip na sukuan at taguan ito. And I must say, iba ako sa Ate ko. While my sister is good at achieving anything, me, on the other hands, don't have the directions in life. Bali sa aming dalawa, ako ang black sheep. Hindi ko talaga alam kung ano ang gusto ko sa buhay. I finished college with medals and certificates but it doesn't measure your success. Nagulantang ako nang biglang kumalas si Ate sa yakap ko at tumayo. I saw her eyes grew wide and looked at me. Hindi ko maiwasan ang mapalunok lalo na't masyado practical ang Ate ko. "Ibenta natin ang lupa!" She exclaimed. Umawang ang labi ko at natarantang tumayo nang tumalikod siya sa 'kin para umakyat sa hagdan. Bago pa man siya makaapak sa hagdanan, I immediately stood up and ran towards her. Hinarang ko ang sarili ko sa hagdanan at umiling. Nakitaa ko na nagulat siya sa ginawa ko. No, Ate! You can't just sell it! Papa treasured it so much! She arched her brow. "Bakit ka nakaharang d'yan? Tumabi ka! We need to sell the lot para tapos na!" Umiling ako. "Ate, mahalaga kay Papa ang lupa. We can still pay her without selling it!" She looked at me angrily. "Mahalaga? Wala na si Papa! We can sell his property para tapos na ang paghihirap natin! Bakit ngayon ko pa ito naisip? We can sell some of his property naman pala!" And she chuckled. Umiling ulit ako, halos magmakaawa na. "Ate, huwag ang lupa. Importante kay Papa—" "Shut up!" She cut me off. Her forehead creased. "Ayoko nang marinig ang usaping ito! Wala na tayong magawa kundi ang mag-take risk kahit gaano pa kahalaga ang isang bagay! May iba ka pa bang paraan para mabayaran ang utang? Without selling the land? Tumahimik ako. "'Di ba, wala?" She laughed sarcastically before she glared at me. "Wala na tayong ibang choice kundi ang ibenta ang lupain! Ilagay mo sa kokote mo na wala na si Papa! Wala na siya at huwag mo nang ipaalala sa 'kin ang mahalaga!" She pushed me and walked straight towards the stairways. Wala akong magawa kundi ang titigan siya sa kaniyang pag-akyat. *** Kinabukasan, tulala ako sa trabaho. I have been working as a sales lady for a year now. While I am waiting for an opportunity, tiniis ko muna ang sweldo at wala akong karapatan na magreklamo kasi 'yon naman talaga ng trabaho. I've been standing, serving and pleasing customers for a year now and it was hard. Pero gano'n pa man, I still enjoyed working here kasi may naging kaibigan na rin ako. "Okay ka lang?" Cheska, my co-worker as well as my friend, asked. Nasa may toy section display kami naka-assign at wala pa namang customers na lumapit so we still have time to talk. I sadly looked at her and nodded. "Okay lang." It was a lie. And I need to lie para lang hindi na siya magtanong pa. I don't want anyone, not even my friend minding my own business. Ayoko silang madamay sa problema ko. She rolled her eyes and tapped my right shoulder. "You're lying. I know may problema ka and maybe I can help as long as you tell me." I looked at her again and smirked. "Bakit? May isang milyon ka ba d'yan?" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at umiling agad. "Wala!" Tinaas ko ang gilid ng labi ko at nag-iwas ng tingin. "Milyones ba ang problema mo?" I shrugged my shoulder. "Utang namin 'yon." That was the last thing I said before I turned my back against her. I kept on wishing and praying na sana may raket ako mamaya. I need to earn money, kahit alam ko na impossibleng maabot ang milyon in a week. I am always hopeful towards life and if you want to be successful, you need to try harder. Kaya nga hindi ako sumuko agad no'ng bumagsak ako sa unang pagkakataon sa board exam. I cried but I didn't give up. Nang-uwian, hindi ako sumabay kay Cheska. I need to find a job, kahit sideline lang. That's the only thought I have in mind as I walked towards the waiting area. Nagpasalamat ako na walang tao sa kaya napamasid ako sa paligid. My eyes widened when I saw a flyer. Walang pag-alinlangan na lumapit ako sa may dingding at binasa ang nasa flyer. "For hire; Sexy Dancer," basa ko. I ran my finger on the paper, filled with dust but I didn't mind. I just read it out loud since wala namang tao sa waiting area. "Requirements...matangkad, sexy, magaling gumiling at may—" I gasped when I saw the last requirement. I looked down on my booby and it didn't pass the requirements. Nanlumo ako. Bakit malaking boobs pa? Where's the justice? "Tsk! 'Di ka qualified!" My lips parted and immediately looked at my right side. Napangiti ako nang makita ko kung sino 'yon. "Boboy!" I waved at him. He smirked and walked towards me. Si Boboy ay isang raketero sa lugar namin. Madiskarte siyang tao at matalino pero hindi niya ginamit. Payat siya and his skin was white as paper. Muntik ko na siyang mapagkamalang nagpa-gluta kung hindi lang niya sinabi na may lahi siya. "So..."Tumikhim siya. "Bakit ka narito?" Tumingin siya sa flyer na kaharap ko at binasa niya. He laughed and looked at me. Pinasadahan niya pa ako ng tingin. "Mag-a-apply ka?" And he laughed. He even put his hand on his tummy. I rolled my eyes and walked out. I don't have time playing and joking around. Lalo na't may utang kami ang my sister is planning to sell the land. "Hoy! Hintay!" I could still hear his laugh even though malayo na ako sa kaniya. Umiling lang ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Kung wala siyang ma-e-offer na raket, just leave me alone! "Teka, may raket ako!" He shouted that made me stop from walking. I heaved a sigh and turned to him. Kita ko na napagod siya agad kakahabol sa 'kin. Hinihingal ito at ang kamay ay nakatuko sa tuhod. Napailing na lang ako at ako na mismo ang lumapit "Raket?" Tumango siya at umayos ng tayo. He was still gasping for air. "Oo, may raket ako kaya kita nilapitan! Actually hinanap kita at buti n alang at nakita pa kita." Kumunot naman ang noo ko. "Anong klaseng raket ba? Gusto kong malaman. Mapili ako sa raket ngayon kasi kailangan ko ng pera." He nodded and held my hand. I immediately pulled it away from him and glared at him. He was surprised because of what I did but he composed himself and cleared his throat. "Sorry, pero seryoso! Malaki ang kikitain natin sa raket na ito ngayon! Bigatin!" Umawang ang labi ko. Hinawakan niya naman ang palapulsuhan ko at hinila. "Wait!" "Tara na! Alas sais na! Kailangan na nating pumunta sa eskinita! Sigurado ako na malaking pera ang makukuha mo!" He said while pulling me to somewhere. Wala naman akong magawa kundi ang magpahila na lang. I have know Boboy for years so I trusted him. Hindi naman siya masamang tao and he helped me when I saw in need, especially money. Nasa may madilim na eskinita kami. I saw two girls with unusual look. Hindi naman ako judgmental pero nang makita ko silang dalawa ay naging judgmental na ako. Nagtaka rin ako kung bakit dito ako dinala ni Boboy at bakit may dalawang babae pa. "Sino 'yan, Boboy? A girl with a tattoo on her right arm asked while licking on her lollipop. Her eyes were black and her hair were blonde. Her skin was brown as coffee. She was wearing a ripped denim shorts and a red crop top. Tumawa naman si Boboy at inakbayan ako. "Si Katkay, kaibigan ko," pakilala ni Boboy sa akin. The blonde girl looked at me from head to toe before her eyes went back to Boboy who was now smiling. "Seryoso ka ba, Boboy? Nag-recruit ka ng isang lampa?" Napasinghap ako dahil sa narinig. "Madadamay tayo kapag nabuking 'yan!" Kumunot ang noo ko. Litong-lito na ako at ayoko sa naramdaman ko. Parang iba ang raket na ito at parang alam ko na. Hindi ko maiwasan ang kabahan ngunit I ignored my thoughts dahil baka mali ako. The girl with a red hair stood up and walked straight towards me. She has a bangs, her hair was short and straight and she has a nose ring. She also has a tattoo on her skin na bumagay sa puti niyang balat. Her eyes was brown as coffee and she was wearing a jeans and a black off-shoulder. She raised her brows and crossed her arms. "Itsura pa lang, parang hindi naman yata marunong magnakaw, Boboy!" Nanlaki ang mata ko sa gulat at napaatras. My heart beats fast at nahulaan ko na kung ano ang raket na ito. I looked at Boboy and I felt betrayed. He can't even looked at me. "Magnakaw?" The blonde girl laughed sarcastically before she nodded. "Yes, magnakaw! Bakit? Isusumbong mo ba kami? Wala ka nang magawa kasi kasabwat ka na namin!" My lips paled. Ano ba itong pinasukan ko? I know I am in need pero hindi pumasok sa kokote ko ang magnakaw! Tumingin ako kay Boboy na hanggang ngayon ay hindi pa rin makatingin sa akin. Bastard! Umiling ako at nilingon ang dalawa. "Hindi! Hindi ako sasali sa inyo!" Tatalikod na sana ako nang biglang lumapit sa akin ang babae na may pulang buhok at hinila ang laylayan ng damit ko. Nakasuot pa rin ako ng uniporme namin sa Mall. "Wala nang atrasan!" asik niya which made me trembled in fear. "Damay ka na kung ano man ang mangyari sa amin ngayon! Kapag aatras ka at isusumbong mo kami, patay ka sa 'min!" She threatened. Umiling agad ako. "Hindi aako magsusumbong!" Just let me go! Kung ganito lang din naman ay papayag na lang ako sa gusto ni Ate! Umiling lang siya at inakbayan ako. Nanginig naman ako sa takot. Si Boboy lang ang kilala ko rito pero hindi ko na siya makapagkatiwalaan. Siya ang nagdala sa 'kin dito. Tumingin na sa wakas si Boboy sa 'kin using his puppy eyes. Mukha talaga siyang aso at gusto ko siyang suntukin! "Sorry na, Kat," aniya at nag-peace sign. "Pero watcher ka lang naman! Hindi naman ikaw ang magnakaw! Kami ang gagawa no'n!1" Wala na akong magawa. Labag man sa kalooban ko ay sumunod ako sa kanila. Narinig ko na plano nilang nakawan ang isang bagong tayo na bahay. Sobrang moderno at maganda at hindi ko lubos maisip na mapasok nila 'yan. I bet that house is filled with guards with a gun on their hands. Hindi ko maiwasan ang mapalunok. "Kat, ang tanging gawin mo lang ay tingnan kung ano ang nasa loob. Pinainom ko na ang tanga nilang tauhan. Nagpa-uto sa libreng buko juice eh, paniguradong tulog na 'yon," si Boboy at sinuotan ako ng burglar mask. "Girl, huwag kang tanga-tanga! Remember, damay ka na rito!" Napairap na lang ako at nilakasan na lang ang loob. I can't believe na gagawin ko ito. Pero wala na akong choice! Nandito na ako eh! Bobo pushed my back towards the backyard. Medyo nagulat pa ako na bukas na ang gate. I froze when I saw people lying on the ground. Kinabahan ako dahil baka patay na ang mga ito. Pero sinabi ni Boboy na pampatulog lang 'yon, so probably tulog ang mga ito. I walked straight towards the backdoor and I froze again when I saw a middle age woman lying on the cold tiles. Hindi ko maiwasan ang murahin si Boboy sa isip ko. Bakit dinamay pa ang ginang na ito? My hand trembled when I took the keys from her hand. "Sorry, Manang! Tangina po, Sorry!" paulit-ulit kong sinabi bago humarap sa naka-lock na pinto. Nang mabuksan ko, dilim ang ang bumungad sa akin. Kailangan ko pang palakihin ang mata ko para lang makita ko kung saan ako hahawak. Madilim ang bahay at tingin ko ay tulog na ang may-ari. Hindi ko maiwasan ang magtaka kung paano nagawa ni Boboy ito. Nang malagpasan ko ang kitchen area at dining area, bumungad sa akin ang malawak na living room. Medyo kita ko ang labas kasi may lights. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa mga mamahalin na gamit na naka-display. Shit! Ang dami niyong nanakawin Boboy! I roamed my eyes around and I accidentally saw a picture frame with—what? I immediately took my phone from my pocket and turned on the flashlight at itinapat ko sa picture frame. Muntik ko nang mahulog ang phone ko dahil sa sobrang gulat. "Ako 'yan!" I gasped and covered my mouth, Bigla akong kinabahan at ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Ako ba 'yan or kalookalike lang? Kanino bang bahay ito? Akmang lalapitan ko na sana nang aksidente kong nasagi ang mamahaling vase. Gumawa ito ng ingay at nag-echo pa sa buong bahay. Sinapo ko muli ang bibig ko at nanigas. "OMG!" mahina kong tili at akmang pupulutin na sana ang nabasag vase nang biglang tumunog ang isang fire alarm at umilaw ang buong kabahayan. My eyes widened and started to panic. I immediately ran back to where I came from. Pero hindi pa ako nakaabot sa pinto when an arm hugged me from behind and pushed me against the wall. Pinikit ko ang mata ko sa sobrang takot. I'm dead. I'm totally dead! "Sino ka?" A baritone and a thundered voice filled the area. Ramdam ko ang kaniyang hininga sa balat ko na ikinandig ng balahibo ko. Hindi ako umimik at umamba pa na itulak siya but then he pushed me against the wall again and leaned closer to me. I swallowed hard and my heart skipped a beat. Sino ang lalaking ito? Halos mapatili ako nang hinubad niya ang burglar mask ko. I closed my eyes and didn't bother to look at him. I am scared and shy as well. But then I opened my eyes nang marinig ko ang kanyang sinambit. "Baby?" His eyes grew wide when he saw me. Umatras din ito at gulat na gulat nang makita ako. Ako din...hindi ko akalain na ang lalaking nasa harapan ko ay walang iba kundi si Ashton--ang ex-boyfriend ko! My lips parted. Mas lalo lamang akong kinabahan at bumilis pa ang t***k ng puso ko. Nawala ang pagkagulat niya at napalitan ng isang nakakalokong ngisi. Pero hindi maipagkaila na may galit sa kanyang mata. "Ano ang sadya mo rito? How did you know my place and are you a part of some thieves?" He lifted the burglar mask na suot ko kanina. "Why are you wearing this?" Instead of answering his question, I kicked his knees and pushed him away from me so I could ran away, Narinig ko ang kanyang malutong na mura at sigaw. I didn't mind, ang tanging nasa isip ko lang ay ang makalabas sa pamamahay niya. Lord, sorry sa kasalanan ko! Sana hindi na kami magkita ulit kasi kahihiyan iyon! Papayag na ako na ibenta ang lupa basta huwag na kaming magkita ulit.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Loving The Heartbroken Man (Juan Miguel)

read
136.2K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

His Property

read
955.6K
bc

SECRET AGENTS AND COLD HEART

read
181.1K
bc

The ex-girlfriend

read
145.0K
bc

My Secret Marriage

read
129.1K
bc

Dangerously In Love

read
44.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook